chapter 3

2262 Words
"We didn't kill her right?" Ang maliit at maingay na boses ang una kong narinig bago ako magmulat ng mga mata. Kasabay nang pagtambad sa'kin ng hindi pamilyar na silid ay ang pagkaalala ko sa huling nangyari bago ko natagpuan ang sarili ko ngayon na nakahiga sa isang malambot na —kama? Mabilis akong bumalikwas nang bangon nang masigurong sa kama nga rito sa mismong silid ni Tito Igop ako nakahiga. My gosh! Baka kung anong kababuyan ang pinaggagawa ni Tito sa kamang ito! Ginawa nga nila iyon sa mesa kaya natitiyak kong sobra pa roon ang ginawa nila rito sa kama. Nahihindik kong winaksi iyong kumot na nakatakip sa'king baywang pababa. Parang tuksong naglalaro sa utak ko ang mga senaryo kung saan ay iyong kumot ang ginamit pampunas dahil walang tissue. "She's alive!" Nilingon ko ang excited na boses na biglang nagsalita sa kabilang gilid ng kama. Nakangiting nakatayo doon ang magandang batang huling kumausap sa'kin bago ako hinimatay. Hindi ako hinimatay dahil sa sinabi niya, mukhang napagod lang talaga ako dahil halos mahigit 24 hours na akong walang tulog. "Lilinawin ko lang hah, walang namagitan sa amin ng Tito mo dahil Tito ko rin siya," mahinahon kong paliwanag agad dahil baka kung ano na naman ang lalabas na salita mula sa bibig ng isang ito. Ano nga ba ang pangalan ng batang ito? "Are you a Ramirez?" kunot noong tanong nito sa'kin. Pigil kong hindi mapangiwi dahil sa lantaran nitong pagkilatis mukha ko. Pakiramdam ko ay sinusuri niyang mabuti ang mukha ko at binibilang kung ilang pilik-mata meron ako. Kung meron akong pimples ay tiyak pati iyon binilang na rin nito at sinukat kung gaano kalaki. Nagpasaklolo akong sumulyap kay Tito Igop na tahimik lang na nakamasid sa aming dalawa nitong pamangkin niya na parang bacteria akong pinag-aaralan. Isang kibitbalikat lang ang sinagot ni Tito sa pipi kong paghingi ng tulong . Wala ba siyang planong linawin dito sa batang ito ang tunay naming relasyon? Kailangan ba ako talaga iyong magpapaliwanag? Pilit akong ngumiti sa bata bago sinagot ang tanong niya. "Hindi, Del Russo ako at—" "If you're not a Ramirez, hindi ka niya pamangkin." Pairap nitong putol sa sinasabi ko. Ay, may pagkamaldita rin pala ang isang ito. "Bakit? Ramirez ka ba?" Nakakagigil ang batang ito ah! Hindi na ito cute sa paningin ko. "I am a Carson," mayabang nitong pahayag. "But soon to be a Ramirez." Nakaliyad pa ang dibdib nito na para bang malaking karangalan para sa kanya ang maging Ramirez. Carson? I know them! Minsan din naging usap-usapan sa buong bansa ang pagpapakasal ng isang Carson sa adopted sister nito na isang Ramirez. Sigurado ako na ang batang babaeng ito ay isa sa mga anak ng mag-asawang napabalita. "Why are you here at Tito's house? You're not a Ramirez nor his girlfriend so what brought you here? Are you one of his girls? " Parang imbestigador na sunud-sunod nitong tanong habang matiim na nakatutok sa'kin ang mga mata at wari'y pinag-aralan bawat kilos ko. Ang kulit din ng isang ito. Kasasabi ko lang na pamangkin din ako 'di ba? Ayaw kasi ako patapusin sa pagpapaliwanag ko! "Believe it or not, pamangkin talaga ako ni Tito Igop at nandito ako kasi naglayas ako sa amin." Kibitbalikat kong sagot sa mga tanong nito. Biglang nangislap ang mga mata nito at pumalakpak pa. "Cool!" Tuwang-tuwa nitong sigaw. "Huhulaan ko, may kapatid ka ring parang taong bato?" Nang maalala ko si Kuya Craig ay hindi ko ito maihahambing sa isang taong bato. Hindi man halata ay may pagka-sweet ang kapatid kong iyon kahit na kinatatakutan iyon ng iba . Nakakatakot man si Kuya umasta kalimitan pero hindi naman ito taong bato dahil patay na patay ang isang iyon doon sa isa sa mga katulong namin. "Well, pareho lang tayong dalawa na ayaw sa mga kapatid natin. Kaya nga gusto kong magpaampon kay Tito Igop dahil naalibadbaran ako sa hitsura nila," seryosong nagpatuloy sa pagkukwento sa'kin ng kaharap ko. Isang pilit na ngiti ang sumilay sa mga labi ko dahil parang siguradong-sigurado na kasi ito na pareho ang dahilan namin kung bakit kami nandito sa bahay ni Tito Igop kahit wala akong sinabi. "If you want, we can be sisters. Paampon tayo pareho kay Tito—" "Nooo!!" Hestirikal na kontra agad ni Tito Igop. Kung maka-react naman siya exaggerated masyado! Humalukipkip paharap sa kanya ang kausap ko habang sinibat ko naman siya ng matalim na titig. "It's either you will adopt us or you will be our guardian. Kung makakontra ka parang ayaw mo talaga sa amin ah." Nangunot ang noo ko dahil bigla ay naging malungkot ang hyper na boses ng bata. Medyo gumaralgal din ang boses nito sa bandang dulo na parang nagpipigil maiyak. "Hey, come on Alex... hindi naman sa gano'n." Mabilis itong nilapitan ni Tito Igop at niyuko. "Ikaw iyong pinakapaborito kong pamangkin, alam mo iyan." "Mas paborito mo ako kaysa kay Kuya Tyron?" Nanunukat na tanong ulit ng bata na tinawag na Alex ni Tito. Hindi ko kilala kung sino ang Tyron na binanggit nito pero mukhang pinsan nito iyon or kamag-anak. "Of course, pinaka-favorite kita. Hindi nga lang kita pwedeng ampunin dahil tiyak malulungkot ang mga magulang mo. Ano na lang ang mararamdaman nila kung mas gugustuhin mo akong maging Daddy dahil sa mas gwapo ako kaysa Daddy mo." Mahinahon nitong paliwanag kay Alex. Tingnan mo nga naman ang lalaking ito, isinisingit talaga ang pagpuri niya sa sarili. "Kahit ba hindi mo ako ampunin ay papayag ka pa ring dito ako titira sa bahay mo?" Naniniguradong tanong ulit ni Alex. Bigla yatang nawala ang narinig kong lungkot sa boses nito kanina at biglang napalitan nang medyo may pagbabanta. "Of course, kaya nga ako nagpagawa ng malaking bahay para pwede kang tumira rito." Of couse daw, pero halata sa tabingi niyang ngiti na napipilitan lang. Sigurado kasing malaking disturbo sa mga curricular activities niya tulad no'ng kanina ang presensiya nitong batang pamangkin . "So, how about... her?" Papayag ka rin bang dito siya titira?" Tinuro pa talaga ako ni Alex habang parang nanghahamon iyong tono na humindi si Tito Igop upang may dahilan itong makipag-argumento. Gusto kong yakapin itong si Alex, instant cute na ulit ito sa paningin ko. Napansin siguro ni Tito ang di ko napigilang pagngisi dahil sa takbo ng mga pangyayari kaya isang nakakamatay na irap ang binigay nito sa'kin bago nakangiwing tumango sa tanong ni Alex– ang bago kong bff! "Cool! You're the best Tito in the whole world!!"masayang-masayang bulalas ni Alex at tumalon-talon pa. Napakurap ako nang gumuhit sa mga labi ni Tito ang isang totoong ngiti habang puno nang pagkagiliw na pinagmasdan ang pagbubunyi ni Alex. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang mapansing napatingin na pala sa pagkatulala ko sa mukha niya si Tito. Gusto kong sapakin ang sarili dahil ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Bakit ako nahihiyang nahuling napatunganga sa ngiti niya? "Bago pa muling himatayin itong si Yvonne ay kailangan muna natin siyang pakainin." Napatingin ako kay Tito Igop dahil sa sinabi niya at siya ring pagpasok ng isang katulong na may bitbit na tray ng mga pagkain. Paano niya nalamang nagugutom ako? Bigla ay tumunog nang malakas ang tiyan ko na mas lalong nagpainit sa buo kong mukha. Parang balewala naman iyon sa mga kasama kong nakarinig dahil mas natuon ang pansin ni Alex sa dalang mga pagkain ng katulong na maingat na iniayos ni Tito sa gilid ng kamang kinahihigaan ko. Tahimik namang lumabas ng silid ang katulong at hindi pinansin ang pagtunog ng tiyan ko. Hindi ba uso mesa rito? Napasulyap ako sa mesang nasa isang tabi lang at nang mapansin iyon ni Tito dahil bahagya siyang tumikhim. "Hindi mo naman siguro gugustuhing kumain diyan pagkatapos no'ng nakita mong ginagawa ko riyan kanina," mahina nitong sabi. Nang bumalik sa alaala ko ang naabutan kong tagpo kanina riyan mismo sa mesa ay nangasim ang aking panlasa . Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Tito. Sinamaan ko siya ng tingin na sinalubong lang nang naaaliw niyang mga mata. "Wow! This is all my favorite!" Nagningning ang mga matang pahayag ni Alex na pumutol sa pagtitinginan namin. Tito ako nang Tito sa kanya eh nakakawala ng paggalang ang naalala kong pinaggagawa niyang kabulastugan. Tinuon ko ang pansin sa nakakatakam na nakahandang pagkain na nauna pang nilantakan ito ni Alex kaysa sa akin na kanina pa nagugutom. "Alex, that's for your Ate Yvonne," saway rito ni Tito. "We can share, I don't mind," tumango-tango pang sagot ni Alex na para bang ito pa ang nagbibigay ng pabor sa akin. I pity the boy who will make the mistake of falling in love with this girl. Bata pa lang ito ay kakitaan na ng pagiging dominante at ugaling di ko ma-explain. Napabuntonghininga na lang si Tito at makahulugang tumingin sa'kin. "Magsimula ka nang kumain bago pa maubos ng iba riyan ang inihanda para sa'yo," nakamuwestra sa maganang pagkain ni Alex na sabi sa'kin ni Tito. "Tito, can you please ask your cook to prepare more of this." Itinaas ni Alex ang hawak na chicken nuggets "I think kukulangin 'to sa'min ni Ate," dagdag pa nito bago isinubo ang nag-iisang natira. Naiiling na lang na umalis si Tito at mukhang susundin niya ang hiling nitong kasama ko. "Let's eat Ate, wala ng chicken nuggets pero don't worry mabilis lang gumawa iyong cook ni Tito," magiliw nitong anyaya sa'kin habang iyong chicken curry na naman ang inatupag. Hindi naman mataba ang isang ito kaya nakapagtataka kung saan nito inilagay ang mga kinakain. Sa aming dalawa mukhang mas gutom pa yata ito kaysa akin. "You know, galing ako kanina kina Tita Julie at guess what? Nilibre niya ako ng kwek-kwek!" Bibo nitong kwento. Habang sinasabayan ang magana nitong pagkain ay tumango-tango lang ako kahit di ko kilala kung sino iyong kinukwento nito. "Alam mo ba kung ano iyong kwek-kwek?" Nangislap ang mga mata nitong nakatitig sa'kin na parang ini-expect nitong di ko kilala kung ano iyon at tama naman talaga ito. "It's a baby egg! Anak ito ng itlog kaya maliliit na itlog na bilog-bilog na tinutusok at sinasawsaw sa sawsawan na maraming lumulutang na damo-damo! It's very cute! At super sarap grabe! Naubos ko nga iyong paninda ni Manong kaya busog na busog ako pero ginutom din agad ako kaya akin na lang itong dessert huh." Naaliw ako sa mahaba nitong pagkukwento kaya di ko napansing nangalahati na pala ito sa pagkain ng dessert. Sa dami nang nakain nito ay gutom pa talaga ito? Amazing! Anong nakatira sa tiyan nito? Dragon? "Bukas ay dadalhin kita roon sa nagtitinda ng baby eggs. Masarap iyon promise!" Namamangha na napatango na lang ako rito habang naiiling na hinayaan itong saluhan ako sa kinakain kong vegetable salad. Halos ito na ang umubos sa mga pagkain pero wala pa yata itong balak huminto. "Ang tagal ni Tito, malapit na nating naubos iyong foods." Tuluyan na akong napatawa dahil sa pagrereklamo nito. Dinamay pa talaga ako eh , siya itong halos umubos sa mga pagkain! Habang tumatawa ako ay kitang-kita ko ang kalituhan sa mukha nito habang napatitig sa'kin. Hindi siguro nito na-gets kung ano ang dahilan nang bigla kong pagtawa. "You know, tama nga si Tita Julie... nakakabaliw ang nalilipasan ng gutom," bigla nitong bulalas habang matamang nakatitig sa'kin. Lalo tuloy akong napatawa dahil sa kaseryusohan ng boses at ng mukha nito. "You're pretty... pwede kang girlfriend ni Tito Igop kahit medyo may tililing ka." Bumara yata iyong pagkaing nalunok ko na kaya bigla akong nabilaukan dahil sa sinabi nito. Mabuti na lang at alerto nitong inabot sa'kin ang baso ng juice na nangalahati na rin dahil sinimulan na nitong inumin. Nakulangan ako kaya inabot niya pati iyong baso ng tubig at mabuti na lang wala pang bawas iyon kaya tuluyang guminhawa ang pakiramdam ko nang masaid ito. "Wow! Sandali lang akong umalis pero naubos ni'yo agad ang pagkain." Bigla ay nagsalita si Tito Igop mula sa pintuan at may panibagong tray na naman ng pagkain na dala. Mas marami pa ito kaysa naunang dinala ng katulong. "Gwapo naman si Tito 'di ba?" pabulong na tanong sa'kin ni Alex habang nakatingin kay Tito Igop na muling iniayos ang mga dalang pagkain at nililigpit ang pinagkainan namin. Wala akong masagot sa tanong ni Alex dahil nag-aalangan akong umamin dahil baka bigyan pa ng malisya nito. 'Di pa naman nito nire-recognize ang pagiging pamangkin ko dahil lang sa hindi ako Ramirez. Pambihirang batang ito. "Kahit may pagkamayabang iyan nang slight ay pwede pa rin iyang gawing boyfriend." Napalakas yata ang bulong ni Alex dahil bumaling sa'min si Tito Igop. "Hoy Alex, hindi ako mayabang hah! Talagang may ipagyayabang lang. Pino-promote ko lang iyong taglay kong kagwapuhan at walang masama roon." Namaywang pa kaming hinarap ni Tito. Makahulugan kaming nagkatinginan ni Alex. "Mali pala," nakangiwing sabi ni Alex. "Hindi pala slight kundi ay malalang kayabangan," bagsak ang balikat nitong dagdag. Di ko napigilang mapahahigikhik sa reaksiyon ng mukha ni Alex. Nahawaan ko yata ito dahil nakihagikhik na rin ito at tuluyan kaming napabunghalit nang tawa nang makita namin ang pag-asim ng mukha ni Tito Igop. Mukhang hindi na rin masama itong desisyon kong magpunta dito at talikuran ang buhay na nakasanayan ko. Simula noong namatay si Daddy ay ngayon lang ulit ako tumawa nang ganito. Correction, ngayon lang ako nakaramdam nang totoong tuwa buong buhay ko. Ang dali ko palang matuwa sa kahit na maliit na bagay pero bakit noon ang hirap yatang maging ganito? Ngayon ko lang naranasan ang ganito kagaan na pakiramdam. Walang expectations at limitations. Ang sarap pala ng ganitong pakiramdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD