chapter 15

1728 Words
When it rains it pours talaga dahil bandang tanghalian di pa nga nakaalis iyong nanay ko ay panibagong bisita na naman iyong dumating pero hindi ako iyong pakay kundi ay si Tito Igop. Naamoy yata ng mga naghahabol sa kapogian niya kung nasaan siya ngayon dahil natunton siya ni Leah. Iyong Leah na pinatulog ko rati dahil sa kamalditahang taglay. Habang pababa ako ay dinig na dinig ko ang mahinhin nitong pananalita at nang tumambad sa'kin ang mukha nito ay parang minatamis ang ngiting nakaguhit sa pulang-pula nitong mga labi.Ang bait-bait ng gaga habang kaharap ang pamilya ni Tito Igop na para bang purong kabutihan iyong kaya nitong gawin. Kung nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Leah ay gano'n din si Tito Igop, first time kong nakitang nataranta ang mahanging lalaki habang nakikiusap sa'kin iyong mga mata pero inirapan ko lang siya at nagtuloy-tuloy sa pagbaba kung nasaan ang bwesitang kasaluluyang kinakausap ni Mamitita. Huwag niya akong maandar-andaran dahil pareho kaming galing sa taas at pagkababa ay nasa sala na itong si Leah. Sa susunod kong pagbaba ay sino na naman kaya ang maaabutan ko sa sala? Parang gusto ko na tuloy mabahala... di na lang kaya ako aakyat sa taas upang di ako masurpresa tuwing bababa. Naroon pa talaga si Mommy kasama ni Mamitita na umestima sa bisita at umaaligid-aligid din sina Tita Rhea at Tita Dana sa paligid na para bang may inaasahang mangyayari. Nang mamataan ako ni Tita Dana na pababa ay mabilis nitong kinalabit ang nakatalikod na si Tita Rhea at itinuro ako. Nakasunod sa'kin si Tito Igop kaya tiyak napansin din nila ito. Iyong tatlong kasama lang nila ang hindi pa nakapansin sa'min kasi tutok na tutok sa pag-uusap. Parang gusto kong bumalik sa taas dahil sa kakaibang ngising gumuhit sa mga labi ng dalawang kapatid ni Tito Igop habang pinanood ang tuyan naming pagbaba. Wala bang ibang pinagkakabalahan ang dalawang ito kaya pakalat-kalat na lang dito sa bahay nila? Mayaman sila pero dapat ay nagtatrabaho rin sila at di patambay-tambay lang. Akmang hahawakan ako ni Tito Igop pero mabilis akong umiwas at sinamaan siya ng tingin. "Igop, may bisita ka," saad ni Mamitita nang mapansin ang presensiya namin ng anak niya. Napansin ko sa sulok ng aking mga mata ang pagsulyap ni Mommy sa dereksiyon ko pero nagpatay-malisya ako. Itinuon ko kay Leah iyong buo kong antensiyon. Di ko ba napuruhan ang gagang ito? "Hello, Igop," mahinhing bati ni Leah sabay tayo mula sa pagkakaupo. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis itong nakalapit kay Tito sabay halik sa mga labi ng huli. Ang mga hampaslupang malalandi, sa mismong harapan ko pa nagtukaan! Isang tikhim ang nagpagising sa pagkabigla ni Tito kaya mabilis niyang nahawakan sa balikat si Leah at inilayo sa sarili. Mailap ang mga mata niyang agad tumuon sa akin. Huli na ang lahat dahil nakita ko na at di na pwedeng burahin sa utak ko ang paghalik sa kanya ng ibang babae kaya wala nang saysay kung anumang paliwanag mula sa kanya. Pero wala naman kaming label maliban sa pagiging mag-tito kaya maagap kong naitago ang totoong naramdaman dahil sa nasaksihan. "What are you doing here, Leah?" may kariinang tanong ni Tito Igop habang pasulyap-sulyap sa'kin. Sa halip na manatiling nakatayo sa tabi niya ay pinili kong lumapit sa kinaroroonan nina Tita Rhea at Tita Dana, medyo may kalayuan sa pwesto ni Mommy. "Isa iyan sa mga naghahabol kay boy bagyo," pabulong na sabi ni Tita Dana sa'kin. "Pinakamalupit sa mga nabiktima ng kahanginan ni Igop," segunda ni Tita Rhea. Ayokong maging bastos sa dalawamg ito kaya di ko ba lang isinaboses kung paanong wala akong pakialam sa mga pinagsasabi nila. "Di na masama, may hitsura naman iyong babae." Kunwari ay wala akong pakialam kahit deep inside ay gusto kong bangasan si Tito Igop at ihambalos iyong Leah na may ngiting tagumpay sa mga labi. Di ako pwedeng umeksena dahil tahimik na nakamasid si Mommy sa gilid at nandito rin ang pamilya ni Tito Igop. "I'm surprised, she's also here." Gusto kong batuhin ng sofa si Leah mahadera nang bigla ay isinali niya ako sa kung anong pinag-uusapan nila ni Tito Igop. "You know her?" tanong ni Mamitita rito. "Of course, Tita. I met her at Igop's house the other day," nakangiti nitong pagkukwento. Plastic tupperware ang gaga! Parang gusto kong ngumiwi habang inaabangan ang susunod niyang sasabihin. Sa ugaling ng babaeng ito ay tiyak ikukwento rin nito iyong huling nangyari sa pagtatagpo namin na nauwi sa pagkawala ng malay nito. "Actually, she's with Igop. Siya ang tanging babaeng hindi nilipad ng hangin ng kapatid ko," pakikisabat ni Tita Dana sa usapan. Nabawasan ang tamis ng ngiti ni Leah pero di pa rin natinag ang composure nito. Nang sumulyap ako kay Ate Dana ay palihim itong kumindat sa'kin. Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kindat na iyon pero pakiramdam ko ay kakampi ko ito. Wala pa mang sagupaan pero may kampi-kampi na akong nalalaman. "Ate Lorie, nakita mo na po ba ang greenhouse sa likod ng bahay? I have exotic orchids there that you will surely love," bigla ay pahayag ni Tita Rhea habang nakatingin kay Mommy. Mahilig sa mga halaman si Mommy kaya agad nakuha ng sinabi ni Tita Rhea ang atensiyon nito. "Bagong dating from Austramica ang mga iyon. Padala ng pinsan namin," dagdag ni Tita Dana. "Dapat mong makita iyon Lorie. They're really amazing. Balita ko ay di makikita sa ibang bansa ang specie na iyon," dugtong naman ni Mamitita. Umikot saglit sa usapang orchid ang pangyayari bago tuluyang naiwan kaming tatlo ni Tito at Leah. Bakit pakiramdam ko ay may conspiracy na naganap sa mismong harapan ko? "So, she's not a fling but your niece," maya-maya ay siguradong pahayag ni Leah. "Leah, di mo pa sinagot ang tanong ko kung ano ang ginagawa mo rito," wika ni Tito Igop sa halip na kumpirmahin ang pahayag ng babae. "You promised to call me, remember?" naglalambing na paalaka ni Leah. May panguso-nguso pa ang gaga, sarap ipitin ng sipit ng sampayan! "Leah, malinaw ang usapan natin—" "But I'm willing to wait!" sansala nito sa pagsasalita ni Tito Igop. Napataas ang isang kilay ko dahil sa desperasyong narinig ko sa boses nito. "Sabi ko naman sa'yo na handa akong maghintay hangga't handa ka na mag-girlfriend." Parang gusto kong maawa rito. Wala naman talaga siyang kasalanan kung bakit naghahabol siya ngayon kay Tito dahil tiyak na dinaan siya ng matatamis na salita ni boy bagyo. Pero kahit gano'n pa man ay hindi dapat magpakababa nang ganito ang kahit na sinong babae para lang sa isang lalaki, kahit na isang Igop Ramirez ang kalaking iyon. "I'm sorry, Leah. Simula pa lang ay sinabi ko na sa'yo ang dahilan kung bakit—" "Huwag mong sabihing nagkalakas ka na ng loob na habulin sa ibang bansa iyong babaeng gusto mo? 'Di ba ikaw rin ang nagsabing imposibleng maging kayo ng babaeng iyon? Well... ilang taon na nga ba iyon ngayon, 18 years old? Sa tingin mo ay iiwanan ng isang teenager ang buhay na nakasanayan niya sa ibang bansa upang magpakabulok rito sa piling mo? Wake up, Igop! Ang lawak ng mundo kumpara rito sa munting kahariang pinaghaharian ng angkan mo kung saan ay nakatakda kang mamuno habambuhay kaya huwag mo nang pangaraping makukulong mo sa gintong kulungan ang isang babaeng naroon at in-explore ang ibang bahagi ng mundo malayo sa'yo!" Halos mabingi ako sa kabog ng dibdib habang pinapakinggan ang mahabang lintaniya ni Leah. Walang emosyon si Tito na tinanggap lang lahat kaya ramdam ko ang katotohanan sa likod ng mga narinig. Hindi naman siguro writer itong si Leah na humabi ng ganoong kwento. "I know you," baling bigla ni Leah sa akin. "Nakikita ko kung paano mo tingnan si Igop at hindi iyon pagtingin ng isang pamangkin sa kanyang tiyuhin. I don't care about your story but you have to know that this man in here is not for you, neither for me nor for any of those unfortunate girls who foolishly fall in love with him because he's head over heels crazy for a certain teenager that he claimed to be out of his f*cking reach! See, since I've known him... he's already in love with someone else." Mapakla ang ngiting gumuhit sa mga labi ni Leah bago malakas na pumalatak. "And, here I thought that if I would stay... he will eventually give his attention to me." Maldita ako, mula sa dulo ng buhok ko hanggang sa kalyo ko sa talampakan pero parang ayokong ipamukha sa babaeng kaharap na may hinala ako kung sino ang babaeng tinutukoy ni Tito Igop. Bigla akong nagsisi kung bakit sinuntok ko itong si Leah. Kung di dahil sa kanya ay di ako hinalikan ni Tito na naging mitsa ng namagitan sa amin hanggang sa kasalukuyan at ngayon dahil din sa kanya kaya may ideya na ako kung ano ang lugar ko sa buhay ni Tito kaya dapat ay magpapasalamat pa ako sa kanya. Kumpirmadong ako ang babaeng iyon! Ako ang teenager sa kwento ni Leah na kinabaliwan ni Tito Igop mula pa noon. Parang sasabog ang puso ko at ramdam ko ang parang mga dagang nagtatakbuhan sa'king dibdib. Ayoko namang magbunyi habang may ibang nalugmok sa harapan ko. Huminga muna ako nang malalim bago bumwelo at pinatamaan ng isang suntok sa mukha si Tito Igop na di nakailag dahil sa pabigla-bigla kong ginawa. Sunud-sunod na mura ang namutawi sa bibig ni Tito Igop habang sapu-sapo ang mukhang tinamaan ng suntok ko. Napangiwi naman akong napahawak sa nasaktang kamay. Ang tigas pala ng gwapong mukha ni Tito, na-dislocate yata mga buto ko sa kamay. "Tama na bang ganti para sa'yo iyon? Kung gusto mo ay pwede kong tanggalan ng isang ngipin iyan para mabawasan iyong pagkakagusto mo sa kanya," baling ko na napatangang si Leah. Bumabawi lang ako sa mga nagawa nito para sa akin. Kumurap-kurap ito bago tumuon ang atensiyon kay Tito nakabalatay sa mukha ang nararamdamang sakit dahil sa pagkakasuntok ko. "You're crazy," naiiling na bulalas ni Leah. "God! I know something was wrong with you when you punched me once but I never thought that you're this crazy." Nasindak yata sa'kin si Leah kaya bigla ay nagmamadali itong umalis. Wala man lang thank you dahil iginanti ko siya rito kay Tito Igop! Ni hindi nga nagpaalam bigla na lang lumayas! Walang utang na loob!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD