Alam kong mayaman ang mga Ramirez pero ngayon ko lang napagtanto kung gaano.
Mula sa bahay ni Tito Igop ay dinala niya ako sa isang napakalawak na private hangar at nakalinya ang di mabilang na naglalakihang iba't-ibang uri ng aircrafts.
Sa ibabang bahagi ng katawan ng mga naroong mga aircraft na abot ng mga mata ko ay nakatatak in gold letters ang apelyidong Ramirez.
"Igop? Anong ginagawa mo rito?" Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng pilot uniform ang sumalubong sa'min, pagkababa na pagkababa namin ng sasakyan ni Tito.
Nakatulala lang ako sa pinakamalapit na eroplano sa kinatatayuan namin.
Ang lalaki pala nila sa malapitan.
Hindi ito iyong unang beses na nakakita ako ng eroplano pero ito iyong unang beses na nakakita ako ng ganito karami at mukhang koleksiyon lang na naka-display.
May mga natatanaw ako na mga unipormadong manggagawa na sa hula ko ay maintenance technician dahil bawat naroong eroplano ay tsinetsek ng mga ito.
"Saan ka galing Kuya Vincent bakit naka-pilot uniform ka eh hindi ka naman piloto?" Sa halip na sagutin ang tanong ng sumalubong sa'min ay humirit din ng tanong si Tito.
Palihim kong pinagmasdan ang kaharap namin at sa nakikita ko ay nagsusumigaw ang pagiging Ramirez nito.
Matangkad, aristokratong hugis ng mukha, at nagsusumigaw na s*x appeal.
"Pakialam mo ba? Ikaw itong dapat na sumagot sa tanong ko kung ano ang ginagawa mo rito? Naka-banned ka rito, remember? Hindi pa naaayos ng mga technician and engineers natin ang huling jet na pinalipad mo para lang magpasikat kaya nag-crash landing sa sugarcane plantations ni Luc. Pangatlong jet mo na iyon within this week kaya ibinaba ang kautusan na hindi ka muna patatapakin dito para na rin maiwasan ang maaga mong pamamaalam dito sa lupa," mahabang sabi ng kaharap namin at humalukipkip na tinitigan si Tito.
"Ban ako magpalipad pero di ako ban na sumakay," pabaliwala namang sagot ni Tito. "Grabe ka naman sa pamamaalam sa lupa, paano na lang ang lahi natin kapag wala ako? Kagwapuhan ko pa naman ang pinakamalaking yaman ng angkan natin."
"Kaya ka laging nag-crash landing eh... ang lakas ng dala mong hangin." Nabaling ang atensiyon ko sa bagong dating na nagsalita.
"Luc, my man!" magiliw na bati rito ni Tito. "Kumusta ang mga tubo mo na nasagasaan ng jet ko?"
Isang masamang tingin ang nakuha ni Tito mula sa tinatawag niyang Luc matapos ang tanong niya.
"Pinadala ko na sa office mo ang babayaran mong danyos," matalim ang tinging sagot no'ng Luc.
"Dudoblehin ko iyong bayad, basta ihatid mo ako ngayon sa pupuntahan namin," nakangiting sabi ni Tito sa kabila nang masamang tingin mula sa kausap.
Sabay na nagsitaas ang kilay ng dalawang kausap ni Tito nang tumutok sa'kin ang pansin ng mga ito.
"Huwag ni'yong titigan. Off limits ito." Pasimple akong hinila ni Tito palapit sa kanya sabay lingkis ng braso niya sa'king baywang.
Sa ginawa ni Tito ay lalong tumaas ang kilay ng mga kaharap namin at makahulugan pang nagtinginan bago sumulyap sa braso ni Tito na mapag-angking nakalingkis sa'kin.
"Double? Why don't you make it triple? Ihahatid kita papunta at pabalik—"
"Cool! Tayo na," mabilis ba sang-ayon ni Tito at di man lang pinatapos sa pagsasalita iyong Luc.
Sabay na napamaang ang mga kaharap namin at mulagat na napatitig kay Tito na para bang may himala itong ginawa.
"Vincent, batukan mo nga ako dahil pakiramdam ko ay nananigip lang ako. Totoo bang nabudol ko ang pinakatuso nating pin— Aray!" malakas na napahiyaw si Luc nang bigla itong batukan ng kausap.
"Lintik! Naalog utak ko sa lakas ng batok mo!" Masama ang tinging pinukol nito doon sa nagngangalang Vincent.
"Sinunod ko lang utos mo," umikot ang eyeballs na sagot ni Vincent.
"Sinabi ko bang lakasan mo?" singhal ni Luc na tinawanan lang ni Vincent.
"Pwede ba mamaya na kayo magbangayan! Kailangan na naming makarating agad sa pupuntahan namin," naiinip na sabat ni Tito sa dalawa.
"Teka lang bago kayo umalis, may itatanong lang ako." Seryosong nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Tito si Vincent.
"Pakibilisan, mahal ang oras ko dahil masyado akong gwapo! Kung sekreto ng kagwapuhan ko ang itatanong mo... inborn po ito, inborn! Noong ipa-register ako ng Mommy ko pagkapanganak sa'kin nakatatak na doon sa birth registration ko ang pagiging gwapo kaya—"
"Isa pa Igop! Isang banggit mo pa sa kagwapuhan mo at paglalakarin kita papunta sa pupuntahan mo!" iritang putol ni Luc sa litaniya ni Tito na may pagbabanta sa boses.
"Ikaw ba kausap ko?" Di kababakasan nang pagkabahala sa narinig na pagbabanta na bumaling si Tito kay Luc.
Napahilot na lang ng sentido si Luc at napabuga ng hangin.
"Magtanong ka na Vincent dahil ilalayo ko na sa Cebu itong pinsan mong may dalang buhawi," yamot nitong sabi kay Vincent.
"Pinsan ko lang? Ramirez ka rin kaya pinsan mo rin ang t*ng*nang iyan!"
"Oy, Kuya Vincent... huwag ka nang magsalita na para bang 'di ang kagwapuhan ko ang nagbibigay ng swerte sa pamilya natin."
Alam kong mayabang si Tito pero di ako na-inform na overdose pala ito sa kayabangan.
"Narinig mo iyan iha?" Napakurap ako doon sa nagngangalang Vincent dahil sa'kin siya nakatitig habang nagtatanong. Ako ba iyong iha?
"Mukha ka namang bata pa at matino kaya utang na loob habang maaga pa ay gumising ka na sa katotohanang darating ang araw na maimpatso ka sa taglay na kayabangan nitong pinsan namin," pagpapatuloy nito habang di humihiwalay ng tingin sa'kin. "Nakalimutan ko iyong itatanong ko dapat," bubulong-bulong nitong dagdag at tinapunan ng masamang tingin si Tito na para bang ito iyong may kasalanan.
"Habang maaga pa at hindi pa nasira nitong pinsan namin ang kinabukasan mo ay ikaw na ang matutong lumayo—"
"Mali po ang iniisip ninyo!" mabilis kong putol sa pagsasalita no'ng Luc nang tuluyan kong maintindihan kung ano ang tinutumbok ng mga sinabi nila ni Vincent.
"Tito ko po siya," malaki ang ngiting pahayag ko habang nakaturo kay Tito na nakalingkis pa rin sa baywang ko ang isang braso.
Sabay na bumuntonghininga ang dalawa at naiiling na para bang problemadong-problemado.
Isang matalim na tingin ang binigay nila kay Tito bago puno nang pag-unawang muling tumiitig sa'kin.
"Bata ka pa nga talaga, kung anuman ang pinangako sa'yo nitong Tito mo ay sinasabi ko sa'yo na lahat iyon ay bunga lang ng kahanginan niya."
Sa tono ng pananalita ni Vincent ay masasabi kong iba ang pagkaintindi niya sa sinabi kong Tito.
"May pinsan kami na sa tawagang Kuya nagsimula kaya alam namin kung saan hahantong iyang pagtawag mo ng Tito mapagsamantalang nilalang na katabi mo."
"Hoy Luc! Sumusobra na kayo ah! Huwag ni'yo nga akong siraan kay Yvonne!"
"Yvonne!" panabay na bulalas ng dalawa at maang ba napatitig nang mabuti sa'kin.
"S-si Yvonne.. i-ito?" utal na tanong ni Luc at tinuro pa ako.
Nangunot ang noo ko dahil parang alam niya kung sino ako samantalang ngayon ko lang naman sila nakita ni Vincent.
Makahulugang nagtinginan sina Vincent at Luc bago nakangising bumaling kay Tito.
"Kaya pala... ito pala si Yvonne," natatawang sabi ni Vincent at pinagdiinan pa ang pangalan ko habang nang-aasar na tumitig ka Tito.
"Ikaw pala si Yvonne," nakangising sabi ni Luc bago naglahad ng kamay sa'kin, "Ako si Luc at ito naman si Vincent... mga pinsan kami ni Igop. "
Aabutin ko na sana ang nakakahad niyang kamay pero bago ko pa iyon nahawakan ay naunahan na ako ni Tito Igop na mabilis tinabig ang kamay ng kanyang pinsan.
"Di na niya kayo kailangang makilala, ako lang sapat na," seryosong sabi ni Tito na di mawari kung may halong biro o ano.
Imbes na ma-offend ay tumawa lang si Luc at nag-high five pa ito at si Vincent habang lalo namang bumusangot ang mukha ni Tito.
"Halina kayo at nang maihatid ko na kayo sa pupuntahan ni'yo." Pag-iiba ni Luc sa usapan at hindi pa rin nawaglit ang kislap nang kapilyuhan sa mga mata nito habang nang-aasar na pasulyap-sulyap sa nakasimangot na mukha ni Tito.
"Iyong Ramirez 0341 ang gamitin ni'yo dahil tapos na iyong na-check ng mga engineer. Nandoon na rin ang ibang crew, si Julie sana ang gagamit no'n pero na-cancel," ani Vincent bago muling bumaling sa'kin.
"Yvonne... ingat ka riyan sa Tito — I mean ingat kayo sa byahe,"habilin nito.
Dahil sinabayan nito ng tawa ang huling sinabi ay di ko tuloy masabi kung seryoso ba ito o nagpapatawa.
"Thank you po," magalang kong sagot dahil kung pinsan ito ni Tito ibig sabihin ay Tito rin ang itatawag ko sa mga ito?
Bakit parang di ako komportableng tawagin silang Tito?
"Aray ko, bigla kong naramdaman ang aking edad sa malutong mong 'po'," palatak nito.
Bahagyang natawa si Luc sa tabi nito bago sumulyap kay Tito at nang-aasar na ngumisi.
"Tito Igop, alis na po tayo," nang-uuyam nitong sabi kay Tito na pinagdiinan pa ang Tito at po.
"Pasalamat ka gwapo ako, mahaba ang pasensiya ko," umiirap na sagot dito ni Tito bago ako hinila habang nilampasan niya ang dalawang pinsang nagbungisngisan.
Di ko talaga alam kung ano ang nakakatuwa pero sigurado akong may secret joke sa pagitan ng magpipinsan na may kinalaman sa'kin.
"Kuya Vincent, para may pakinabang ka... buhatin mo iyong bagahe namin, nasa compartment ng sasakyan ko," utos ni Tito habang di man lang lumilingon sa nakatatandang pinsan.
"Gago! Si Luc ang utusan mo para sulit ang bayad mo!" pasigaw na sagot ni Vincent na di man lang pinansin ni Tito at nagpatuloy lang sa paghila sa'kin papunta sa iisang dereksiyon.
"Tito, sigurado ka bang marunong magpalipad ng eroplano ang pinsan mo?" di ko napigilang tanong sa kanya nang papalapit na kami sa isa sa mga private plane na naroon.
"Of course, lahat kaming magpipinsan ay may proper training sa pagpapalipad ng eroplano dahil sa airline business namin," kampante nitong sagot.
"So,bakit lage kang nagka-crash landing?" puno nang pagdududa kong tanong sa kanya.
Saglit siyang huminto at hinarap ako. Nakanguso siyang tumitig sa'kin bago ginulo ang buhok ko.
"Nag-practice lang ako kung paano pabagsakin ang isang eroplano nang di ako napapahamak."
Napamaang ako aya sagot niya. Seryoso ba siya?
"Sayang ang magandang lahi ko kung plane crash lang ang tatapos sa kagwapuhan ko kaya mas maiging habang maaga pa ay nakapag-practice na ako kung paano maiwasan iyon."
Therefore, I conclude... may sira sa tuktok itong kasama ko!
"You're crazy," bulalas ko.
"Yeah, crazily good looking," mayabang niyang sagot at kumindat pa sa'kin.
"Aalis ba tayo o didiskarte ka muna?" Bigla ay parang naiinip na nagsalita si Luc na nakahabol na pala sa'min at bitbit ang nakaimpake naming gamit ni Tito.
Ngayon ko lang napansin, ang gwapo pala ni Luc—
"Tsss, huwag mo nga iyang titigan," nairitang saway sa'kin ni Tito at hinawakan pa ang pisngi ko upang ibaling sa ibang dereksiyon.
Narinig kong bahagyang tumawa si Luc.
"Luc, binabayaran kita upang ihatid kami at hindi para magpa-cute rito sa kasama ko," sita dito ni Tito.
"Wala pa akong natanggap na bayad," agad na reklamo ni Luc. "At, sadyang cute lang talaga ako kaya kahit wala akong ginawa ay marami talagang nakyukyutan sa'kin," dagdag nito na mabilis na nagpabaling ng mukha ko sa dereksiyon niya sa kabila ng kamay ni Tito na nakahawak sa'kin.
Nasa lahi pala talaga ng mga Ramirez ang pagiging mayabang pagdating sa taglay nilang hitsura?
"Lagi ka kasing nagdidikit sa'kin kaya naambunan ka ng konting kagwapuhan," hirit naman ni Tito.
"Mga letse kayo, magsilayas na kayo bago pa tangayin ng kahanginan ninyo itong buong lugar!" pasigaw na sabi ni Vincent na sumunod pala sa amin.
"Bitter talaga ng mga hindi pinagpala," pasaring ni Tito bago umirap kay Vincent at nagpatuloy sa paghila sa'kin paakyat sa nakababang hagdan ng eroplanong sasakyan namin.
Sa di mabilang na pagkakataon ay pinakabog ng pag-irap ni Tito ang puso ko.
Si Tito kasi ang tanging lalaking nakita kong umiirap na lalong gumugwapo.
Ang sexy niyang umirap!
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at wala sa loob na dumako ang mga mata ko sa malapad niyang likod pababa sa maumbok niyang pang-upo.
Mabilis din agad akong nag-iwas ng tingin mula sa tinitigan nang sumalubong sa'min ang ilang crews.
"Good evening po Sir Igop, welcome aboard to Ramirez 0341... I'll be your copilot—"
"Ako iyong pilot ngayon Lopez," mabilis na putol ni Luc sa pahayag ng isa sa mga unipormadong sumalubong sa'min.
"Ayaw mo naman sigurong tangayin tayo ng kahaningan nitong lalaking ito at sabay tayong pulutin sa katubuhan ko?" pahabol pa nito na ikinatawa ng mga naroon.
Mukhang alam nilang lahat ang tungkol sa pag-crash landing Tito sa sugarcane plantation ni Luc.
"Next time Luc sa fishpond mo na ako maglalanding," nakangising sabi ni Tito na umani ng middle finger mula kay Luc bago ito nagtungo sa cockpit ng eroplano kasunod iyong Lenarez.
May mga flight attendant na nag-aasikaso sa'min ni Tito habang hinihintay naming lumipad ang sinasakyan namin. Nang masigurong wala na kaming iba pang kakailanganin ay pasimple na silang pinaalis ni Tito Igop.
Kung nakakamangha sa labas itong eroplano ay mas impressive ito sa loob.
Grabe, pakiramdam ko ay nasa isang hotel lang ako habang nakaupo sa isa mga magarbong couches na paikot na naka-arrange sa isang glass table.
Ang lalambot ng mga customized couches at may wine bar pa sa isang tabi kung saan ay naka-display ang mga mamahaling wine.
Kanina ay may bartender pa riyan peto pinalabas din ni Tito kaya kaming dalawa lang iyong naiwan.
"If you want to lie down, we have bedroom in here at may malaking kamang pwede mong higaan."
Di ko mapigilang mamangha sa sinabi ni Tito. Of course I'm familiar with bedrooms on plane pero never ko pang nasubukan.
Mayaman naman ang mga pinsan kong Del Russo pero 'di pa ako nakisakay sa private plane nila at iyong private plane namin ay 'di ganito kagara na para bang pinasadya lang talaga for leisure.
Ginagamit lang kasi ang private plane namin for business at hindi tulad nitong improntong lakad lang.
"Wanna try the bed?"
Napakurap ako sa muling pagtatanong ni Tito.
Bakit may dalang nakaka-excite na kilabot sa buo kong katawan ang tanong niyang iyon?
Wala sa sariling nakagat ko ang aking labi at bigla akong napasinghap nang iglap lang ay nakalapat na sa mga ito ang mga labi ni Tito.
"Kanina pa ako nanggigigil sa pagkagat- labi mo," anas nito sa pagitan nang pagkagat at pagsipsip sa mga labi ko.
"D*mn! You're lips are addicted!" Lalong may panggigigil ang bawat hagod ng mga labi nito kaya mahigpit na napakapit sa buhok niya ang mga kamay ko.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakakandong sa kanya habang magkahinang pa rin ang mga labi namin.
Sabay kaming napaungol nang kusang gumalaw ang balakang ko kaya nagkiskisan ang hinaharap namin.
"Hold tight, we're going to the bedroom."
Bago pa mag-register sa utak ko ang sinabi ni Tito ay kusa nang gumalaw ang katawan ko nang maramdaman ko siyang tumayo habang karga-karga ako nang hindi pa rin naghiwalay ang magkahinang naming mga labi.
Sunod kong naramdaman ay ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama kasabay nang nabigat pero masarap na pagpatong sa'kin ng purong muscles na katawan ni Tito.
Pinapalimot sa'kin ng bawat galaw ng mga labi ni Tito sa ibabaw ng mga labi ko kung nasaan kami at sino ako.