chapter 5

1322 Words
Halos kapusin ako ng hininga habang magkahinang ang mga labi namin ni Tito Igop pero kapwa kami walang balak na bumitiw at ang tangi kong nagawa ay 'kumapit bes' ... kumapit nang mahigpit sa batok ni Tito. Isang ungol ang kumawala sa magkahugpong naming mga labi nang maramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa matigas na dahon ng saradong pinto. Kasunod niyon ay ang pagdikit sa'kin ng matigas na katawan ni Tito. Tagumpay niya akong naipit at nasukol gamit ang kanyang mainit at matigas na katawan. Sa sobrang pagkakadikit ng aming mga katawan ay mahihiya na ang hangin na dumaan sa pagitan. Ang mga kamay ni Tito mula sa balakang ko ay umakyat papunta sa'ng baywang at nagsumiksik sa ilalim ng suot kong damit pataas nang pataas at papisil-pisil pa. Nakakawala sa katinuan ang init at kiliting dala ng kanyang mga palad sa aking balat, eh iyon nga lang kung may natitira pa ba akong katinuan gayong kanina pa hinigop iyon ng mapaghanap niyang mga labi. Napadaing ako nang malakas nang pumisil ang mga kamay ni Tito sa magkabilaan kong dibdib na siya talagang pakay ng paglalakbay ng mga ito . Wala akong suot na bra sa ilalim ng damit ko dahil may built-in bra na iyong suot kong damit kaya deretsong lumapat sa mismong dibdib ko ang pangahas niyang mga kamay. Mabilis na sumaludo sa mapagpala niyang mga kamay ang mga u***g ko, nanigas at nanayo ang mga ito sa ilalim ng kanyang pagpapala. May kalakihan ang mainit na mga kamay ni Tito Igop pero hindi niya pa rin nakayang sakupin nang buo ang aking dibdib dahil nga gifted ako sa department na iyon. Sa pagkakataong ito ay nanggaling na mismo kay Tito ang isang malakas na ungol sa pagitan nang walang tigil naming paglasap sa labi ng bawat isa. Napatingkayad ako nang mas lalo niyang idikit sa'kin ang ibabang bahagi ng kanyang katawan at maramdaman ko ang prominenteng bukol na kumiskis sa'king hinaharap. Ibinuka ko ng konti ang mga hita upang deretsong tatama sa pagitan ng mga ito ang katigasang nagbibigay sa'kin ng kakaibang kiliti tuwing sumasagi sa sentro ng aking p********e na natatabingan lang ng suot kong maikling shorts. Napahiyaw ako sa tindi ng sensasyong sumigid sa'king kalamnan nang madiing umulos si Tito at eksaktong tumama sa sensitibo kong sentro. Kusang tumaas ang aking isang binti at lumingkis sa baywang niya upang mas maging malaya niyang mataman ang bahaging nakakapagbigay ng sarap at sensasyon. Pabilis nang pabilis ang bawat maririing ulos ni Tito ,di alintana ang pagiging balot na balot namin sa suot naming mga damit. Hindi naging hadlang ang mga telang nakaharang sa tuluyang paglalapat ng mga balat namin upang makaramdam kami ng ibayong sarap sa pagkikiskisan ng mga pribadong bahagi ng aming mga katawan. Bawat ulos ni Tito Igop ay di maiiwasan ang bahagya kong paghampas sa matigas kong kinasasandalan na lalong nagbigay ng init sa kasalukuyan naming ginagawa. Malakas na tunog ng pamilyar na ringtone ang nagpabalik sa'kin sa katinuan. Ganunpaman ay hindi ko pa rin nagawang pigilan ang paglalakbay ng mga labi niya sa'king panga pababa sa leeg papunta sa aking dibdib na halos nakahantad na dahil sa ginagawang pagpapala ng eksperto niyang mga kamay. Nang muling umalingawngaw ang ringtone ng pamilyar na tunog ay tsaka ko lang na-realize na sarili kong cellphone ang tumutunog. Mula sa pagkakapit sa batok niya ay bumaba iyong isang kamay ko papunta sa bulsa ko at dinukot ang tumutunog kong cellphone. Nagtatalo ang isip ko kumg sasagutin ko ba ang tawag o ika-cancel pero nang makita kung sino ang tumatawag ay automatic na pinindot ng daliri ko ang green button. "Yvonne? Where are you?" sunud-sunod agad na tanong ng pamilyar na boses ni Ate Thana sa kabilang linya nang ilapit ko sa tainga ang hawak na cellphone. Kagat-labi kong pinigilan ang pag-alpas ng ungol sa'king mga labi nang maramdaman ang mainit na bibig ni Tito malapit sa'king punong dibdib. "Yvonne? Are you still there? Why are you not talking? Don't f*cking tell me that you're having s*x?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa huling tinanong ni Ate Thana. Bigla akong natauhan at nagi-guilty kaya malakas kong naitulak si Tito Igop. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko papunta sa'king mukha. Aligaga kong inayos ang lihis kong damit upang muling matakpan ang nakahantad na dibdib at binalewala ang mariing paninitig ni Tito na para bang nagpoprotesta. Akmang bubuksan ko ang pintuang nasa aking likod lamang upang makaalis nang malakas na tumukod sa pinto ang kamay ni Tito Igop kaya muli itong sumara . Nanlaki ang mga matang napatitig ako sa kanya at sa braso niyang nakaharang sa'kin. "Who's that?" mariin niyang tanong sa'kin na para bang isang maling sagot ko lang ay malalagot na ako. Noon ko lang na-realize na hawak ko pa rin ang cellphone at kasalukuyang ongoing ang tawag ni Ate Thana at siguradong narinig nito ang tanong ni Tito. "Yvonne! Who's that? Lintik kang bata ka, matapos kang umuwi nang walang abiso ay ngayon may maririnig akong-" Mabilis na nawala sa kamay ko iyong hawak kong cellphone dahil walang babala itong kinuha ni Tito Igop at dinala sa sariling tainga. "Hello, Tito niya ito... may I know who's calling?" Nahilot ko na lamang ang sentido dahil sa tinanong niya kay Ate Thana at sa mismong tono ng pagtatanong niya. Istriktong Tito talaga ang tunog niya. "Yeah, she's staying with me." Di ko alam kung ano ang sinasabi ni Ate sa kabilang linya pero mula sa madilim na awra niya kanina ay bahagyang bumalik ang masayahin niyang disposisyon. Bahagyang umasim ang pakiramdam ko at tumalim ang tingin ko sa kanya nang bigla siyang tumawa dahil sa kung anong sinabi ni Ate. Are they flirting? No way! Hindi pwedeng masama si Ate Thana sa collections ng mga babae ng lalaking ito! "Of course, she will be there... She won't miss Lesaiah's 18th birthday." Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Tito dahil ngayon ko lang naalala ang birthday ng pinsan ko bukas. Tiyak na hindi ako mapapatawad ni Ate Thana kung hindi ako makapunta dahil matagal na naming napag-usapan ang tungkol doon. Nahigit ko bigla ang aking hininga nang humaplos sa pisngi ko ang isang palad ni Tito habang nakikinig pa rin siya sa mga sinasabi ni Ate Thana sa kabilang linya. "Don't worry, I'll make sure na makakarating siya bukas," patuloy na kausap ni Tito kay Ate Thana habang masuyong nakatitig sa'kin at magaang humahaplos sa pisngi ko ang kanyang palad . Gustuhin ko mang magsalita ay 'di ko matagpuan ang aking boses . Parang nahipotismo lang akong napatitig sa mapupungay niyang mga mata na deretso ring nakatitig sa'king mga mata. May sariling mundo ang mga mata namin na parang nag-uusap sa lengwaheng sila lamang ang nakakaalam. Namalayan ko na lang na tapos na niyang kausapin si Ate Thana nang muling lumapat sa nakaawang kong mga labi ang kanyang mga labi. Kung kanina ay mariin at puno nang pananabik ang bawat paghagod ng mga ito sa mga labi ko ay ngayon magaan at puno nang pagsuyo naman ang bawat dampi ng mga ito. "You have the sweetest lips that I've tasted," anas niya sa pagitan ng masuyo niyang paghalik. "I don't want to stop but we have a flight to catch," may panghihinayang niyang dagdag at mahigpit akong niyakap bago tuluyang pinakawalan. "T-teka, we?" naguguluhan kong tanong nang makabawi ako mula sa nakakawindang niyang halik. "Yes, we... Do you think that I'll let you go alone? My dear Yvonne, di man kapani-paniwala pero nambabakod din ang isang tulad kong ganito kagwapo." Napatanga ako sa sinagot niya. Hindi ko maintindihan iyong sagot at lalong di ko alam kung ano ang koneksiyon ng kagwapuhan niya roon sa tanong ko. Ayoko namang mag-follow-up questions at baka muli ay isupalpal niya sa mukha ko kung gaano siya kagwapo. Gwapo nga siya pero huwag naman niya masyadong pagdiinan na para bang bulag kaming mga nakapaligid sa kanya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD