Pagdating sa tinutuluyan naming hotel ay dumeretso na kami ni Tito sa rooftop helipad nito kung saan ay naghihintay sa amin si Kuya Luc.
Mangha akong napatitig sa luxury helicopter sa likuran nito na umiikot pa iyong rotor blades at halatang handa na ulit lumipad.
"It's about time, pinaghintay ni'yo ako ng 4 minutes," salubong ang kilay na pahayag ni Kuya Luc at sinipat pa ang suot na rolex watch.
"Para 4 minutes lang, makareklamo ito parang hindi naranasang maghintay sa taong walang balak bumalik— aray!" Nauwi sa nasasaktang hiyaw ang pagsasalita ni Tito dahil malakas na binato sa mukha niya ni Kuya Luc ang hawak nitong— pambabaeng coat?
Bakit siya may pambabaeng coat? Nasagot ang katanungan ko nang maingat itong ipatong ni Tito Igop sa balikat ko.
"May kalamigan ang hangin sa gabi kaya kailangan mo iyan para di ka lamigin."
Isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya bilang pasasalamat. Habang iniayos niya ang pagkakasuot ko ng coat ay di naman mawalay-walay sa mukha niya ang tingin ko.
Tuwing ganitong hindi lumalabas ang taglay niyang kahanginan ay talagang nakakakiliti sa matres ang kagwapuhan niya.
Nang mag-angat ng tingin si Tito ay nagkasalubong ang mga titig namin. Sa halip na mag-iwas ng tingin ay matapang kong sinalubong ang mga mata niyang unti-unting namumungay habang mas lalong dumidiin ang pagkakatitig sa'kin.
Isang malakas na tikhim at eksaheradong pag-ubo ang pumutol sa animo mahikang bumalot sa'min ni Tito.
"Mahal ang fuel!" nandidilat na wari ay paalala ni Kuya Luc habang masamang nakatingin kay Tito. "Ganyan na kayo kahit nandito pa ako , paano pa kaya kung mapag-isa na kayo? Maglandian kayo o sasakay na?"
Nag-init ang magkabilang pisngi ko at di makatingin nang deretso sa kahit na sino sa kanilang dalawa.
"Pakyu ka , Kuya Luc! Inggiterong palaka," nakairap na sabi rito ni Tito at her nila ako palagpas upang lumulan na sa helicopter.
May naabutan na kaming nakasakay sa loob at namukhaan ko ito na siya ring copilot ni Kuya Luc na naghatid sa amin.
Ilang sandali pa matapos akong lagyan ni Tito ng earphones ay umangat na kami sa himpapawid.
Huminga ako nang malalim habang pinanood ang unti-unting pagliit ng pinanggalingan naming hotel mula sa kinauupuan ko.
Isang magaang pagpisil sa'kin palad ni Tito Igop ang kumuha sa atensiyon ko mula sa mga ilaw sa baba papunta sa kanya.
"You'll be okay. I'll make sure of it, walang pwedeng manakit sa'yo, " nangangako niyang sabi na malinaw kong narinig sa suot na earphones.
"Tumahimik ka Igop! Pa-corny ka na nang pa-corny, nababaklaan na ako sa'yo," agad namang reklamo ni Kuya Luc na sa kabila ng pressure ng hangin dito sa himpapawid ay tiyak malinaw ring narinig ang sinabi ni Tito dahil sa suot na earphones.
"It takes one to know one," nang-aasar na sagot dito ni Tito na umani nang malulutong na mura.
Buong byahe ay puro bangayan ang dalawang magpinsan.
Mabuti na lang talaga a kahit pikon itong si Kuya Luc ay ligtas kaming nakarating sa Cebu.
Magkarugtong lang ang private airport ng mga Ramirez at hangar nila kaya mula sa pinag-landing-an ng sinakyan namin ay natatanaw ko sa unahan ang malaking hangar.
Naghihintay na rin sa pagbaba namin ang kotse ni Tito na iniwan niya no'ng nakaraan pero ang nakapagtataka lang ay ang karagdagang mga sasakyan at mga tauhan nilang parang may binabantayang nakapalibot sa buong lugar.
Anong meron? Bakit may mga men in black?
"Dumeretso ka sa bahay." Nahinto ang pagsakay ko sana sa sasakyan ni Tito dahil sa babaeng sumulpot sa kung saan at kumausap kay Tito Igop.
"Tita Rhea?" mangha kong kong tawag dito. Isa ito sa mga nakatatandang kapatid ni Tito Igop na puro babae.
"Thank God, you're okay." May pag-alala ako nitong sinalubong ng yakap.
Nagtataka ako sa inasta nito. Bakit ako hindi magiging okay? Oo, masama iyong loob ko kay Mommy pero... okay lang naman ako ,ang hindi okay ay iyong binugbog ko. Pareho sila ni Tito... kakaiba ang inaasta nila na para bang may kapahamakang nakaabang sa'kin.
"Sumama ka sa bahay, hinintay ka rin ni Mommy roon," anito matapos akong pakawalan.
"Po? Paano niya nalamang nandito ako?" maang kong tanong.
Sinadya ko talagang 'di ipinaalam kay Mamitita Reda na ina nila nandito ako sa Cebu kaya nga kay Tito Igop ako dumeretso dahil matapos kong malamang 'di nila ako kadugo ay 'di ko alam kung paano sila pakitutunguhan.
"Dapat talaga ay sinabi agad sa'min ng iba riyan na dumating ka." Sinibat nito ng masamang tingin si Tito bago muling bumaling sa'kin. "Nagtatampo si Mommy sa'yo," nangungunsensiya nitong dagdag sa naunang sinabi.
Nahihiya akong nagkamot ng ulo bago nagpasaklolong sumulyap kay Tito kasi alam niya ang dahilan nang pinunta ko rito sa Cebu.
"Huwag mo ngang takutin ang bata." Mabilis na lumapit sa'kin si Tito at inilayo ako sa kapatid niya.
"Bata? Talaga naman, Igop? Buti at alam mo iyan," sarkastikong wika ni Tita habang nakapamaywang na hinarap si Tito.
"Oo bata kasi mas matanda ka. Pero kumpara sa'kin ay pwede na, bibilangin pa ba natin ang ilang taong agwat?" di nagpapatalong saad ni Tito.
"Gago! Umayos ka, isusumbong kita kay Mommy!" Nagbabantang dinuro ni Tita si Tito.
Naguguluhan akong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa habang nagsasagutan. Di ko naintindihan ang pinag-uusapan nila pero may pakiramdam ako na tungkol sa'kin iyon.
"Gusto na kaya ni Mommy ng apo," nagmamayabang na pahayag ni Tito na umani ng isang batok mula sa naiinis na si Tita Rhea. "Rhea, mapanakit ka!" yamot na reklamo rito ni Tito.
"Halika Yvonne, sa'kin ka sasabay at baka kung saan ka pa iliko ng kolokoy na iyan."
Walang nagawa si Tito nang hilahin ako ni Tita Rhea papunta sa isa sa mga nakaparadang sasakyang katabi lang ng sasakysn ni Tito. Nagpatianod ako sa paghila sa'kin ni Tita habang naririnig ang reklamo ni Tito.
"Rhea naman, pikon ka masyado! Akin iyan eh," nagpoprotestang sigaw ni Tito.
"Buang jud, nangangkon og dili iyaha," bubulong-bulong na sabi ni Tita nang pareho kaming makasakay. (Baliw talaga, inaangkin ang hindi sa kanya.) Hindi ko siya naintindihan dahil mahina ako sa wikang Cebuano.
Bahagya kong nilingon si Tito matapos isuot ang seatbelt .
Lukot ang mukha nito habang tinatanaw ang sasakyang kinalulanan namin.
Bakit parang gusto kong bumaba at pumunta sa kanya?
"Huwag kang padadala sa drama ng kolokoy na iyan. Ganyan talaga iyan, sumpa sa angkan namin ang hitsura ng lalaking iyan na minu-minuto naman niyang ipinagyayabang," natatawang pahayag ni Tita Rhea na napansin ang pagtanaw ko kay Tito kaya mabilis agad akong nag-iwas ng tingin.
"Deretso tayo sa bahay," pormal na utos ni Tita sa driver matapos makahulugang ngumiti sa'kin.
Ilang sandali pa ay papasok na kami sa compound ng mga Ramirez. Medyo may kalayuan mula rito iyong tinitirhang bahay ni Tito Igop. Halata talagang gustong lumayo upang maitago mula sa pamilya niya ang mga kabulastugang pinaggagawa.
Tulad nang pagkaalala ko ay halos nagtatayugan at naggagaraang bahay na pagmamay-ari ng mga Ramirez ang nadadaanan ng sinasakyan namin bago kami pumasok sa sa mismong bahay na kinalakihan ni Tito Igop.
Napansin kong mas lumaki pa ito at may ibang pagbabago sa desinyo kaysa noong huli kong punta rito kasama pa si Daddy.
Pagkababa ko ng sasakyan ay agad kong natanaw si Mamitita na papasalubong sa'kin habang nakalahad ang mga braso para sa isang yakap.
"My baby... ang laki mo na." Mahigpit ako nitong niyakap na ibinalik ko rin sa kanya.
Kung makapagsalita si Mamitita ay parang di kami nagkita sa libing ni Daddy which is noong nakaraang buwan lang.
"Dalaga na ang baby ko," nakangiti nitong pahayag matapos akong pakawalan. "Ang ganda -ganda pa!"
"Syempre naman, langga ko iyan eh." Narinig kong nagsalita si Tito Igop bago ko naramdaman ang pag-akbay ng braso niya sa balikat ko.
"Hello, Mommy. Gwapa kaayo ka karon, Mommy. " (Ang ganda mo ngayon.)
Ang bilis niyang nakahabol sa'min ni Tita Rhea.
"Hindi mo ako mabola , Igop! Lintek kang bata ka,! Kung hindi pa dahil kay Alex ay di pa namin malalamang nasa bahay mo itong si Yvonne!" masungit na panenermon ni Mamitita kay Tito.
Medyo nakaramdam ako ng pagkaasiwa sa pagkakaakbay sa'kin ni Tito sa harapan ni Mamitita at ni Tita Rhea na tahimik lang kaming pinanood, kaya pasimple kong hinawi ang braso niya.
Natanggal nga sa balikat ko iyong braso niya pero pumaikot naman ito sa baywang ko at pasimple akong kinabig padikit sa kanyang katawan.
"At ito pa, may nakaabot sa'king balita ang nangyari kay Franchesca! Ikaw bata ka, baka pinaasa mo na naman ang impaktitang iyon ... sinasabi ko sa'yo, hindi makatungtong sa pamamahay ko ang otitud na iyon!" (langgam) Patuloy pa rin sa walang hingaang panenermon si Mamitita at 'di man lang pinansin ang posisyon namin ni Tito.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nitong Franchesca na nagpapakulo sa dugo nito. Siguro ay kaanib ito nina J-E-N-N-Y at Leah, mga babaeng natangay sa kahanginan ni Tito.
"Relax, Mommy... 'di po lahat ng mga nangyayari ay dahil sa kagwapuhan ko," natatawang awat ni Tito sa sermon ni Mamitita.
Napangiwi akong napatingala sa kanya. Gusto ko siyang tanungin kong ano na naman ang kinalaman ng kagwapuhan niya sa sermon ng kanyang Mommy.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Langga , nandiyan pa si Mommy. Mamaya na lang sa kwarto," naaaliw niyang sabi sa'kin nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
Noong una ay di ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin pero nang lubusan ko itong naintindihan ay nag-iinit ang pisnging siniko ko siya na ikinaungol niya dahil sa sakit.
"Langga naman, wala pa nga... pinapaungol mo na ako," pabulong nitong sabi sa tapat ng tainga ko.
Pakiramdam ko ay umusok na ako sa pinaghalong inis at hiya dahil sa mga pinagsasabi niya kahit na ako kang itong nakarinig doon sa huli.
Nang sulyapan ko si Tita ay wala akong nakitang reaksiyon mula rito dahil sa pinagsasabi ni Tito bagkus ay naroon pa rin sa mukha nito ang pagkayamot na kanina pa nito taglay simula no'ng dumating iyong huli.
"Huwag mo nga dinadamay si Yvonne sa kalokohan mo!" sita ni Mamitita kay Tito kaya mabilis na umayos ng tayo ang huli at nagpa-cute na humarap sa ina.
"Mommy, basta si Yvonne ang usapan wala pong lokohang sangkot. Alam ni'yo po iyan," nakangusong sabi ni Tito na umani nang mapanuring tingin mula kay Mamitita.
Abut-abot naman iyong kaba ko kasi nga baka mahalata nitong may higit pang nangyayari sa pagitan namin ni Tito.
"So, bakit nagbabanta na naman ang mga lintik na Lenarez na iyon? T*ngina nila! Kung si Carlos pinapalagpas sila, sa'kin ay papakainin ko sila ng bala!" gigil na gigil na pahayag ni Mamitita.
Pamilyar sa'kin ang binanggit niyang Lenarez... siguro ay dahil nabanggit din niya si Daddy. Mukhang may alitan sa pagitan ng kinikilala kong namayapang ama at sa binanggit na Lenarez ni Mamitita.
"Mommy, mamaya na natin pag-usapan iyan," maingat na sabi ni Tito.
"Anong mamaya?" Sabay kaming napangiwi ni Tito dahil sa biglang pagtaas mg boses ni Mamitita, lalo pa yata itong na-high blood.
"Ngayon natin pag-usapan! Bakit nagbabanta na naman ang mga punyetang iyon? Huwag mong sabihing totohanan mo nang nabuntis iyong si Franchesca?" Lumarawan ang pagkagimbal sa mukha ni Mamita doon sa huling tinanong.
"Gago kang bata ka! Hindi ibig sabihin na gusto kong magkaapo ay iyong babae iyon ang anakan mo! Mukhang mauna pa kitang pakainin ng bala kaysa sa mga Lenarez na iyon!"
Di pa nga nakasagot di Tito ay pinaghahampas na siya ni Mamitita kaya para siyang batang nagtatago sa likod ko pero di pa rin nakaiwas sa umuulang hampas.
"Relax hon, baka mapatay mo ang pinakagwapo nating anak." Agad na tumigil si Tita nang dumating si Daditito Pogz.
"Baka akalain ni Yvonne na inaapi natin ang favorite Tito niya," nakangiting sabi ni Daditito nang bumaling sa'kin.
Agad akong lumapit dito at nagmano. Saglit lang iyon dahil may mabilis na agad na humila sa'kin kaya muli ay nabalik ako sa mga bisig ni Tito Igop na ngayon ay lantaran nang nakayapos sa'kin ang dalawang braso mula sa likuran na para bang kukunin ako mula sa kanya.
Ito ba? Ito ba ang tinutukoy ni Daditito na favorite Tito ko? Kailan ko pa sinabi iyon?
"Pati ba naman sa'min nagdadamot ka, Igop?" may panunumbat sa boses na saad ni Tita Dana na nakasunod kay Daditito.
Isang naiinis na ungol ang narinig ko mula kay Tito Igop bago lumuwang ang pagkakayapos nito sa'kin kaya nagawa kong lumapit kay Tita Dana ay yumakap dito. Ito iyong pinakapanganay sa tatlong mga anak nina Daditito at Mamitita.
"Narinig ko, binugbog mo raw si Franchesca?" nakangising tanong ni Tita Dana matapos akong humiwalay sa kanya.
Nangunot ang noo ko dahil hindi ko kilala iyong Franchesca na kanina pa binanggit ni Mamitita pero totoong may nabugbog ako—
dalawa pa nga pero Leah ang pangalan no'ng isa at iyong isa ay—
Nanlaki ang mga matang napatakip ako ng bibig habang napatingin kay Tito.
Iyong Franchesca na tinutukoy ni Tita ay iyon iyong babaeng iyon! At dahil pamilyar ang Lenarez ay dahil una ko itong narinig kay Mommy habang kasagutan iyong Franchesca!
Kaya ba nagbabanta ang mga Lenarez ay dahil sa ginawa ko kay Franchesca?
"It's okay, Langga. Hindi masasaling ng mga Lenarez kahit dulo ng buhok mo." Napakurap-kurap ako dahil iglap lang ay nasa harapan ko na si Tito Igop habang matamang nakadungaw sa'kin. "It will take more than bunch of criminals who called themselves mafia to penetrate the Ramirez fortress and harm my queen."
Nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig na 'criminals' at 'mafia' sa mga sinabi ni Tito.
Ibig niya bang sabihin ay kasapi sa mafia ang mga Lenarez?
"Don't worry, kaya kitang protektahan dahil hindi lang naman sa pagpapaungol magaling ang gwapong katulad ko."
Okay na sana eh kaso , dinugtungan pa.
"Ulol talaga!"
"Sarap mantakwil ng kapatid!"
"Anak natin iyan, hon kaya relax ka lang. Tandaan mo ikaw ang nagluwal niyan."
"At nagmana sa'yo kaya may pagkagago!"
Sa kabila ng mga reklamo sa paligid ay di pa rin nagbago ang pagkakangiti sa akin ni Tito Igop. Ngiti na kahit sa kabila ng mga walang kwentang lumalabas sa kanyang bibig ay binigyan ako ng kasiguruhan at kapanatagan sa gitna ng kahit na anong unos na darating.
"Halika na, pauungulin na kita." Isang pinong kurot sa matigas niyang tiyan ang ibinigay ko sa kanya matapos niya akong bulungan ng kabulastugan. "Aray, mapanakit ka. More pa nga...pero , lower please."
Suko na ako! Parang gusto ko na ring mantakwil ng Tito at mag-ampon ng tagapaungol ko. Pero, pwede naman both!