chapter 12

1361 Words
Hapon na nang tuluyan akong nakabangon at nakipaghalubilo sa mga tao kasama namin ni Tito Igop sa bahay. Hindi ko alam kung may naniwala ba sila sa sakit-sakitan kong dahilan kung bakit nakakulong lang ako sa silid buong maghapon at hinahatiran lang ng pagkain ni Tito. Malapit naman sa katotohanan iyon kasi nga tumigil lang Tito nang halos di ko na magalaw kahit dulo ng aking mga daliri. Di ko rin naman pwedeng ibuhos sa kanya lahat ng sisi kasi hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa rin ang boses kong nagmamakaawang isagad niya pa. Sagad pa more kaya ang resulta parang namamanhid sa sakit at ngalay iyong ibabang bahagi ng katawan ko. "Are you sure you're feeling okay?" may pag-alalang tanong ulit ni Mamitita sa'kin. Kanina pa siya tanong nang tanong kaya pakiramdam ko tuloy ay palala nang palala ang nararamdaman kong pananakit ng katawan. Siguro ay napapansin niya ang mga di ko mapigilang mga ngiwi tuwing namali ako ng galaw at ang di komportable kong pagkakaupo habang sumasabay sa kanila sa hapunan. Isang eksaheradong ngiti ang ibinigay ko sa lahat nang napunta sa'kin mga atensiyon nila. "You know, you don't really look good," komento ni Ate Dana habang mapanuri ang mga matang tumuon sa'kin. Pinagpawisan ako nang malamig dahil sa atensiyon nila. Paano na lang kung malaman nila ang ginawa namin ni Tito buong gabi at halos maghapon? "Leave her alone people, she will be okay dahil magaling akong mag-alaga." Ngali-ngali ko sapakin si Tito Igop nang kunwari ay pasimple pa niya akong inakbayan pero iyong isa niyang kamay ay pasimple ring humaplos sa hita ko. Di naman ako pwedeng mag-react dahil nasa akin pa rin ang atensiyon ng buo niyang pamilya. Bumuway iyong nakapaskil na ngiti sa mukha ko nang tanggalin ni Tito iyong pagkakaakbay niya sa'kin pero tuluyang pumaloob sa suot kong palda ang pangahas niyang kamay. Bakit ba sobrang lapit ng upuan naming dalawa? Dapat iyon pa lang ay kukuha na sa pansin ng mga kasanahan namin sa hapag pero wala naman akong nakuhang reaksiyon sa kanila na para bang normal lang na halos gusto na akong ikandong nitong katabi ko. "Maybe we should call for a doctor," suhestiyon ni Ate Rhea. "Naikwento ni Dana sa'kin kagabi na masama ang pakiramdam mo, mukhang lumala yata ngayon." "O-okay lang po talaga ako. Pahinga lang po ang kailangan ko. Nakainom na rin po ako ng gamot." Pero kulang yata iyong pain reliever na nainom ko dahil ramdam ko pa rin iyong kirot. "I guess the stress of what happened yesterday makes you feel that way. Don't worry too much, Igop is taking care of everything," masuyo ang ngiting wika ni Daditito. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko rito. Di ko pwedeng sabihin sa kanya na ang magaling niyang anak ang may kagagawan kung bakit para akong lalagnatin ngayon at walang kinalaman doon iyong nabanggit niyang stress. What is stress kung merong isang Igop Ramirez na kaya akong bigyan ng di lang sakit sa ulo kundi pati sakit sa katawan sa masarap na paraan? "Iyong kamay mo," may pagbabanta kong bulong kay Tito Igop habang di nanatili ang matamis na ngiti sa mga labi. Kahit nakadampi lang sa hita ko ang kamay niya at walang ibang kabulastugang ginagawa ay di pa rin ako kampanteng naroon ito dahil sa kakaibang dulot nito sa'king katawan. Masyado pang sensitibo ang kahit na anong bahagi ng katawan ko na kahit simpleng dampi sa'king balat mula sa kanya ay mabilis na nagpapataas sa level ng karumihan ng utak ko at ang ending ay biglang pag-iinit ng katawan at pag-atake ng taglay kong kalandian. Kamanyakan yata ang tinuro sa'kin nang halos magdamagang pinaggagagawa namin ni Tito. Sa kabila nang nangyari sa amin ay Tito pa rin ako nang Tito. Endearment na yata ang dating ng salitang tito sa akin. Sa palagay ko ay wala akong ibang gustong tawaging Tito kundi ay si Tito Igop. Di ko mapigilan ang pag-iinit ng magkabilaan kong pisngi nang maalala kong paano ko inungol ang isinigaw ang 'Tito' kagabi at kaninang umaga habang inaangkin ni Tito Igop ang katawan ko. Hindi na iyon 'Tito' na paggalang sa isang kamag-anak dahil 'Tito' na iyon na nagdedeliryo sa sarap at humihingi ng nakakatirik sa matang katuparan. Isang malakas na tikhim ang nagpabalik sa'kin sa kasalukuyan. "I have to talk to you after this," seryosong pahayag ni Daditito habang nakatingin kay Tito Igop. Di ko mapigilang mabahala dahil mukhang seryoso si Daditito habang makahulugan ang titig kay Tito Igop. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng ganito eh alam ko namang walang gagawing masama si Daditito kay Tito Igop dahil anak niya ito pero di ko pa rin kayang di mag-alala para sa huli. Naramdaman siguro ni Tito ang naramdaman ko kaya pasimple niyang pinisil ang hita ko na tagumpay na naalis ang atensiyon ko sa seryosong si Daditito. "Sure Dad," mabilis na pagsang-ayon ni Tito Igop habang nilalagyan ng ulam ang pinggan ko. "Eat," masuyo niyang utos sa'kin. Agad ko naman siyang sinunod at pilit na binaliwala ang kamay niya sa'king hita na mukhang wala siyang balak alisin. Nang pasimple kong silipin ang mga nakasabayan namin sa pagkain ay nakita ko si Tita Dana at Tita Rhea na kapwa abala sa pagkain habang may pinag-uusapan. Si Daditito naman ay balik ba agad sa pag-aasikaso kay Mamitita na may ngiti sa labing nakamasid sa amin ni Tito Igop. Nang magsalubong ang mga mata namin ni Mamitita ay lalong tumamis ang ngiti nito kaya napilitan akong ngumiti pabalik kahit di ko maintindihan kung para saan ang ngiti niyang iyon. Ako lang ba o sadyang may ibang kahulugan ang pagkakangiti ni Mamitita? Nang lingunin ko si Tito Igop ay tutok na tutok ito sa pagpili ng mga pagkaing ilalagay sa pinggan ko gamit lang ang isang kamay. Ako ang nahihirapan sa ginagawa niya. Kung di ba naman sira ang tuktok niya ay sana inalis na lang niya ang isang kamay sa hita ko upang makakain nang maayos gamit ang dalawang kamay. "Sana iyang tinitig mo sa gwapo kong mukha ay ikinain mo yan, magkalaman na sana ang tiyan mo. Aminado akong masarap pa ako sa ulam na nakahain sa mesa pero mata mo lang ang kaya kong busugin kong titigan mo ako buong hapunan maliban na lang kung sa kwarto tayo— Aray!" Nauwi sa hiyaw ang pagyayabang niya sabay alis ng kamay niyang nakapatong sa hita ko dahil pasekreto ko itong tinusok ng tinidor. "Ay, sorry... akala ko kasi ulam ka. Sabi mo kasi masarap ka kaya gusto kitang tinidorin," labas sa ilong kong paumanhin. "Ikaw—" "Maganda ako... pero di ako nagyayabang," putol ko sa pagsasalita niya. "Gusto pa naman sana kitang ipagyabang pero masyado kang mapanakit. Ikaw pa lang iyong babaeng kinaya-kaya akong saktan," reklamo niya habang hawak-hawak ang nasaktang kamay. Agad din naman akong nakonsensiya nang mapansin ko ang pamumula ng likod ng kamay niya pero pinili kong di ipakita iyon. "Eh di doon ka sa mga babae mong di ka kayang saktan," paismid kong sabi. Huli na nang mapagtanto ko kung ano iyong lumabas sa'king bibig. Sa sinabi ko ay parang inamin kong higit pa sa mag-tito ang relasyon naming dalawa. Pinanlamigan ako bigla dahil ngayon ko lang naalala kung nasaan kami at sinu-sino ang mga kasabayan namin sa hapag. "Patay kang pogi ka," natatawang wika ni Tita Dana. "Pinamigay ba naman, bigti na this," mapang-asar na segunda ni Tita Rhea. Sabay na nagtawanan ang dalawa na para bang normal lang iyong narinig nila mula sa'kin. Bakit pakiramdam ko ay hindi mag-tito ang tingin nila sa relasyon namin ni Tito Igop? Maging si Daditito ay napansin ko ang pasimpleng pang-aasar kay Tito Igop habang napabungisngis naman ang katabi nitong si Mamitita. Nauwi sa kantiyawan ang usapan at natapos ang hapunan na pinagtulungang asarin si Tito Igop ng dalawa niyang kapatid at syempre kasama ako sa mga nang-aasar. Kahit asar na asar na ay mahangin pa rin naman si Tito Igop at di pa rin niya nakalimutang asikasuhin ang pagkain ko kahit pikon na pikon na siya sa'kin dahil sa pakikipagkampihan ko kina Tita Dana at Tita Rhea na pawang beterano sa pamimikon sa nag-iisang kapatid na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD