chapter 7

2403 Words
Di ko alam kung paano pero in fairness matapos ang makapugtong-hiningang eksena namin ni Tito sa plane ay buhay pa naman akong nakarating sa siyudad. May kaiklian iyong byahe from Cebu papunta sa hotel kung saan kami tutuloy ng ilang araw kaya di ko alam kung maaasar ako o magpapasalamat dahil kung hindi namin narinig sa speaker ang announcement kanina na malapit na kami lumapag ay tiyak hindi lang basta halikan ang ginawa namin ni Tito. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sensasyong dulot ng paglalapat ng mga labi namin kaya hindi ako deretsong makatingin sa kanya. Sa penthouse ng Carson Empire Hotel kami tumuloy, mukhang suki rito si Tito kasi aligaga ang lahat na asikasuhin siya. Si Kuya Luc naman na pinsan ni Tito na siyang pilot namin ay agad ding bumalik ng Cebu at babalik lang daw upang sunduin kami pauwi. Ayoko siyang tawaging Tito kaya Kuya na lang kasi bigla na lang nagkaroon ng espesyal na kahulugan ang salitang Tito sa dictionary ko nitong mga nakaraan na para bang nakalaan lang ito sa iisang tao. "The party will be tomorrow so you can rest for now. Ipinahanda ko na ang susuotin mo at naipaalam ko na rin kay Thana ang pagdating natin." Di ko alam kung saan nanggaling ang naramdaman kong inis dahil sa huli niyang sinabi. Isa lang ang malinaw, ayoko sa ideyang nag-uusap sila ng pinsan ko. Batay sa mga babaeng nakita kong nauugnay ka Tito nitong mga nakaraan ay di malayong magkakagusto rin siya kay Ate Thana. Gano'n iyong type niya, parang modelo ang katawan at lamang pa nga si Ate Thana dahil pure kagandahan iyon walang halong kemikal at lalong walang retoke. "Are you worried na baka magkikita kayo ng Mommy mo sa party?" tanong niya bigla sa gitna ng pananahimik ko. Inakala niya yata na dahil sa Mommy ko ang biglang pagbabago ng mood ko pero di niya alam na sa dami at bilis ng mga pangyayari nitong nakaraan ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang tungkol kay Mommy kung hindi niya pa nabanggit. Handa na ba ako muling makita si Mommy? Ilang araw pa lang iyong lumipas noong huli ko siyang nakausap at nakasanayan ko nang di kinukumusta nito kahit sa text man lang. Huminga ako nang malalim bago ngumiti paharap kay Tito. "I'm born ready," kampante kong pahayag. "Let's also hope na pati ako ay napaghandaan mo," may naglalarong ngiti sa labi niyang sagot. Naguguluhan akong napatitig sa mukha niya. Anong pinagsasabi ng isang ito? Isisingit na naman niya iyong pinagyayabang niyang kagwapohan? "Matulog ka na it's already past midnight." Agad akong napahikab at nakaramdam ng antok dahil sa sinabi niya. May tatlong bedroom iyong penthouse na tinutuluyan namin pero mukhang sa iisang silid lang kami matutulog dahil nandito sa silid ko iyong mga gamit niya. Dahil pagod at inaantok na ay agad akong humilata sa malapad na kama. Mabilis akong dinalaw ng antok at huling naramdaman ko ay ang pamilyar na mga braso na yumakap sa'kin. I feel safe and comfortable kaya nagtuloy-tuloy ang mahimbing kong tulog. ===================== Imbitado sa birthday ni Lesaiah halos lahat ng mga kilala at bigating tao sa business world kaya di na rin nakapagtataka kung papaanong nagkaroon ng imbitasyon si Tito Igop. Pagkarating namin sa bahay nina Lesaiah kung saan gaganapin ang debut niya ay marami na kaming nadatnang mga bisita. Mukhang kilala ng karamihan si Tito dahil marami agad ang nagsilapit upang batiin siya at iyong iba ay upang ipakilala siya sa mga dalagang anak ng mga ito. Di ko tuloy napigilang mapairap sa kawalan. Mukhang tuwang-tuwa naman itong magaling kong kasama kasi bigla akong nakalimutan dahil nakuha iyong atensiyon niya no'ng anak ba iyon ni Mr. Tsu na puro s**o. Ang laki ng ngiti ng gago habang nasa dibdib ni puro s**o iyong mga mata, ang galing! "Yvonne!" Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa pangalan ko. Nakataas ang kilay ni Ate Thana na sinenyasan akong lumapit. "Bakit di mo ako tinawagan nang magdesisyon kang mag-drop out? At bakit hindi ka sa bahay ninyo tumutuloy? Bakit walang alam ang Kuya mo kung nasaan ka?" parang imbestigador na sunud-sunod nitong tanong sa'kin pagkalapit ko. "K-kasi Ate-" "At bakit kasama mo iyong pogi mong Tito?" mabilis nitong dagdag na tanong na pumutol sa pagpapaliwanag ko. "Ganito kasi ang-" "Bakit namamaga iyang mga labi mo? Who the f*ck kissed you?" sa ikalawang pagkakataon ay muli nitong sansala sa sinasabi ko. Mapanuri ang tinging inilapit pa nito sa mukha ko ang sariling mukha. Wala sa sariling nakagat ko ang ibabang labi dahil nakatuon doon ang buong nitong atensiyon. Napabuga ako ng hangin dahil alam kong wala akong lusot sa pinsan kong ito. Kita ni'yo naman, sa kabila ng lipstick ko ay napansin niya pa talagang namamaga iyong mga labi ko at talagang nahulaan niyang halik ang dahilan n'on! Ang galing lang di ba? "It's a long story at sisimulan ko doon sa totoo kong pagkatao na tinago nang matagal sa'kin nina Mommy," panimula kong pahayag. No choice , takot ako sa nagbabantang tingin niya. "This is not the right place for that, come on ... we need a little privacy." Tahimik akong sumunod sa kanya nang magpatiuna siyang maglakad papasok sa malaking bahay nina Lesaiah. Ipinagpasalamat ko na lang at wala kaming nakasalubong kahit isa sa mga pinsan naming Del Russo. Hindi ko naman planong maglihim sa kanila pero ayaw ko namang ngayon nila malaman dahil ayokong masira ang mood ng party ni Lesaiah. Dinala ako ni Ate Thana sa secluded part ng bahay na nasa ikalawang palapag , medyo may kalayuan sa kasayahan sa baba. "Okay, now... let me hear your story." Huminga muna ako nang malalim bago sinimulang ikwento sa kanya ang tungkol sa mga natuklasan ko bago pa namatay si Daddy. Tahimik lang si Ate na nakikinig sa'kin. Wala akong mabasang reaksiyon sa maganda niyang mukha hanggang sa matapos ko ang pakukwento. "So, hindi ka biological daughter ng kinikilala mong Daddy at di mo kadugo itong Tito mo na kasama mo kanina?" napatango-tango nitong sabi matapos ang ilang sandaling pagdaan ng katahimikan matapos kong magkwento. "Bakit wala kang violent reaction? Hindi ka man lang nagulat," nagtataka kong komento. "Magkaroon lang ako ng violent reaction kung malaman kung hindi ka tunay na Del Russo. Kahit sino pa ang biological father mo, ang importante ay Del Russo ka pa rin at pinsan kita!" "So , kung hindi ako Del Russo ay di mo na ako pinsan?"napangiwi kong tanong. "Lukaret ka! Imposible namang hindi kita pinsan dahil Del Russo na Del Russo ka sa ganda, tindig, at kilos." Medyo naguluhan ako dahil pinagdiinan niya ang huling sinabi at naging makahulugan iyong tingin niya sa'kin na para bang may nalaman siyang lihim kong ginawa. Bigla akong na-guilty sa paraan ng pagkakatingin niya sa'kin kahit wala naman akong maalalang ginawa kong mali. Meron ba? "Bakit ganyan ka makatingin?" di ko napigilang tanong sa kanya. "Masarap ba humalik iyong Tito mo?" "Oo- Ano? Ano ba iyang pinagsasabi mo?" nataranta kong tanong. Isang pilit na tawa ang pinakawalan ko upang makabawi roon sa pagkadulas ko. Grabe naman kasing tanong iyan! Saan niya ba napulot iyan at bakit parang siguradong-sigurado siya? Napaisip tuloy ako kung lahi ba kami ng mga magaganda o lahi kami ng mga manghuhula? Naging mapagbanta ang mga tingin sa'kin ni Ate Thana kaya natigil ako sa hilaw kong pagtawa at napangiwing napakamot ng pisngi kahit hindi naman makati. "Ate naman, hindi ko naman kasalanan iyong nangyari sa pagitan namin!" Kahit sa pandinig ko ay masyado akong defensive kaya masyadong halatang guilty. "So, hindi mo gusto ang nangyari at pinilit ka lang? We can consult a lawyer about that, I can recommend yo-" "Gusto ko!" Gusto kong batukan ang sarili dahil kusang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. Ginulat niya kasi ako sa pa-lawyer - lawyer niya kaya ayan tuloy kung anu-ano ang mga pinagsasabi ko! "Okay, tutal yummy naman iyong Tito mo so you have my full support. Ganyan talaga ang mga galawang Del Russo, rawr!" Napatanga ako sa naging sagot niya. Iyon lang iyon? Wala ba akong maririnig na panenermon? "Let's go, hahanapin na natin si Lesaiah at baka naroon ba rin iyong iba nating mga pinsan." "Wala ka po bang ibang sasabihin?" Pinigilan ko siya sa braso nang akmang magpatiuna na siya sa paglalakad. Saglit siyang napaisip habang kunot-noong napatitig sa'kin. "Di pa ba kita nabati?" naguguluhan nitong tanong na umani ng panibagong katanungan sa isip ko. Ba't kailangan niya akong batiin? Di ko naman birthday ngayon! Teka, baka nanalo ako sa lotto tapos di ko alam! Pero 'di ko naman naalalang tumaya ako. "Well, congratulations dahil mukhang nadali ng kagandahan mo ang isa sa pinakamailap na Ramirez," nakangisi nitong pahayag bago tumaas ang kilay at makahulugang sumulyap sa bandang kaliwa namin. Kusang binaybay ng mga mata ko ang dereksiyong sinulyapan niya. Kasabay nang pagtatama ng mga mata namin ng paparating na si Tito Igop ay ang biglang malakas na pagkabog ng dibdib ko. "I'll excuse myself first, ako na iyong nahiya sa makatunaw-yelo niyong titigan," nanunudyong bulong sa'kin ni Ate Thana bago tumango kay Tito Igop at tuluyan umalis. Bigla akong nakaramdam ng asiwa sa mga titig ni Tito at parang gusto ko tuloy habulin si Ate Thana kasi nga sabi niya kanina ay hahanapin namin si Lesaiah. Pero bakit iniwan niya ako ngayon? "I've been looking for you," paanas na sabi bi Tito Igop na bumasag sa namagitang katahimikan sa aming dalawa. Bigla ay napaismid ako bang maalala kung bakit di niya ako napansing umalis kanina sa tabi niya. "Bakit? Iniwan ka ba ni Puro s**o kaya naalala mo ako?" mataray kong tanong sa kanya "Sino iyon?" natatawa niyang balik-tanong. Inikutan ko siya ng mga mata at mahinang hinampas ang kamay niyang humawi sa buhok kong nakatakas sa pagkakatali. "Kunwari pa pero kung makatingin kanina parang gustong mag-dive sa dibdib no'ng tao," bubulong-bulong kong sabi at padabog siyang tinalikuran. Nahinto ako sa balak kong pag-alis dahil maagap niya akong napigilan sa braso sabay hila sa'kin palapit sa katawan niya. Naging alerto agad bawat himaymay ng katawan ko sa simpleng pagkakadikit ng aming katawan. Mukhang hindi lang ako iyong apektado dahil narinig ko ang impit niyang ungol bago ko naramdaman ang unti-unting pagkabuhay ng bagay na naipit sa pagitan ng mga katawan namin. "Nagseselos ka ba?" paanas niyang tanong habang naramdaman ko ang paglalakbay ng mga kamay niya sa likod ko pababa sa aking pang-upo. "Sa ganda kong ito magseselos sa babaeng puro s**o? Pag-umpugin ko pa kayong dalawa!" naiinsulto kong sagot. Ano ba ang kaselos-selos sa babaeng iyon kanina? Mas malaki nga iyong dibdib niya sa'kin pero sigurado akong hindi iyon puro, di tulad nitong dibdib ko na natural na malaki at mabilog! At bakit ba ako magseselos? Ano ba kami ni Tito Igop? Tuluyang nawaglit sa isipan ko ang kung anong gumugulong mga tanong dito nang maramdaman ko ang mariing pagpisil ni Tito sa pang-upo ko kasabay nang lalong pagkakadikit ng pang-ibabang katawan namin. "You're right, you're very beautiful that you always take my breath away. Gigil mo ako, sobra!" Bilang patunay nang sinasabi niyang panggigigil ay bigla niyang sinapo ang pang-upo ko upang pasaklang niya akong makarga. Gulat akong napayapos sa batok niya sa takot na mahulog kasabay nang paglingkis ng mga binti ko sa baywang niya. Di pa ako nakahuma ay malakas na tumama ang likod ko sa malamig na pader ng silid na basta na lang pinasok ni Tito habang karga ako. Di ko pa nga nabistahang mabuti iyong ayos ng silid at bigla na akong nilakumos ng halik ng sabik niyang mga labi. Tanging pag-ungol lang ang nagawa ko havang iyong mga kamay ni Tito ay ekspertong umakyat sa dibdib ko . Impit akong napahiyaw nang mas idiniin niya ang sarili sa'kin kaya naramdaman ko ang direktang pagtama ng hibaharap niya sa mismong gitna ng mga hita ko. Napahigpit ang pagkakayapos ng mga binti ko sa baywang niya lalo na no'ng magsimulang gumalaw pasulong ang balakang niya at sinasadyang patamaan ang sensitibong bahaging iyon ng katawan ko. Hindi lubusang nakakalabas ang sunud-sunod kong mga ungol at halinghing dahil patuloy niya pa ring gonalugad ang buo kong bibig gamit ang mga labi at dila niya. Iyong mga kamay ko sa batok niya ay di ko namalayang umakyat na papunta sa kanyang buhok at napasambunot doon nang mahigpit. Kusang sumabay sa galaw ng balakang niya ang aking balakang nang maramdanan ko ang pagkubkob ng mainit niyang mga palad sa dalawa kong dibdib. Lalo kong niliyad ang katawan ko habang puno nang paggigigil ang kanyang bawat haplos at pagpisil sa namimigat kong dibdib. Pakiramdam ko ay nagdedeliryo na ako sa pinaghalong init at sarap na bumalot sa buo kong katawan. Bigla akong nawalan ng pakialam kung nasaan kami at kung sino kami dahil ang importante ngayon sa'kin ay maabot ang katuparang pinapangako ng bawat mariin na pagkiskiskisan ng mga katawan namin. Nang sa muling paggalaw ng balakang ni Tito Igop ay may natamaan siyang nagpasabog sa kung anong namumuo sa puson ko ay di ko napigilan ang panginginig ng buo kong katawan. Mabuti na lang at maagap si Tito na yakapin ako nang mahigpit at lalong idiin sa kinasasandalan ko gamit ang sarili niyang katawan dahil kung hindi ay tiyak para akong sinapiang nangingisay dahil sa di ko kontroladong panginginig ng buo kong katawan dulot nang matinding orgasmo. Hindi ako isinilang kahapon upang di malaman kung ano ang tuluyan kong nakamit sa piling ni Tito pero ang hindi ko napaghandaan ay kung gaano ito katindi. Nakakabaliw at nakakawala sa sarili at ulirat. Wala pa nga kami sa actual at hanggang kiskisan pa lang kami at himasan pero ganito ba katindi ang nakasap kong sarap. Paano na lang kata kung may labas-masok nang mangyayari? Kailangan ko yatang humingi ng advice kay Ate Thana kung paanong pipigilang mahimatay sa kalagitnaan ng pagpapasarap! "Are you okay?" paos na tanong sa'kin ni Tito habang hinalik-halikan ang oawisan kong noo. "Hindi ko pa yata kayang tumayo, nanginginig pa iyong binti ko," pumipiyok kong sagot. "Next time ay dapat nakahiga na tayo para di na natin kailangan tumayo," naaliw niyang sabi. Isang walang lakas na hampas ang binigay ko sa kanya sa kabila nang paghihinang naramdaman na ikinatawa niya lang nang malakas. Loko ito, hindi pa nga ako naka-recover ay nagpaplano na ng next time! Pero, sabagay ay may point din siya roon! Dapat talaga nakahiga tuwing ginagawa ang ganito .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD