Pagkatapos ng hapunan ay nagpasya akong umakyat agad sa silid ko upang makabawi ng tulog at pahinga kasi nga maghapon akong inalila ng nakakatakam na katawan ni Tito.
Bago ko pa man nagawa iyon ay nakarinig ako ng pagkakagulo sa labas ng bahay kaya nag-u-turn ako papunta sa pintuan palabas upang maka-chismis.
"You can't keep that woman away from us forever, Ramirez!" Isang galit na galit na lalaki ang naabutan kong nasa bakuran nina Daditito na hinaharangan ng mga security guard.
Kalmado namang nakatanaw lang dito si Daditito katabi si Mamitita na matalim ang pagkakatitig sa nagwawalang lalaki.
"Are you threatening us Manuel Lenarez?" paasik na tanong ni Mamitita sa lalaki.
"Anak ko ang kinanti ng babaeng pinoprotektahan ninyo, Reda. I will personally see to it that anyone who hurt my daughter will pay dearly," puno nang pagbabantang sagot ng galit na lalaki na tinatawag na Manuel Lenarez .
Ngayon ko lang napansing may mga tauhan itong kasama na alertong nakaantabay sa likuran nito.
"Di rin ibig sabihin na walang kasong isinampa at walang balitang lumabas ay wala ka nang kasalanan sa pamilya ko 19 years ago," nanginginig sa galit na saad ni Mamitita.
Saglit na natigilan iyong Manuel at di nakaligtas sa paningin ko ang pagdaan ng kakaibang emosyon sa mga mata nito bago naging blangko ang buo nitong ekspresyon.
Naningkit ang mga mata ko dahil pamilyar sa'kin ang mga ito. Saan ko nga ba nakita ang mga matang iyon?
" Mag-uungkatan na ba tayo ng mga nangyayari noon? Wala na ang pamangkin mo upang ikaila ang mga kasalanan niya sa'kin," mapang-uyam na wika ni Manuel.
"Gago ka talaga! Di man santo iyong pamangkin ko ay sigurado naman akong magkaiba ang likaw ng bituka ninyo," mariing sabi ni Mamitita.
Agad akong kinutuban na si Daddy ang tinutukay na pamangkin at siyang pinag-uusapan nilang dalawa.
Kahit hindi binanggit sa'kin ng kahit sino ay may ideya ako sa uri ng negosyong pinamahalaan ng kiniiikilala kong ama na namana ni Kuya Craig, my father is into underground businesses.
"Are you sure? Hindi mo lubusang kilala si Carlos at kaming mga kalaban niya ay siyang mas nakakilala at nakakaalam sa pinakatago-tago niyang baho."
"Hindi katulad ng gusto mong palabasin ang Daddy ko!" di ko napigilang singit sa usapan.
Wala akong pakialam kung siya ba ang ama ni Franchesca or siya ba iyong dahilan kung bakit nababahala para sa akin iyong pamilya ni Tito Igop dahil di ko mapapalampas anumang paninira sa kinikilala kong ama.
Nang dumako sa'kin ang mga pamilyar nitong mga mata ay saglit iyong naningkit habang pinasadahan ako ng mariing titig.
Para sa akin ay wala namang nakakatakot sa ayos ng kaharap kong Lenarez, parang normal lang naman siyang tao. Hindi kalakihan ang katawan niya kahit magkasingtangkad sila ni Daditito. Mas matangkad pa sa kanya ai Tito Igop at mas malaki ang katawan at hamak na mas bata kaya wala akong dapat ika- intimidate sa isang ito. Pakiramdam ko naman ay kayang-kaya kong bugbugin si Tito Igop kaya sigurado rin akong kaya kong bugbugin ang lalaking kaharap basta di lang makialam iyong mga kasama niyang kalalakihan.
"You're that girl," nagtagis ang bagang nitong anas.
Naputol ang pakipagsukatan ko ng tingin dito nang biglang humarang sa harapan ko ang malapad na likod ni Tito Igop.
"Get lost, Lenarez. Magdemanda ka kung gusto mo pero di mo masasaling kahit dulo ng daliri ng hinahanap mong babae," malamig ang boses na wika ni Tito Igop.
Nalukot ang mukha ko dahil di ko makita ang reaksiyon ni Manuel Lenarez kaya isinilip ko ang ulo sa gilid ni Tito.
Agad na nagsalubong ang mga mata namin ni Manuel Lenarez dahil nasa dereksiyon ko pa rin ang atensiyon nito kahit na tinakpan na ako ni Tito Igop.
Nang mahalata ni Tito na wala sa kanya nag pansin ni Manuel Lenarez at nasa akin ay marahan niyang itinulak ang sumisilip kong ulo patago sa kanyang likod.
" Why are you hiding her Igop Ramirez? Siguro naman ay kayang humarap sa'kin ng tinutukoy mong babae." Kahit si Tito Igop ang kausap niya ay ramdam kong para sa akin ang huli niyang sinabi.
"No need, wala siyang oras para sa isang tulad mo—"
"Huwag paladesisyon," nakaingos kong putol sa sinasabi ni Tito. "Mayroon nga akong oras mambugbog kaya may oras din akong harapin iyong tatay na mapapel," nakairap kong dagdag bago tuluyang lumabas mula sa likod niya.
Narinig ko ang mahinang ungol nang pagtutol ni Tito Igop pero huli na dahil nakapamaywang na ako sa harapan ng tatay ni Franchesca.
"Masyado bang malala ang lagay no'ng anak ninyo kaya nagsumbong kaya ikaw pa talaga ang pumunta?" masungit kong tanong dito.
Mabilis na nagsikilos iyong mga tauhan niya paabante sa kinaroroonan ko pero alerto ring nagsibunot ng baril iyong mga security guard nina Tito Igop sabay tutok sa mga ito.
Bigla ay naging tensiyunado ang paligid at di ko na nga napansin kung kailan ako kinabig ni Tito palapit sa kanya dahil nasa nagtutukan ng baril ang atensiyon ko.
Nabawasan pang ang tensiyon nang senenyasan ni Manuel Lenarez iyong mga tauhan nito na umatras at ibaba ang mga hawak na baril.
Kahit pala mukhang mga sanggano ang mga tauhan nito ay marunong naman sumunod sa utos ng amo kaya mabilis na humupa ang tensiyon pero nanatiling alerto ang bawat panig.
"Alam mo, ang pangit mong ka-bonding! Nanunutok agad ng baril ang mga tauhan mo... sarap mo ring bugbugin eh!" walang preno kong sabi kay Manuel Lenarez.
"Yvonne," naninitang tawag ni Tito Igop sa pangalan ko.
"Huwag lang mag-alala Tito... tingin ko naman ay kaya-kaya ko iyan. Di naman kalakihan ang katawan," mahina kong sabi kay Tito pero mukhang narinig oa rin no'ng iba dahil nagkandasamid at ubo karamihan sa mga kasamang tauhan ni Manuel Lenarez.
Napahinga nang marahas si Tito Igop at mas humigpit ang pagkakapulupot ng mga braso sa baywang ko.
Nangamba siguro siyang bigla ko na lang sugurin iyong Manuel Lenarez. Hindi naman ako gano'n ka war freak 'no!
Wala akong reaksiyong nakuha mula kay Manuel Lenarez sa halip ay dumako ang atensiyon nito sa braso ni Tito na nakalingkis sa'king baywang.
"Are you Carlos' daughter?" seryosong tanong ni Manuel.
"Umalis ka na Manuel Lenarez, you're not welcome in here," mariing singit ni Mamitita bago pa ako makasagot.
Buong akala ko ay magmatigas pa itong ama ni Franchesca pero may kung anong himala na nanatili itong kalmado.
Nakatingin lang ito sa mukha ko na para bang hindi makapaniwala.
"This not over yet... you'll be seeing more of me," pahayag nito. Di ko matukoy kung para kanino ang sinabi nitong iyon dahil nasa akin pa rin ang tingin nito.
Kung di lang ito kasingtanda ng Daddy ko ay iisipin kong bigla itong nagkagusto sa akin.
Wala naman akong nararamdamang malisya sa mga titig nito pero nakakaasiwa pa rin kasi parang sinasaulo niya iyong hitsura ko.
"I'll be coming back Ramirez and I have tons of questions for you," mariin nitong baling sa dereksiyon ni Mamitita.
"Go to hell, Lenarez!" mariing sabi ni Mamitita.
Ngumisi lang si Manuel Lenarez at sumaludo bago nagpatiunang umalis kasunod ang mga tauhan nito.
Bago ito tuluyang lumabas na nakabukas na gate ay huminto muna ito at lumingon sa'kin.
Bago ko mabasa kung ano ang emosyong naaa mukha nito ay nagpatuloy naito aa pag-alis.
"Pakiramdam ko ay nagkagusto pa yata sa akin ang matandang iyon," nakangiwi kong bulong kay Tito Igop.
Seloso si Tito Igop kaya inakala ko talaga na magagalit siya sa sinabi ko pero tumawa lang ang loko na para bang isang biro ang narinig.
"Bakit mo naman nasabi iyan?" tatawa-tawa niyang tanong.
Parang gusto ko tuloy ma-offend sa paraan ng pagtawa niya.
"Tingin kasi nang tingin sa akin," nakanguso kong sagot.