chapter 14

1523 Words
Akala ko ay si Manuel Lenarez lang ang unwanted visitor na biglang darating sa bahay nina Tito Igop pero pinabulaanan ang akala kong iyon nang biglang mababaan ko si Mommy pagkagising kinabukasan. Isa itong napakalaking himala dahil ito iyong unang beses na siya iyong nagkusang tumapak sa kinaroroonan kong lugar. Kung noon ito nangyari ay tiyak maglulundag ako sa tuwa pero ngayong alam ko na ang pinakaiingatan niyang sekreto tungkol sa pagkatao ko ay parang ayokong nandito siya. Gustuhin ko man siyang makita at makasama ay masyado pang fresh sa isip ko iyong huli baming pagtatagpo sa birthday ni Lesaiah. Malinaw pa sa isip ko kung paano niya ako tingnan matapos kong bugbugin iyong Franchesca na iyon. Kasalukuyang nasa sala si Mommy kausap si Mamitita pagkababa ko at pagtapak ko sa huling baitang ay agad nagsalubong ang mga mata namin. Nakaramdam ako ng panlalamig dahil sa pagkakatitig niya. Mabuti na lang at hindi ko kasamang bumaba si Tito Igop dahil may kinuha pa ito sa sarili nitong silid matapos magpalipas ng magdamag sa silid ko. Ano na lang ang iisipin ni Mommy kung kasabay kong bumaba si Tito Igop na lantaran ang pagyapos-yapos sa akin na para bang normal lang iyon sa aming dalawa. Walang komento akong narinig sa pamilya niya kaya inisip ko na lang na di nila binigyang malisya ang pagka-touchy ni Tito. "Good morning, Yvonne... look who's here!" excited na bati sa'kin ni Mamitita. "Good morning po," magalang kong bati pabalik dito bago tipid na tumango sa dereksiyon ni Mommy. Kung napansin man ni Mamitita ang malamig na pakikitungo naming mag-ina sa bawat isa ay di na ito nagkomento pa. "We're going home, Yvonne." Bigla akong nanigas sa kinatarayuan dahil sa biglang pahayag na iyon ni Mommy. "Lorie, I told you already that she will be safe here with us so—" "Tita... ayokong nadadamay kayo sa gulong pinasok ng anak ko kaya iuuwi ko na po siya," puto ni Mommy kay Mamitita. Di ko alam kung bakit gusto kong matawa sa narinig. Dahil ba tinawag niyang tita si Mamitita kahit na ilang taon lang ang agwat nila o dahil ba sa biglaang pagpakita niya ng pakialam sa akin? Alin man sa dalawa ang dahilan ay iisa lang ang tugon ko sa kagustuhang ito ni Mommy. "No, I'll stay here with Mamitita," deretsahan kong pagtanggi. Tumiim ang anyo nito pero di pinansin ang pagtanggi ko. "Mukhang masyado kang ini-spoil ng Daddy mo kaya naging ganyan ang iyong ugali. Mas maiging nasa bahay ka upang matutukan kita,"seryoso nitong pahayag. "Hindi ako uuwi ng bahay," mariin kong sabi upang tumino sa isipan nito. Napakurap-kurap ito sa pagkakatitig sa akin habang pilit na pinoproseso ang sinabi ko. "I'm your mother, Yvonne." Parang bulang naglaho ang natirang emosyon sa mga mata nito. Di ko maiwasang mapalatak sa narinig mula sa sariling ina na ngayon lang yata gustong magpakaina sa'kin. "Di ko po nakalimutan iyan, Mommy. Ikaw nga po ang mukhang nakalimot at ngayon lang nakaalala... well, you're 18 years late." Tinapatan ko ang malamig niyang pagkakatitig sa'kin. Sumungaw ang galit sa blangkong nitong mga mata. "Sinong nagturo sa'yo upang sumagot nang ganyan?" galit nitong tanong sa'kin. "Sariling sikap lang po ito dahil lumaki akong malayo iyong nanay ko," may panunumbat kong sagot. "That's enough, tumigil ka na Yvonne. She's still your mother," saway sa'kin ni Mamitita. Malaki ang paggalang ko ksy Mamitita kaya agad kong pinigilan ang sariling laharan pa ng listahan ng kanyang pagkukulang ang sarili kong ina. Alam ko naman iyong dahilan nito kung bakit ayaw nitong makita ang pagmumukha ko pero dapat ay huwag rin ako nito pangunahan sa pagdedesisyon lalo na ngayong nasa tamang edad na ako at nasa tamang mga tao na inaalagaan ako nang higit pa sa nagawa nito. "Lorie, mas makabubuti sigurong dito muna si Yvonne. Alam kong malaki ang epekto sa kanya ng pagkawala ni Carlos at siguro isa iyon sa dahilan kung bakit mas pinili niyang dito muna sa amin," malumanay na sabi ni Mamitita kay Mommy. "Iyon na nga po Tita, wala na si Carlos kaya obligasyon ko na ang ayusin ang anumang gulong pinasok ni Yvonne," giit ni Mommy. Kung makapagsalita ito ay para namang napakarami kong gulong pinasok. Noong ipaalam ko sa kanya na magd-drop ako at bubukod ng tirahan ay malinaw ang pinakita niyang tuwa sa desisyon kong iyon pero bakit bigla-bigla ay gusto niya akong tumira sa bahay gayong iyon ang pibakahuli niyang gugustuhin noon? Anong nagbago at bigla-bigla'y handa niyang pagtiisan ang presensiya ko at siya pa mismo ang nagkusa akong puntahan upang pauwiin sa bahay na noon pa man ay masyadong maliit para sa presensiya ko kasama siya? "Anak ni Carlos si Yvonne kaya di na siya iba sa amin. Pamangkin ko si Carlos kaya anumang kakailanganin ng anak niya ay di ako magdadalawang-isip na ibigay," saad ni Mamitita. Parang may kumurot sa puso ko dahil sa narinig. May mali kasi sa sinabi ni Mamitita na di ko maisaboses. Di ko kayang itama ang sinabi niyang anak ako ni Daddy. Ipinaalala ng sinabi niya ang dahilan kung bakit mahal na mahal ako ng buo niyang pamilya dahil buong akala nila ay totoo nila akong kadugo maliban nga lang kay Tito Igop na alam ang totoo kong pagkatao at syempre pa, hindi kadugo ang tingin sa'kin. Hindi naman siguro gagawin ni Tito sa'kin iyong pinagsaluhan namin kung itinuturing niya akong totoong pamangkin. "Tita... kilala ninyo ang mga Lenarez. Minsan na n-nilang sinira ang buhay ko," may kariinang wika ni Mommy na para bang may masamang alaala na lumitaw sa isip nito. Di ko alam kung saan galing ang kabang bigla kong naramdaman. Paanong sinira ng mga Lenarez ang buhay ni Mommy? Parang tuksong biglang lumitaw sa alaala ko ang narinig kong sinabi ni Franchesca noong gabing nagpang-abot sila ni Mommy. "Don't look so highly of yourself, once upon a time... you became my father's b***h!" Mag-ex ba si Mommy at iyong Manuel Lenarez na tatay ni Franchesca? Ka-love triangle yata ni Mommy iyong ina ni Frachesca. "Sisirain ko iyang mukhang minsang kinabaliwan ng Daddy ko!" Kaya siguro titig na titig sa'kin iyong Manuel Lenarez kagabi dahil naalala niya sa'kin iyong ex niya na Mommy ko. Magkaribal sila ni Daddy kaya galit na galit siya rito. Ngayon ko lang rin naalala kung saan ko nakita ang pamilyar na mga mata ni Manuel Lenarez, pareho sila ng mga mata ng anak niyang si Frachesca. Ang sakit nila sa ulo, di uso mag-move on? Ang tatanda na nila tapos pareho na silang may mga anak, jusko! Kamamatay lang ng Daddy ko kaya huwag na huwag maisipan ng Manuel na iyon na landiin ulit ang Mommy ko na halatang bitter pa dahil pagbubuhulin ko silang dalawa ni Franchesca! "Yvonne will be safe with us. Sisiguraduhin ko iyon," seryosong sabat ni Tito Igop mula sa likuran ko na nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. Di ko man lang namalayang nakababa na rin ito. Pasimple akong humakbang palayo kay Tito dahil mahirap na... baka bigla na naman siyang sapian ng pagiging touchy, nasa harapan pa naman si Mommy. "Igop, ayokong bigyan pa kayo ng alalahanin—" "It's no big deal... Yvonne is part of our family. The Ramirez clan will stand beside her and will assure that no one can harm her," matatag na pahayag ni Tito. Nang mapansin nito ang distansya sa pagitan namin ay kunot noo nitong tinawid iyon. Nasa amin ang atensiyon ni Mommy kaya patay-malisya akong humakbang upang muli ay lumaki ang distansiya namin ni Tito mula sa isa't isa. "Igop, masaya ako dahil sa pag-aalaga at pagpapahalaga ninyo kay Yvonne pero bilang ina niya ay sana bigyan ni'yo ako ng pagkakataong ako naman ngayon ang poprotekta sa anak ko." "Ay teka lang, huwag mo naman po gamitin ang 'mother card' ninyo," mabilis kong sabat. "Ni minsan nga ay di ko dinahilan ang pahiging anak ninyo para naman kahit sa birthday ko ay maisipan ni'yo akong batiin," nagbibiro kong dugtong. Walang sigla akong napatawa nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Mommy. Di ko naman sana balak sabihin iyon pero puro kaplastikan na kasi ang naririnig ko mula sa kanya. Lalo tuloy lumakas ang kutob ko na may mas malalim na dahilan kung bakit gusto niya akong umuwi. "Magtapat nga po kayo, Mommy. May tinatago ba kayo sa'kin na ayaw ninyong maungkat ko?" Hindi niya alam na alam ko na ang sekreto tungkol sa pagiging hindi ko anak ng kinikilala kong ama kaya di na ako nagulat nang bigla siyang namutla. Suguro ganito talaga ang reaksiyon ng isang taong maraming tinatago na lihim. "What are you talking about?" mailap ang mga matang tanong niya matapos mahimasmasan sa gulat. "You tell me, hindi naman po ako ang maraming lihim sa ating dalawa," mapakla kong sagot. "Yvonne," nananaway na tawag sa'kin ni Tito Igop. Iningusan ko lang ito bago naiiling na tumalikod bago pa ako may ibang masabi na di ko ba kaya pang bawiin. Kainis naman oh, lagi talagang nagkakagulo-gulo ang emosyon ko kapag kaharap si Mommy. Ayokong may iba pa akong masabi dahil sa di makontrol na emosyon kaya mas nakabubuting iiwas muna ako habang wala pa ako sa tamang pag-iisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD