chapter 4

2645 Words
Kahit halatang napipilitan ay sa huli ay napapayag si Tito Igop na rito ako titira sa bahay niya at malaki ang ambag ni Alex sa desisyon niyang iyon. Nakahanap yata ako ng kakampi sa makulit na batang iyon. Natulog lang ako buong araw matapos kumain at masigurado ang pananatili ko rito sa bahay ni Tito Igop. Nang magising ako kinahapunan wala si Alex dahil sinundo raw ito ng isa sa mga Tita nito na pinsan ni Tito Igop. Malaki at mayamang angkan ang mga Ramirez pero hindi kasali roon si Daddy dahil magpinsan sila ni Tito Igop sa mother side at iyong Mommy niya na si Mamitita Reda ay nag-iisang kapatid ng namayapa kong Lola Riza na ina naman ni Daddy. Nakakalungkot lang na namatay iyong Lola Riza ko na hindi alam na ako na paborito niyang apo ay hindi niya totoong kadugo. Hindi ko rin masabi kung may alam ba si Mamitita dahil hindi ko naman naramdamang iba iyong pagturing niya sa'kin, in fact ay mas naramdaman ko pa sa kanya ang pagkalinga ng isang ina kaysa sa sarili kong ina dahil isa siya sa palagiang dumdalaw sa'kin noong nag-aaral ako sa America. Kwento sa'kin ng napagtanungan kong katulong ay hindi raw natutulog dito si Alex kahit na rito ito nakatira dahil mas gusto ng isang nagngangalang Lolo Ned na sa bahay nito matutulog ang batang iyon at iyon din ang kagustuhan diumano ng mga magulang nito. Iyong Lolo Ned ay ang tumatayong head ng pamilya Ramirez maliban sa tinatawag nilang Three Kings kung saan kasapi ang Daddy ni Tito Igop na si Daditito Pogz. Alam ko iyon dahil common knowledge iyon sa lahat ng mga konektado sa Ramirez. Maliban sa pamilya ni Tito Igop ay wala na akong ibang kakilala sa mga Ramirez. Pinagdasal ko na lang na sana ay hindi kasinghangin ni Tito iyong iba. Speaking of the devil, saan na naman kaya iyon naglagalag at malapit nang maggabi pero hindi pa rin umuuwi? Nagpaalam ito kanina sa'min ni Alex na sasaglit sa opisina nito. Sasaglit lang daw pero pagabi na ay hindi pa rin bumalik. Nagpa-change oil siguro ang lokong iyon. Hindi naman sa hinintay ko siya at nag-alala ako sa kanya pero sana naman ay sinabi niya na ang saglit sa kanya ay hanggang mamayang gabi pa o baka naman magdamag, kasi change oil nga di 'ba? Trending na palusot ng mga lalaking nambababae ang tinatawag na change oil. Sa totoo lang ay tinatamad ako at gusto ko ulit matulog pabalik. Wala akong naisip na gawin habang pasimpleng inaabangan ang pag-uwi ni Tito kaya nakipag-usap na lang ako sa mga kasambahay niya na nandito. Close na nga ako kay Nana Linda, siya raw iyong nag-aalaga kay Tito noong bata pa ito at nang maisipan nitong bumukod ay pinirata raw siya mula kay Mamitita. Medyo may edad na si Nana Linda kaya nagsisilbi siyang head ng mga katulong. Masayang kausap ang mga ito dahil maliban kay Nana Linda, crush yata nilang lahat si Tito. "Ay, nako... kahit naman bukambibig ni Sir iyong pagiging gwapo niya ay ang cute pa rin dahil talaga namang gwapo siya!" Umani na naman ng tilian mula sa kausap kong tatlong kasambahay ang binida ng isa nilang kasamahan. Kanina pa ako natatawa sa kanila kasi para silang mga kiti-kiting kilig na kilig kay Tito at sa kahanginan nito. Maliban kay Nana Linda ay may tatlo pang kasambahay si Tito Igop, si Ate Meng na mas matanda lang sa akin ng tatlong taon at sina Ate Ling at Ate Jie na na magkaedad lang at mas matanda sa'kin ng dalawang taon. Ang cute ng team nila, MengLingJie, Igop's Angels daw sila. Pare-pareho silang tagarito lang sa Cebu pero bihasa silang magtagalog dahil tagalog kasi ang ginagamit na dialect ng mga Ramirez... kalimitan daw English pero kapag English-an na raw ay kanya-kanya na silang pulasan. Mayroon ding dalawang kasambahay na lalaki si Tito, sina Kuya Badong at Kuya Jun. Driver ni Tito si Kuya Jun kaya ayon kasama ito ni Titong umalis at Kuya Badong naman ay gardener ni Tito at kanina pa ito umuwi kasi stay out ito di tulad nitong mga kausap ko na parehong stay-in. "Bakit pala di ko kayo nakita kanina no'ng dumating ako?" bigla ay naisipan kong itanong sa gitna ng kwentuhan namin. "Ay naku Ma'am, tuwing dumarating iyang mga girlfriend dito ni Sir Igop ay talagang nagtatago kami sa mga lungga namin dahil napaka talaga ng mga babaeng iyon," may gigil na sagot ni Ate Jie. "Mga girlfriend?" mangha kong bulalas. "Oo, mga... dahil marami sila," natatawang sagot ni Ate Meng. "At parehong may pagkademonyita-" "Where's Igop??" "-Ay! Demonyita!" tili ni Ate Ling na katulad namin ay nabigla rin sa biglang pagsulpot ng isang babae mula sa pintuan. "What did you say?" mataray na tanong ng babae kay Ate Ling at pinamdilatan pa nito iyong huli. "M-Miss Leah... kayo po pala, pasensiya na po kayo..wala po si Sir," maagap na sabi ni Ate Meng sa bagong dating at sinenyasan pa iyong dalawang kasama. Di ko maintindihan kung anong meron sa senyasang ginagawa nila pero ang malinaw ay ang pagkadisgusto nilang pareho sa bagong dating na babae. Nakataas ang kilay na bumaling kay Ate Meng ang tinatawag na Leah. "And you expect me to believe that crap?" matalim nitong sabi. Pare-parehong napalunok iyong mga kasamahan ko habang nagkatinginan. "And who is this?" Mapangmatang bumaling sa'kin iyong Leah at sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Do I have to turn around for you?" nang-uuyam kong tanong sa kanya. Ayoko kasi iyong lantaran akong tinitingnan na para bang kinikilatis bawat himaymay ng pagkatao ko. Iyong nakataas niyang kilay ay may mas ikatataas pa pala. "I don't like your tone," nalukot ang mukha niyang pahayag. "And I don't like you. Period," kibitbalikat kong sagot. "B*tch!" "A proud one," nakangisi kong sagot na ikinapula ng buong mukha niya sa galit. "Are you one of Igop's f*ck buddies?" nagtagis ang ngipin niyang tanong. "Excuse me, that's your role not mine! Sa ganda kong ito? F*ck buddy lang? Nag-apply ako bilang girlfriend," pagyayabang ko. Kahit di naman totoo ay sinadya kong sabihinupang lalong mainis itong si Leah feeling maganda. "Are you b*llsh*ting me? Igop won't settle down with someone like you." "Ay, grabe ka! Settle down agad? Di ba pwedeng tikim-tikim muna... pre-taste ganern, bago mag-propose!" "You look like a kid! So stop dreaming na papatulan ka ni Igop." Aray huh! Namemersonal na ang Leah feeling maganda na ito! Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako upang kahit 5'3 ako ay maipakita ko sa kanyang hindi peke ang malaki kong boobs ! "Hindi po niya ako papatulan kasi pinatulan na niya ako," nang-aasar kong pahayag at bahagya pang nag-flip hair upang mahawi ang mahaba kong buhok na nakatakip sa malusog kong hinaharap. Kahit di ako katangkaran tulad ng Leah na ito na parang pang-Miss Barangay iyong height ay di naman pahuhuli iyong malaki kong dibdib, maliit kong baywang, malapad kong balakang at maumbok kong pang-upo sa retokada niyang katawan. Di ko ba nabanggit na halos pag-agawan itong kagandahan ko noong nasa ibang bansa pa ako? Pwes ngayon alam ni'yo na at uulitin ko, minsan na rin naging dahilan ng traffic sa highway itong ka-sexy-han ko. Kitang-kita ko ang pagkadismaya sa mukha ni Leah nang natuon ang mapanuri niyang mga mata sa nagmumura kong dibdib at sa nakahantad kong mga hita. "I won't believe you unless si Igop mismo ang magsasabi sa'kin," nagmamatigas niyang sabi bago ako inirapan at muling bumaling ang matatalim niyang mga tingin sa mga kasambahay na halatang naaaliw sa pagsagot-sagot kong ginawa. "Ano pang tinangatanga ni'yo riyan? Wala ba kayong mga trabaho?" pasigaw nitong sita kina Ate Meng na pare-parehong nagulantang sa biglang pagtaas ng boses nitong babaeng kaharap namin. "Huwag mo nga sila pagtaasan ng boses! Kahit ikaw pa iyong nagbabayad ng sahod nila which is hindi naman ay wala kang karapatang sigaw-sigawan sila!" salubong ang kilay kong pagtatanggol sa mga kasambahay. "At wala ka ring karapatang mandohan ako kung ano ang gagawin ko!" Namaywang siyang baling sa'kin at parang naghahamon akong tiningnan. "Hangga't nandito ka sa loob ng pamamahay na ito ay pwede kitang mandohan ng dapat mong igawi!" "Bakit? Bahay mo ba ito? Ano ka ba dito? Last time I check kay Igop ang bahay na ito." "Di ko nga bahay at lalo namang hindi sa'yo kaya huwag kang astang reyna rito!" "Well for your information, ako rin ang magiging reyna sa pamamahay na ito." Wow, laki ng bilib sa sarili ng Leah na ito! Kung hindi ko lang nadatnan kanina si Tito na may tinitirang iba ay tiyak mapapaniwala ako ng bruhang ito. "Ikaw lang yata ang magiging reyna na hindi nakatira rito," nakangisi kong sabi. "You mean you're living in here?" gilalas niyang tanong. "Yes, of course!" natatawa kong sagot. "Natutulog din ako sa kama ni Ti- Igop," pang-aasar ko lalo sa kanya. Muntik nang nadulas iyong dila ko at nasabing Tito. Totoo namang nakatulog ako sa kama ni Tito pero one time lang iyon, di na ako ulit lalapit sa kamang iyon hangga't hindi iyon na-disinfect! "You're lying!" "I'm beautiful but I'm not a liar," patuloy kong pambubuska sa kanya. Masyado akong kompyansa sa pang-aasar kaya di ko napaghandaan ang pagtaas ng kamay niya at paglapat ng palad niya sa pisngi ko. Pakiramdam ko ay lumipad iyong kaluluwa ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa'kin kaya kahit iyong nag-alalang gulat na sigaw nina Ate Meng ay halos di na rumihestro na utak ko. "That's to wake you up from dreaming!" may pagmamalaki pang pahayag ni Leah habang pilit ko pang pinababalik ang tumalsik kong kaluluwa. No one, as in no one ever laid a hand on me! Ang kapal ng babaeng ito! Del Russo ako at ang Del Russo kapag sinasaling ay kumakain ng tao! Bilang sagot sa ginawa niyang pagsampal sa'kin ay isang uppercut ang binigay ko sa kanya. May narinig akong crack pero di ako tumigil at sinundan pa ng straight job ang una kong ginawa na tuluyang nagpabagsak sa kanya sa sahig. Easy as one to three, di ko man lang narinig iyong sigaw niya, bagsak agad! May silbi rin pala iyong pamimilit sa'kin ni Daddy dati na mag-aral ng self-defense. "What the hell?!!" Gulat na bulalas ng bagong dating na si Tito Igop na ang pagbagsak ni Leah ang saktong naabutan . Mabilis niyang dinaluhan si Leah na nakatihaya sa sahig at walang kakilos-kilos habang dumudugo iyong nguso at ilong. "Call an ambulance!" natarantang utos ni Tito. Walang sinuman kina Ate Meng ang kumilos agad dahil mukhang nagulat din sila sa nasaksihan. Nakakagulat nga naman ang pagiging weak ng Leah na ito! "Hey, call an ambulance! D*mn it! Better yet call Dr. Froilan!" Tumaas na ang boses ni Tito kaya para g nagising sa pagkatulala iyong mga kasambahay at tarantang sabay-sabay na tinungo ang lalagyan ng telepono. Nang mawala ang mga katulong ay tumuon sa'kin ang nang-aakusang tingin ni Tito Igop. "Nabigla iyong kamao ko, di ko sinasadya na mawalan siya ng malay. Balak ko lang talaga paduguin iyang nguso niya." Mabilis kong paliwanag na lalong ikinalukot ng gwapong mukha ni Tito. Wow, huh! Tinawag ko na siyang gwapo dahil tuwing ganitong hindi umaandar ang kahanginan niya ay gwapo naman talaga siya sa paningin ko. "I'll talk to you later." Napanguso ako dahil sa tono ng pananalita niya ay parang mahaba-habang sermonan ang mangyayari. Ilang minuto lang ay humahangos na dumating ang isang lalaking nakasuot lang ng pambahay na shorts at sando habang may bitbit na medical kit. Napangurap-kurap pa ako dahil sa naka-display nitong mga muscles at kung hindi lang dahil sa eksperto nitong kilos habang dinaluhan ang wala pa ring malay na si Leah ay iisipin kong isa itong modelo at hindi isang doktor. Ito ba si Dr. Froilan? Ang bata niya pa, at ang gwapo pa... sinuswerte talaga ang Leah na ito! "What happened, Pare?" tanong nito kay Tito Igop habang iminwestrang kargahin ni Tito ang walang malay na si Leah at ilabas sa kusina. "That girl happened," naiinis akong ininguso ni Tito matapos niyang napahiga nang maayos sa pinakamalapit na sofa dito sa sala ang kargang si Leah. Naiiling na pumalatak lang ang Doktor sa sagot ni Tito at nagpatuloy na sa pagsuri sa kalagayan ni Leah. Habang sinusuri si Leah ng Doktor ay bumaling sa'kin ang seryosong si Tito Igop. "Mag-uusap tayo," aniya. "Now na?" atubili kong tanong. Tumalim ang mga mata niya kaya napilitan na lang akong sumunod nang magsimula na siyang humakbang papunta sa isang silid na narito pa rin naman sa ground floor, ilang hakbang lang mula sa kinaroroonan ni Leah at ng Doktor. "Anong ginawa mo? Bakit mo ginawa kay Leah iyon?" Sunod-sunod agad na tanong ni Tito pagkapasok namin sa silid kahit na di ko pa nagawang hangaan ang mga musical instrument na tumambad sa'kin sa loob. "Inunahan niya ako," mabilis kong sagot. "What? Paanong inunahan? Mukha ka namang walang galos-" "So, kailangan muna akong magalusan bago ako gumanti?" nang-uuyam kong putol sa sinasabi niya. "That's not what I mean! Ang akin lang naman, hindi naman dapat gano'n katindi iyong pagganti mo-" "Del Russo ako! Kapag binato ako ng bato, bala ang ibabalik ko!! Huwag mo nga akong pangaralan! Kasalanan mo ang nangyari sa babaeng iyon!" nandidilat kong sabi sa kanya. "What?" mangha niyang palatak. "Paanong ako pa ngayon ang may kasalanan?" asar pa niyang dagdag. "Kung hindi ka pa naman kasi babaero, e di sana walang kung sinu-sino ang sumusugod dito sa bahay mo! Bakit ba ang dami mong babae? Ikinagwapo mo ba lalo iyon?" nanunumbat kong tanong. Bahagya siyang natigilan bago inis na napahilamos ng mukha. "Mapagbigay akong tao. Gusto kong i-share sa mga babaeng lumalapit sa'kin ang kagwapohan ko," seryoso nitong sagot na ikinaawang bibig ko. Walang halong biro, purong-purong kayabangan ang laman ng utak ng lalaking ito! "Sana all, pa-share rin ako... pwede pa-bluetooth din," may inis kong pahayag. "Sure, why not... we're not blood related so I think this will be okay." Pinoproseso pa ng utak ko iyong mga sinabi niya nang bigla niya akong hatakin padikit sa matigas niyang katawan bago ko naramdaman ang paglapat ng malambot niyang mga labi sa nakaawang kong mga labi. Isang singhap ang napakawalan ko bago tuluyang nilusob ng pangahas niyang dila ang loob ng aking bibig . Napakapit ako nang mahigpit sa suot niyang damit nang parang sabik na sabik na ginalugad ng dila niya ang loob ng aking bibig bago hinuli ang dila ko at hayok na hayok itong sinipsip. Nagsusumigaw sa utak ko ang mga katanungang hindi ko alam kung paano sagutin. Nanaginip ba ako?? Anong nangyayari?? Tama ba itong ginagawa sa'kin ni Tito? Nagkabuhol-buhol yata iyong utak ko dahil sa halik niya kaya hindi ko alam kung ano ang iisipin. Isang ungol ang umabot aa'king pandinig pero di ko alam kung kanino galing iyon dahil ang tanging malinaw sa nanlalabo kong katinuan ay ang mas lalong pagiging mariin at marahas ng mga galaw ng labi ni Tito na parang pinaparusahan ang sarili kong mga labi . Sinasabi ng utak ko na -stop! Pero iyong katawan ko ay gustong-gusto ang init na dulot ng kapangahasang ngayon ko lang unang naranasan at sa mismong taong hindi ko lubos akalaing magpapatikim sa'kin ng kung gaano katamis ang unang halik. "D*mn, I can't get enough," anas ni Tito nang bahagya niyang lubayan ang mga labi ko pero mabilis din muling mas marahas na inangkin ang mga ito. Mukhang susunod yata ako kay Leah na mawalan ng malay dahil di ako na-inform na wala palang hingaan tuwing naghahalikan. Dear heart, kaya pa ba today? Naririnig ko ang mabilis mong kabog! Kalma lang, si Tito lang ito oh! Iyong Tito ko na mayabang pero nakakapanghina ng tuhod kung humalik, literaly... kaya nga di ko namalayang kapit na kapit pala iyong mga kamay ko mula sa damit niya ay ngayon nasa batok na. Umakyat sila, paladesisyon... pinangunahan ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD