chapter 2

1642 Words
Lihim akong natawa habang pinagmasdan ang gulat sa mukha ng taong natulala sa pabigla-bigla kong pagdating. "H-hooy!" pasigaw nitong duro sa akin. Mula sa kanya ay inilipat ko ang tingin sa kasama niyang babae na di magkandaugaga sa pagtakip sa sariling kahubdan. Big boobs, small waist, wide hips and long legs, di na masama ang taste ng isang Igop Ramirez. Pinsan siya ng nakilala kong ama at siya ang huling kausap ni Daddy bago ito naaksidenti at siya rin iyong kasama ko noong pilit kong ginigising ang tanging amang nakatatak sa isipan ko't puso . Mula sa bahay namin ay dumeretso ako sa address niya rito sa Cebu na nakuha ko mula sa mga gamit ni Daddy. Magpinsan ang mga ina nila ni Daddy kaya sila naging magpinsan pero mas bata kay Daddy si Tito Igop. Hula ko ay 29 pa lang si Tito Igop at hindi ko rin alam kung dapat bang Tito iyong itawag ko sa kanya kahit pareho naming alam na walang kahit isang patak ng dugo niya ang nanalaytay sa mga ugat ko. "Anong ginagawa mo rito?" gulat na gulat pa ring tanong ni Tito Igop habang nakatakip na sa kanyang hinaharap ang dalawang kamay. Masyado yatang wrong timing iyong bigla kong pagdating. Naabutan ko lang naman itong magaling na pinsan ni Daddy sa gitna ng mala-porn star nitong paglagari sa kasamang babae. Hindi ko naman kasalanan na iniwan nilang bukas iyong gate kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng malaking bahay na nakabukas din iyong pinto. Nang magtao- po ako ay walang sumagot kaya nagkusa na akong maglibot upang hanapin iyong mga nakatira sa bahay. Wala akong mahanap sa ibaba kaya umakyat ako sa itaas at nang may marinig akong mga hiyaw at ingay mula sa nakabukas na silid ay agad akong pumasok doon. At ayon nga, nadatnan ko iyong pinsan ng Daddy ko na Tito ko na pinatuwad iyong isang babae sa study table habang masigasig na inaararo. Nanghihinayang tuloy akong napasulyap sa malaking kama na nasa tabi lang. Mukha kasi itong nawalan ng silbi dahil mas pinili pa ng may-ari iyong mahirap na posisyon sa mesa kaysa gamitin ito. "Hello po Tito." Matamis ang ngiting binigay ko sa kanya. Siniringan ko naman ng mga mata iyong babaeng hindi pa rin umalis kahit nakapagbihis na. Gusto pa ba niya ng round 2? O baka naman ... pang-ilang round na iyong naabutan ko pero she wants more pa rin. "Carly, I'll just call you—" "It's Jenny! Not Carly," iritang putol ng babae sa sinabi ni Tito sa kanya. Pigil ko namang mapahagikhik. May naalala akong kanta sa sinabi ni Tito. "Oh yes, Honey... I'll just call you—" "My name is Jenny! J-E-N-N-Y! Jenny!" pasigaw na pagtatama ulit ng babae bago padabog na lumabas ng silid. Naiwan kaming dalawa ni Tito Igop na nagkatinginan. "What's with her?" nagtataka niyang tanong sa'kin. "Bakit big deal sa kanya iyong pangalan niya?" naiiling pang dagdag sabay hablot ng kumot mula sa kama at ipinambalot sa kahubdan. Maang ko lang siyang pinagmasdan habang bumubulong-bulong na pumasok sa walk-in closet. Hindi na ako sumunod sa kanya sa loob dahil tiyak na magsusuot lang naman siya ng damit doon at baka kung ano pa ulit iyong makita ko. Inilibot ko sa buong silid niya ang paningin ko. Itinuturing na royalty rito sa Cebu ang mga Ramirez at hindi na nakapagtataka kung paanong ganito karangya ang bahay ng isang Igop Ramirez partida binata pa siya sa lagay na ito. Sa laki ng bahay niya ay iisipin mo talagang isang malaking pamilya ang nakatira rito at hindi isang lalaking malaki iyong ulo dahil sa kahanginan. Naalala ko mula sa kwento ni Daddy kung gaano kahangin itong pinsan niyang ito tungkol sa kagwapuhan nito. May katotohanan naman iyon pero hindi niya dapat pa ipangalandakan dahil hindi naman bulag iyong mga tao sa paligid. "Now, tell me. Why are you here?" Natuon ang pansin ko kay Tito Igop nang marinig ko siyang magtanong. Nakahalukipkip siyang nakasandal sa gilid ng pintuan ng walk-in closet . Lihim kong pinasadahan ng tingin ang suot niyang simpleng t-shirt na humulma sa matipuno niyang katawan at sa loose pajama niya na mapapatanong ka na lang kung iyong nakaumbok ba ay real or reel. Totoo ngang gwapo ang mayabang na ito! Simpleng suot lang pero parang pang-cover na sa glossy magazines. "Pamangkin, alam kong gwapo ako pero maghunos-dili kang bata ka! Ayokong makasuhan ng child abuse," putol nito sa pasimple kong panunuri sa kanya. "Hindi mo ako totoong pamangkin," nakaismid kong sagot. Ano bang tumatakbo sa utak ng isang ito at napunta sa usapang child abuse ang pinagsasabi? "At hindi na ako bata," mariin kong dagdag. "Hindi pamangkin pero kung maka- Tito ka sa akin wagas," irap niya. Napakurap akong napatitig sa kanya. Siya iyong tanging lalaking nakilala ko na lalaking-lalaki kung umirap. Iyong iba kasi ay nagmumukhang bakla. "Mukha na ba akong Tito?" namaywang niya pang tanong sa'kin. Nasa harapan ko na siya at medyo nakadukwang sa'kin upang magpantay ang aming mga mukha . Napuno iyong baga ko ng mabangong hangin na lumalabas sa kanyang bibig dahil sa sobrang lapit niya sa'kin. Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan. Gwapo na noon pa itong si Tito sa kabila ng kahanginan niya, pero masasabi kong mas may ikinagwapo pa pala siya sa malapitan. Angkan din ng mga gwapo ang pamilya Del Russo mula sa kapatid kong si Kuya Craig hanggang sa mga pinsan kong sina Kuya Mage, Kuya Lysander , Kuya Sergio at Kuya Radence at kahit nga si Kuya Louis ay napakagwapo rin bago siya naging super maganda, pero talagang kakaiba ang taglay na kagwapuhan ng isang Igop Ramirez. Dapat hindi legal sa Pilipinas ang ganitong mukha, takaw sa pagkakasala ang mukhang ito. "Oy, natulala ka na sa kagwapuhan ko," untag niya sa'kin at pumitik pa sa harap ng mukha ko. "Pinsan ka ni Daddy at kahit–," huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita, "–Hindi ko siya totoong Daddy ay dapat pa rin kitang galangin." Umikot ang mga mata niya bago inilayo ang mukha sa'kin at umayos nang tayo. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa paglayo niya. Nakaka-concious kasi ang lapit ng mukha niya kanina. Nagkakasala ako sa isip ko. "Huwag mo na akong galangin," pabalewala niyang pahayag. "Ilang taon lang naman ang tanda ko sa'yo. Iyong iba nga sampung taon ang tanda sa akin pero ang lakas makaungol ng pangalan ko," seryoso niyang pagkukwento na para bang importante talaga iyong mga pinagsasabi . "Eighteen pa lang po ako... more than ten years ang tanda mo sa'kin," nakangisi kong pahayag. Agad umasim ang mukha niya at tiningnan ako nang masama. "Bakit ka ba nandito?" labas sa ilong niyang tanong. "Huwag mong sabihing magpapaampon ka rin sa'kin? Paano ako nito makahanap ng girlfriend kung lahat na lang ng mga pamangkin ko ay gustong magpaampon sa akin? Kahit hindi ako mukhang Tito ay ginagawa ni'yo akong Tito , tanggap ko iyon! Pero ang magdesisyon kayong magpaampon sa akin ay kalabisan na iyon. Binata ako hindi bantay-bata," madrama at mahaba niyang pahayag with matching hand gestures pa. Hindi ko malinaw na naintindihan ang pinagsasabi niya maliban doon sa una niyang tanong. "I want to look for my father," seryoso kong sagot. "Bakit? Nawawala ba iyong Daddy mo sa mausoleum? Ninakaw ba ang bangkay niya? Mag-report ka sa bantay-bangkay huwag sa'kin!" "Hindi si Daddy iyong tinutukoy ko," nakasimangot kong sabi. "Gusto kong hanapin ay iyong biological father ko." "So, bakit ako?", madrama niyang tanong at itinuro pa ang sarili. "Bakit ako iyong nilapitan mo? Sigurado naman akong hindi kami close ng tatay mo at mas lalo namang hindi ako iyong tatay mo." My God! Naiinis na ako sa kaingutan ng pinsan na ito ni Daddy! "Tutulungan mo ako dahil pinsan ka ni Daddy at sabi niya noon sa akin ay lalapitan kita kung kailangan ko ng tulong," nangongonsensiya kong sabi. Agad siyang umayos nang tayo at pabuntonghininga akong tinitigan. "Bakit hindi ka sa Mommy mo nagtanong?" "Seryoso ka? Alam mo naman kung paano ako tratuhin ni Mommy, di ba?" yamot kong balik tanong sa kanya. Batay na rin sa narinig kong usapan nila ni Daddy noon ay sigurado akong kinukwento sa kanya ni Daddy ang nangyayari sa buhay ko. "Alam ba sa inyo na nandito ka sa Cebu?" Nanunuri ang tingin na tumitig siya sa'kin. Tanging kibitbalikat ang sinagot ko. Hindi naman importante kung malalaman nila kung nasaan ako dahil tiyak kong si Kuya Craig lang ang makaisip na hanapin ako. Hindi nga nagtanong si Mommy kung saan ako pupunta no'ng huli kaming magkausap. "Oh my God! Is she the one!!" Kapwa kami napalingon ni Tito Igop sa pinanggalingan ng matinis na boses. Isang batang babae na hula ko ay siyam na taong gulang ang nakangiting nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Tito Igop. Sino ang isang ito? Huwag niya sabihing anak niya 'to? "I never thought that you would be this serious on complying with my parents' demand for you to get married in order to adopt me legally," tuwang-tuwang dagdag pa nito at may patalon-talon pang nalalaman. Maganda siyang bata pero masyadong mabilis magsalita kaya naglo-loading sa utak ko ang mga narinig. Kunot noo ko siyang tinitigan nang luminaw sa isip ko iyong isa doon sa kanyang mga sinabi . Sino nga ulit iyong kailangang magpakasal para maampon siya legally? Si Tito Igop di ba? Pero bakit sa akin nakatutok ang nangingislap na mga mata ng batang ito? Masama ang kutob ko sa takbo ng mga pangyayari. "You're going be my foster mother!" Malaki ang ngiting baling sa'kin ng bata na ikinawala yata ng lahat ng dugo ko sa mukha. Nanlamig bigla ang pakiramdam ko habang nakatitig ako sa maganda niyang mukha. "My Gosh, she's going to faint–" "Oh nooo–" Iyon ang huli kong narinig bago tuluyang nagdilim ang paligid .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD