chapter 16

1239 Words
Awkward... Di ko alam kung bakit biglang di ko kayang tumingin nang deretso kay Tito Igop matapos makaalis ni Leah. "Matapos mo akong suntukin ay di mo na ako papansinin?" may hinanakit sa boses na tanong ni Tito kaya napilitan akong sulyapan siya. Mabilis din agad akong nag-iwas ng tingin dahil namumula iyong bahagi ng mukha niyang tinamaan ng suntok ko. Pinapagalitan ko sa isip iyong sarili ko dahil sa padalaos-dalos kong desisyon kaya ayan tuloy... nagkabangas ang mukha ni Tito. "Natandaan mo pa ba kung ano iyong usapan natin sa bawat suntok mo sa mukha ko?" Mabilis akong napabaling sa kanya pabalik. Kunot noo akong nakipagsukatan ng titig sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong maalalang may napag-usapan tayo." "Isang suntok, isang anak... tanda mo?" Unti-unting nanlaki ang mga butas ng ilong ko nang maalala iyong usapan namin noong gabing galing kami sa birthday ni Lesaiah at umiiyak ako. Huwag niya sabihing seryoso siya roon? "Muntik nang tumabingi ang mukha ko sa lakas ng suntok mo kaya kambal ang unang hihilingin ko sa'yo. May nabuo na siguro tayong isa kaya dadagdagan ko na lang ng isa mamayang gabi" Napatunayan kong pwede palang masamid kahit wala kang sinusubo o iniinom. Nanayo yata lahat ng mga balahibo ko sa katawan nang malagkit na naglakbay sa kabuuan ko ang namumunngay niyang mga mata. Sinisigaw ng utak ko na tumakbo ako nang unti-unting lumapit sa'kin si Tito Igop pero ayaw naman gumalaw ng mga paa ko bagkus ay ramdam ko ang pagtugon ng traydor kong katawan sa paninitig niya. "Nakunan mo iyon? Di ba malabo?" "Nai-video ko!" "Malinaw ang kuha?" "Oo... mamahalin kaya 'tong cellphone ko kaya maganda ang camera, dinig pati tunog nang pagtama no'ng suntok." Napahinto sa paglapit sa'kin si Tito at sabay kaming napabaling sa napalakas na boses ng mga nag-uusap sa may pintuan. Namataan namin sina Tita Dana at Tita Rhea na kapwa nakatutok sa hawak na cellphone no'ng huli. "Tiyak bibenta ito sa mga pinsan natin," tuwang-tuwamg wika ni Tita Rhea. "I-leak kaya natin sa media 'to, Ate? Katuwaan lang," suhestiyon ni Tita Dana. "Maganda iyang naisip mo, tiyak mabawasan ang hangin ni Igop." Pagkarinig sa pangalang binanggit nila ay malalaki ang hakbang na nakakapit agad sa kanila si Tito nang di nila napapansin kaya parehong nagulat ang dalawa nang hablutin ni Tito ang hawak na cellphone ni Tita Rhea. "The f*ck! Kinunan ni'yo ng video ang pagkakasuntok sa'kin?" napamaang na bulalas ni Tito Igop nang makita kung ano ang tinitingnan ng dalawang kapatid. "Teka, ibalik mo iyan." Mabilis na inabot ni Tota Rhea ang cellphone sa kamay ni Tito pero alertong itong nailayo ng huli. Tumulong na si Tita Dana pero wala silang laban sa tangkad at liksi ni Tito Igop. "Anong nangyayari rito?" nagtatakang tanong ni Mamitita nang mapasukang nagkagulo ang tatlong anak. Kasunod nito si Mommy na saglit dumapo sa'kin ang tingin bago tumuon sa tatlong Ramirez na nag-aagawan ng cellphone na hawak pa rin ni Tito. "Mommy, si Igop... ayaw ibigay ang cellphone ko," sumbong ni Tita Rhea habang pigil-pigil ang isang braso ni Tito upang di mahirapan si Tita Dana na talunin ang nakataas na kamay ni Tito na may hawak ng cellphone. "Paano ba naman Mommy, kinukunan ako ng video nang walang pahintulot at balak pang sirain ang reputasyon ko," katuwiran ni Tito. "Ang lalaki ni'yo na pero para pa rin kayong mga bata kung umasta," nayayamot na sabi ni Mamitita. Napalakas ang pagkakatapik ni Tita Dana sa braso ni Tito Igop kaya patilapong nabitiwan nito ang hawak na cellphone. Tumama sa malambot na sofa ang cellphone pero bago pa ito nakuha ng kahit na sino ay biglang malakas na umalingawngaw ang isang recording mula roon. "Natandaan mo pa ba kung ano iyong usapan natin sa bawat suntok mo sa mukha ko?" Malinaw na boses ni Tito ang nagsasalitang iyon. Pinanlamigan ako bigla dahil alam na alam ko kung ano ang kasunod niyon. "Anong pinagsasabi mo? Wala akong maalalang may napag-usapan tayo." Kahit sino ay kayang tukuyin na boses ko ang sunod na umalingawngaw. "Isang suntok, isang anak... tanda mo ?" "Muntik nang tumabingi ang mukha ko sa lakas ng suntok mo kaya kambal ang unang hihilingin ko sa'yo. May nabuo na siguro tayong isa kaya dadagdagan ko na lang ng isa mamayang gabi." Doon naputol ang recording. Pinagpawisan ako nang nalamig habang nakatitig sa cellphone na pinanggalingan ng narinig naming lahat. "A-anong ibig sabihin ng mga narinig ko?" Mariin kong nakagat ang pang-ibabang labi dahil sa matigas na tanong ni Mommy. Wala naman akong balak na itago ang anumang namagitan sa amin ni Tito pero hindi ko rin pinlanong malalaman ng iba sa ganitong paraan. Muntik na akong bumuway sa pagkakatayo pero mabuti na lang at maagap akong naalalayan ni Tito Igop. "Can anybody explain to me what's going on?" pasigaw na tanong ni Mommy. "Lorie, calm down. Pag-usapan natin ito nang —" "Calm down? How can I? Bata pa iyong anak ko Tita! At tiyuhin niya si Igop," halos hestirikal na sansala ni Mommy kay Mamitita. "Lorie, pakinggan muna natin ang paliwanag ng mga bata. Huwag natin pairalin ang nararamdaman nating emosyon," mahinahong sabi ni Mamitita. "Tita, anak ko lang iyong bata... Nasa tamang edad na si Igop pero nagawa niya pa rin ito sa pamangkin niya," galit na sabi ni Mommy. "I love Yvonne, Ate Lorie... Mahal ko po ang anak ninyo,"sensirong sabat ni Tito Igop. Sa gitna ng tensiyon sa paligid ay binalot ang puso ko ng masayang pakiramdam. Mahal ako ni Tito Igop! Inamin niya mismo sa harap ng nanay niya at nanay ko. Lahat ng takot at pangamba ko ay biglang napalitan ng kaaya-ayang pakiramdam. "My God, Igop! Pamangkin mo iyang anak ko!" pasinghal na wika ni Mommy. "Hindi po kami magkadugo," di ko napigilang bulalas. Biglang natigilan si Mommy at di makapaniwalang napatitig sa'kin. Parang may gusto itong sabihin pero di nito maibuka-buka ang nanginginig na mga labi. "Before Daddy died, I've learned that I'm not his biological daughter," may bikig sa lalamunan kong pagpapatuloy. Nawalan ng kulay ang mukha ni Mommy at parang slow motion na bigla itong bumuway sa kinatatayuan bago parang nauupos na kandilang bumagsak. Napuno nang gulat ba sigawan ang paligid at halos patakbong dumalo ang lahat kay Mommy na walang malay na nakahandusay sa sahig. Bumalik nang doble ang kabang nararamdaman ko kanina dahil sa pag-alala sa kalagayan ng aking ina. "Mom? Mommy?" naiiyak kong tawag sa kanya. Kung anu-anong senaryo na ang pumasok sa isip ko habang tinapik-tapik ang putlang-putla niyang pisngi. Nawala na si Daddy kaya hindi pwedeng pati si Mommy ay kukunin sa akin. Sapat na sa aking nakikita siya mula sa malayo na malusog at masaya kaysa tuluyang may masamang mangyari sa kanya. Naninikip ang dibdib na napasunod ako nang buhatin ito ni Tito Igop at ipasok sa pinakamalapit na guestroom. Nanginginig ako habang naupo sa tabi ni Mommy nang ihiga ito nang naayos sa kama. "Hey, stop crying... Nawalan lang siya ng malay at parating na si Doctor Froilan," pang-aalo sa'kin ni Tito Igop. Sa labis na pag-alala ay di ko na alam kung kailan sila tumawag ng doctor at lalong di ko napansing umiiyak na pala ako. "Natatakot ako," nanginginig kong pagtatapat kay Tito. Isang mahigpit na yakap ang tanging tugon niya sa'kin. Mabilis kong isiniksik ang sarili sa mainit niyang mga bisig at doon ibinuhos ang lahat ng mga nagpapasikip sa'king dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD