Matapos mahimasmasan sa panakaw naming ginawa ni Tito ay nakipag-bonding ako sa'king mga pinsan. Nagsilbi lang naman akong audience sa kakulitan nila dahil 'di naman ako umiinom.
Nang papalalim na iyong gabi at medyo may tama na si Lesaiah at masyado nang nag-enjoy iyong iba kong mga pinsan kaya pumuslit na ako paalis.
Kanina ko pa kasi hinahanap si Kuya Craig pero 'di ko siya namataan. Hindi na rin ako nagtanong kung darating ba ito kasi dapat ako iyong nakakaalam dahil ako ang kapatid.
Pati si Mommy ay hindi ko napansing kasama ng mga Tito at Tita kong nagbabatian kanina.
Sa kabila ng estado ng relasyon namin ni Mommy ay di ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Wala naman akong balak na kausapin o lapitan siya kung sakali mang magkita kami ngayong gabi, gusto ko lang siyang matanaw kahit mula sa malayo at masigurong okay siya.
Nang wala talaga akong makitang indikasyon na darating pa iyong mga hinahanap ko ay bagsak ang balikat akong nagpasyang hanapin na si Tito at yayaing umuwi.
May kausap siya nang matagpuan ko kaya sumenyas lang ako na gusto ko nang umuwi at hihintayin ko siya sa sasakyan.
Sayang ang pagiging gwapo niya kung di niya maintindihan ang malinaw kong pag-demonstrate ng gusto kong iparating na mensahe. Mukhang atat din siyang umuwi kasi di pa ako matapos sa iba ko pa sanang demo ay napansin ko na ang pamamaalam niya sa kausap kaya maya-maya lang ay papunta na siya sa kinaroroonan ko.
"Are you ready to leave? Di ka na ba sasali sa mga pinsan mo?" Bahagya niyang kiniling ang ulo sa kinaroroonan ng mga pinsan kong nagkakasayahan.
"Inaantok na ako,"pagdadahilan ko.
"May kakusapin lang ako sandali, hintayin mo ako rito."
Tanging tango ang sinagot ko sa kanya.
Ilang sandali simula nang umalis si Tito ay nagpasya akong sa kotse na lang siya hintayin.
Nasa labas kami nag-park kanina dahil punuan na iyong parking area sa loob ng bahay nina Tita. Kampanti naman akong safe ang lugar na ito dahil sayang naman ang pagiging exclusive subdivision nito kung may pagala-galang tarantado sa labas.
May ilang mga sasakyang ang madadanan bago marating ang sasakyan ni Tito. Siguro ay pagmamay-ari iyon ng ibang mga bisitang tulad namin ni Tito ay nahuling dumating.
Papalapit na ako sa sasakyan ni Tito nang madaanan ko ang dalawang luxury van na magkatabi at napatigil ako sa paghakbang nang may narinig akong nag-uusap na naharangan ng dalawang sasakyan kaya di ko makita mula sa'king kinaroroonan.
Nakapagtatakang pinili ng mga itong mag-usap dito gayong mas komportable sa loob ng bahay kaya nabuhay bigla ang aking pagka-chismosa.
Kunwari ay nagsi-cellphone ako habang naglalakad. Bumagal ako nang konti pero ang totoo ay alerto iyong tainga ko sa usapan ng dalawang di ko kilalang boses babae.
"Don't look so highly of yourself, once upon a time... you became my father's b***h!"
Isang malakas na lagapak ang sunod kong narinig kaya nanlaki ang mga matang napatakip ako ng bibig.
Sigurado ako, tunog ng tumamang palad sa pisngi iyong narinig ko.
"How dare you!" patiling sigaw ng babaeng narinig ko kani-kanina lang na nagsalita ng masama. Tiyak na ito iyong sinampal ng kausap, ang talas kasi ng dila.
"You're really your father's daughter kaya nararapat lang sa'yo iyan."
Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang boses ng kausap nito.
"You, b***h! Akala mo 'di kita papatulan dahil mas matanda ka sa'kin? Sisirain ko iyang mukhang minsang kinabaliwan ng Daddy ko!"
Mabilis akong sumilip sa kinaroroonan ng mga ito nang sunud-sunod na kalabugan iyong narinig ko . Mukhang nagsagupaan na yata ang mga ito.
"I won't let a filthy Lenarez to touch even the tip of my hair," matapang na pahayag ng pamilyar na boses na ngayon ay nabigyan ko na ng mukha.
"M-Mommy?" gilalas kong sambit.
Na-distract siya sa bigla kong pagsasalita kaya nabigyan ng pagkaktaon ang babaeng kausap niya kanina na hilahin ang kanyang buhok .
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, sinasabunotan iyong Mommy ko!
No, not my mother! Walang pagdadalawang isip na sinugod ko ang babaeng kaaway ni Mommy at sinuntok sa mukha kaya bumitaw ito mula sa pagkakahawak sa buhok ni Mommy.
Nagdidilim ang paningin ko dahil Mommy ko pala ang pinagsalitaan kanina ng masama ng babaeng ito. Bago pa ito muling nakabawi sa suntok ko ay sinipa ko ito nang malakas sa tiyan na ikinasigaw nito dahil sa sakit.
Di ko akalaing magagamit ko ang napag-aralang self-defense upang ipagtanggol ang sarili kong ina.
"Hinila mo ang buhok ng Mommy ko, gaga ka! Pinagbantaan mo pang sirain ang mukha niya, mukha mo ngayon ang sisirain ko!" Panibagong suntok sa mukha ang ibinigay ko rito.
Napangwi ako dahil sumakit ang aking kamay nang tumama yata sa panga niya ang kamao ko. Ang tigas ng mukha ng gaga. Ngayong nakikita ko ito sa malapitan ay napagtanto kong bata pa ito at mukhang mas matanda lang sa'kin ng isa o dalawang taon. Lalo akong nanggigigil sa galit dahil parang ina na niya iyong Mommy ko pero kung pagsalitaan niya ay parang mas bata pa sa kanya.
"Yvonne, that's enough!" maawtoridad na sigaw ni Mommy. Nabitin sa ere ang kamao kong ipapatama ko sanang muli sa mukha ng babaeng bugbog sarado na at halos nakaluhod na sa lupa.
Agad kong binitiwan ang babae at lumapit kay Mommy.
Akmang hahawakan ko siya sa kamay pero pasimple siyang umiwas.
"Okay lang po ba kayo?" nag-alala kong tanong sa kanya at binalewala na lamang ang pag-iwas niya mula sa hawak ko .
Nagkasya na lang ako sa pagsipat sa mukha niya upang masigurong 'di siya nagalusan ng babaeng kaaway.
"Kailan ka pa natutong makipagbasag -ulo?" galit niyang tanong. "I can't believe that you're my daughter!" puno nang pagkadismaya niyang dagdag.
Napakurap-kurap ako dahil pakiramdam ko ay may pumuwing sa mga mata ko kaya parang naluluha ang mga ito.
Oo nga naman, kailan pa ako naging tama sa mga mata ni Mommy?
Dapat ba ay hinayaan ko na lang siyang saktan ng iba? Mali bang awayin iyong taong gustong manakit sa sarili kong ina?
"Y-You'll pay for this! I swear-"
Dala ng galit at sakit dahil sa mga narinig ko mula kay Mommy ay wala sa sariling napagbalingan ko ang babaeng biglang nagbabanta habang dinuduro ako. Ano mang gusto pa sana nitong sabihin ay hindi na nito naituloy pa dahil hinila ko na ang kanyang buhok at malakas na pinagsasampal.
Halos di ko na narinig ang sigaw ng babae at pagtawag sa'kin ni Mommy dahil mas nangibabaw ang nararamdaman kong sakit, pait, at poot. Gusto kong ipamahagi iyong nararamdaman kong sakit ngayon at gusto kong ilabas ang galit sa loob ko. Lahat ng mga kinikimkim ko ay naibuhos ko sa babaeng halos igudgod ko na ang mukha sa lupa.
Isang pares ng malalakas na braso ang bumuhat sa'kin palayo sa babaeng halos mawalan na ng malay na nakahandusay sa semento.
Di pa ako tapos! Pilit akong kumakawala sa taong may hawak sa'kin upang balikan ang babaeng tinulungang tumayo ng mga bagong dating.
Nang inilalayan ang babae pasakay sa sasakyan ay lalo akong nagpumiglas dahil nakikita kong makaktakas na ang kaaway ko.
"Yvonne! Hey, Yvonne! Yvonne, damn it! "
Natigilan ako bigla nang marinig ang boses ni Tito Igop. Kasabay niyon ay nakasalubong ko ng tingin ang blangkong mga mata ni Mommy na pinanood ako.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at bigla akong natauhan.
Anong nagawa ko? Kahit wala akong nababasang kahit na anong emosyon mula sa mukha ni Mommy ay pakiramdam ko, sinusumbatan at sinisisi ako ng kanyang mga titig.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya at nilingon ang taong mahigpit pa ring nakayapos sa'kin mula sa likuran. Sumalubong sa'kin ang masuyong mga titig ni Tito Igop na para bang nagsasabing kakampi ko siya sa mga oras na ito.
"P-Please, take me away from here," garalgal ang boses na pakiusap ko.
Parang di ako makahinga habang nasa paligid si Mommy.
Di ko siya kayang titigan nang matagal dahil muli ay disappointment na naman ang ibinigay ko sa kanya.
Isang nakakaunawang ngiti ang isinagot sa'kin ni Tito bago ginawaran ng magaang halik ang tapat ng aking noo.
"Anywhere you want, Langga," pabulong niyang anas sa tapat ng tainga ko.
Sa pagkakataong ito ay nakatagpo ako ng kakampi sa katuhan ni Tito Igop.
Inilalayan ako ni Tito papunta sa sasakyan niya at bago ako sumakay ay di ko natiis na 'di lingunin si Mommy.
Hindi pa rin siya tumitinag mula sa kanyang kinatatayuan at nakatanaw pa rin sa'kin.
Namataan ko ang ilang mga Tita ko na lumapit sa kanya kaya nagpasya akong tuluyang lumulan sa sasakyan.
Mapait akong napangiti.
Kahit sa ganitong estado ng emosyon ko ay gusto ko pa ring masigurong maiiwan ko si Mommy nang hindi nag-iisa.
Buhay nga naman, kahit ilang beses ka nang saktan ng taong mahal mo ay hindi pa rin nababawasan ang pag-alala at pagpapahalaga mo sa kanya.
Kaya ko pa naman ang sakit, medyo nawala lang ako kanina sa sarili at nakalimot kaya nagawa ko iyon.
Minsan pala talaga ay bigla na lang mapatid ang lahat ng ating mga pagtitimpi.
May mga panahong talaga na kahit gaano ka kalakas ay di mo maiwasang manghina.
Napakurap-kurap ako nang may inilahad sa harapan ko si Tito Igop.
Hindi ko agad tinanggap ito kaya siya na iyong nagkusang idinampi sa pisngi ko ang panyong hawak niya.
Umiiyak na pala ako, hindi ko man lang napansin.
"The bravest person is the one who is not afraid to show her tears and fears. You're quite a warrior, Langga."
"T*ng*na! Warrior ka riyan, war shock-in kita eh!" humihikbi kong sagot sa hugot niya.
Kanina pa siya langga nang langga baka akala niya 'di ko naintindihan iyan!
Paasa rin ang gagong 'to eh! Langga raw , kung 'di ko lang alam na babaero siya ay sana kikiligin na ako kasi nga endearment ng mga Cebuano iyan at tubong Cebu ang paasang lalaking ito kaya may kakaibang hatid ang bawat pagbigkas niya ng salitang iyon.
"Gano'n ba talaga iyon? Kung galit ka sa ama ng anak mo ay magagalit ka na rin pati sa anak mo?" inis kong tanong sabay singa roon sa panyong inagaw ko mula kay Tito Igop.
"I can never tell, wala namang galit sa'kin... at marami silang gustong malahian ko, ako lang talaga itong mapili kasi nga-"
"Gwapo ka, oo na! Maganda lahi mo!" inis kong putol sa pagyayabang niya. "Huwag mo ngang sapawan ang pagdadrama ko!"
"Gusto ko lang namang matawa ka."
"Hindi nakakatawa ang kahanginan mo! Nakakainis!" halos pasinghal kong pambabara sa kanya.
"Talaga? So , inis ka na niyan sa'kin?" nakataas ang kilay niyang tanong.
Nang-iinis talaga ang loko! Nakalimutan ko tuloy ang pagdadrama ko dahil sa kanya!
"Pwede na pala kitang anakan, para naman malaman mo kung maiinis ka rin ba sa baby natin dahil inis ka sa'kin."
Awang ang bibig at umurong iyong luha at uhog ko dahil sa mga pinagsasabi niya.
Saglit na katahimikan ang dumaan sa pagitan namin bago ko siya pinaulanan ng hampas.
"Ang manyak mo talaga!" inis kong hampas sa kanya na tatawa-tawa niyang sinasalag.
"Kita mo na ngang umiiyak iyong tao pero binabalak mo pa talagang buntisin!"
"Oy, dapat thankful ka kasi di mo na kailangang pumila pa... ako na mismo ang pumili sa'yo na maambunan ng lahi ko," natatawa niyang sagot habang pigil-pigil na ang isa kong kamay kaya isang kamay na lang iyong malayang nanghahampas.
"Isusumbong kita kay Kuya!" inis kong banta sa kanya.
Kay Daddy ko dapat siya isumbong pero dahil wala na ito ay si Kuya Craig ang sunod na pinakamalapit sa'kin.
"Makita lang kitang lumubo iyong tiyan dahil sa baby ko ay worth it naman sigurong magpasuntok ako kay Craig sa balikat...huwag lang sa mukha dahil puhunan ko 'to," tumatawa nitong sagot at sa pagkakataong ito ay nahuli na iyong dalawa kong kamay.
"Ako na lang susuntok diyan sa mukha mo!" nakasimangot kong pahayag.
"Basta ba isang suntok, isang anak... di bale nang mabulok itong mukha ko sa kakasuntok mo."
Natawa ako dahil ini-imagine ko kung ano ang hitsura ng bulok na mukha.
"I won't mind being silly as long as I can make you laugh."
Natigil ako sa pagtawa pero nakapaskil pa rin sa mga labi ko ang ngiti at natitiyak kong nasa mga mata ko ang kasiyahang bumalot sa'king puso dahil sa sinabi niya.
Tito Igop, konti na lang at pikot ang kahahantungan mo sa mga kamay ko, tingnan natin kung uubra iyang pagiging gwapo mo!