chapter 1

1269 Words
"Y-you dropped out?" di makapaniwalang tanong ni Mommy sa'kin. Sa unang pagkakataon ay nagawa niya akong tingnan sa mga mata. Mapait akong napangiti. Sobrang tanga ko pala rati at ni minsan ay di ko natanong sa'king sarili kung bakit malayo ang loob sa akin ni Mommy. Binusog kasi ako ng pagmamahal ni Daddy kaya naging bulag ako sa mga bagay na dapat ay pinagtuonan ko ng pansin. Kahit ako iyong bunso ay ramdam kong mas paborito ni Mommy si Kuya Craig pero never ko iyong kinwestiyon noon dahil ako naman ang paborito ni Daddy. Lahat ng ginawa ko ay para sa kanya, nag-aral ako abroad alinsunod sa kanyang kagustuhan. Hindi ko man lang napansin ang parang pagkaatat niyang umalis ako sa pamamahay namin. Kuya Craig stayed with me abroad for several years but soon he had to go back home because Mommy missed him so much. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman that time dahil never kong narinig kay Mommy na na-miss din niya ako. Ni hindi niya nga ako dinalaw kahit minsan at tanging si Daddy lang iyong laging pumupunta specially during school events na kailangang daluhan ng parents. Mabuti pa nga iyong mga pinsan kong Del Russo dahil napapadaan minsan kasama iyong mga Tita at Tito ko pero iyong Mommy ko... kahit anino ay hindi tumapak sa pinagtapun niyang lugar sa'kin abroad. Siguro noong mga panahong iyon kung sasabihin ni Mommy na kumain ako ng bubog ay buong puso ko siyang susundin kasi nga... gustong-gusto kong maramdaman iyong pagmamahal na ibinibigay niya kay Kuya Craig. May lihim ako na inggit noon kay Kuya dahil napapangiti niya si Mommy nang walang ka-effort-effort habang ako naman, kahit anong pagpapa-impress ang gawin ko ay hanggang pilit na ngiti lang ang kayang ibigay sa'kin ni Mommy. Kabaliktaran naman ni Daddy na tuwang-tuwa sa bawat achievements ko. Kahit gano'n si Mommy ay never kong kinwestiyon ang pagiging ina niya sa'kin dahil mahal na mahal ko siya. Iyon din kasi ang turo sa'kin ni Daddy na mahalin ko si Mommy kahit na may topak daw ito. Si Daddy ang the best daddy in the whole world! Si Daddy ang Superman ko at mananatiling gano'n kahit na wala na siya. Kasabay nang pagkamatay ng Daddy ko ay nalaman ko ang isang madilim na lihim ng aking pagkatao. Ang lihim na nagbigay linaw sa lahat ng mga katanungang hindi ko maisaboses dati. Ang lihim na ngayon ay gusto kong ungkatin upang makilala ang tunay na ako. Ang lihim na nagbigay sa'kin ng determinasyon upang magdesisyon para sa'king sarili. I was once an innocent angel, but I guess being a Del Russo is a big disqualification case. At the age of 18, I finally realize that I am not an angel after all. I have my mother's and biological father's blood in my veins. A mother who can't even afford to look at me and a father, whom I still have to meet. Yes, you read it right. The father that I've known all my life... the father who loved me so much and whom I also love and will forever be loved was not my real father. Bunga ako ng isang pagkakasala, my mother was raped by my biological father that's why my mother can't even look at me. I am a living reminder of my father's grave sin that my own mother even forgets that I'm innocent, and I am also her daughter. Ngayong malinaw na sa akin ang lahat ay gusto kong hanapin ang sarili kong lugar sa mundong ito na hindi ko kailanman matatagpuan sa piling ng sarili kong ina na hindi kayang tagalan ang aking presensiya. "You can't do that," mahina pero matigas na pahayag ni Mommy na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. "Don't worry Mom, I'm not staying here." Nakaramdam ako ng pinong kurot sa puso nang hindi nakaligtas sa pansin ko ang wari'y relief sa kanyang mukha. "But you have to finish your studies, I promised your Daddy-" Pumiyok ang boses niya at naputol ang anumang dapat na sasabihin. Nag-iwas ako ng tingin nang nakita ko ang pagsungaw ng mga luha sa sulok ng kanyang mga mata. Gusto ko man siyang yakapin upang i-comfort ay mas pinili ko na lang na ikuyom ang mga kamao dahil natitiyak kong hindi iyon makakatulong sa kanyang emosyon. "Don't worry, matutupad ang pangarap sa'kin ni Daddy," pigil ang emosyon kong saad. "I have to go, I have a flight to catch," mabilis kong pagbabago sa usapan. Kung dati ay gustong-gusto ko ang ibinibigay na comfort ng malaki bahay na ito kung saan ako nagkaisip, ngayon ay para akong sinasakal ng mga alaalang binibigay ng bawat sulok nito. "Pero kararating mo lang," pabiglang sambit ni Mommy. Kumabog ang puso ko dahil sa narinig pero agad din akong nanlumo nang makita ang wari'y ay pagsisisi niya sa pabigla niyang nasabi. Umasa pa naman akong pipigilan niya pero mukhang nabigla lang talaga siya. "Sanay po ako sa sunod-sunod at mahahabang biyahe." "Hindi ka ba magpapaalam sa Kuya mo?" parang napipilitan niyang tanong. "I'll just call him on the way," pilit ang ngiti kong sagot. Mataman ko munang tinitigan ang mukha ni Mommy. Itinatak ko sa isip at puso ang maganda niyang mukha dahil hindi ko alam kung kailan ko siya muling makikita. Gusto ko siyang yakapin pero natatakot akong ipagtabuyan niya. Hindi ko na maalala kung kailan ko huling naramdaman ang init ng kanyang mga yakap . Napatawa ako sa sarili nang maaalalang, ako lang pala iyong yumayakap sa kanya dahil hindi ko naalalang sinuklian niya ang mga yakap kong iyom. "I love you Mom," paanas kong wika. Bigla siyang nanigas. Wala naman akong sagot na makukuha mula sa kanya kaya mas pinili ko na lang na tumalikod at magsimulang maglakad palayo... palayo sa pamilya at sa buhay na nakagisnan ko. Nang makalabas ako ng bahay ay tuluyang tumulo ang pinipigilan kong mga luha. Huminto muna ako sandali at itinaas ang mukha patingala sa asul na kalangitan upang bumalik sa mga mata ko iyong mga luha ko. Wala silang karapatang tumulo dahil wala namang nananakit sa'kin. Ako pa nga iyong nagbibigay ng sakit sa taong buong buhay kong hinangad na paglaanan ako ng pagmamahal. Walang nakakaalam na may alam na ako tungkol sa lihim ng pagkatao ko. Hindi ko rin kayang itanong kay Kuya Craig ang tungkol sa'king nalaman . Tanging si Daddy lang ang nakakaalam pero wala na siya at iyon ay dahil din sa'kin. Lalo akong kamuhian ni Mommy kung malaman niyang ako iyong dahilan ng pagkamatay ni Daddy. Sapat nang habambuhay kong sisisihin ang sarili ko dahil sa nangyari kay Daddy. Aksidenti mang maituturing iyon pero alam ko sa puso ko na hindi iyon mangyayari kung hindi nalaman ni Daddy ang tungkol sa pagkatuklas ko sa madilim na sekreto ng aking pagkatao. Tinuring at minahal ako bilang tunay na anak ni Daddy pero sa huli ay ako ang naging mitsa ng maaga niyang pagkawala. Kung hindi lang sana ako nakinig sa usapan nila ng pinsan niyang si Tito Igop ay hindi ko sana malalaman ang lihim na tinatago nila ni Mommy sa akin. Kung naging maingat sana ako sa pag-alis sa pinagkukubliang lugar ay hindi ako mapansin ni Daddy na nakikinig. Kung nakinig lang sana ako noong tinawag niya ako ay hindi niya ako hahabulin at kung hindi niya ako hinabol ay hindi siya maaaksidenti. Namatay ang nag-iisang taong minahal at tinanggap ako sa kabila ng totoo kong pagkatao dahil sa akin. I may be looked innocent, but I never was and would never be... I am Yvonne Del Russo Morgan and I was born from my biological father's lust.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD