Tahimik lamang kaming naglalakbay ni Alessia. Diretso lamang ang aming lakad habang napapa-isip kung may makikita ba kaming bayan o tao sa isang napakalawak na lugar na ito. Medyo madilim na rin ang paligid dahil papalubog na ang araw. Hindi ko alam kung ano man ang madadatnan namin, pero sa ngayon ay nararapat lamang na makahanap kami ng pwedeng panatilihan.
Inilibot ko ang aking paningin at nawalan ng pag-asa. Kung kanina ay sobrang daming mga puno sa paligid, ngayon naman ay sobrang lawak ng kapatagan. Hindi ko alam kung saan kami pwedeng magtago o magpahinga, masiyadong delikado ang ganitong klaseng lugar. Nilingon ko ang aking kaibigan na si Alessia na halatang-halata ang kapaguran sa mukha. Kung sabagay ay halos apat na oras na rin kaming naglalakad pero wala pa rin kaming nakikitang puno o ligtas na lugar. Malakas din ang pakiramdam ko na ang lugar na ito ay isa sa mga delikadong lugar na pwedeng lipasan ng gabi.
Nasaan na kaya ang iba pa namin na kaklase? Hindi ako sigurado kung saan na ang mga iyon at sa tingin ko ay iba-iba kami ng napupuntahan. Mabuti na lang at magkasama kami ni Alessia, siguro ay dahil na rin magka-hawak kamay kami bago na punta rito.
Inilibot ko ang aking paningin. Sobrang ganda ng lugar na ito, walang kahit na isang gusali akong nakikita. Para bang ibinalik kami sa panahon na kung saan wala pang mga taong sinisira ang ganda ng kalikasan. Wala rin akong nakikitang pakalat-kalat na mga basura. Preskong-presko ang hangin, halatang walang polusyon. Ngunit, kahit ganoon, hindi ako komportable sa lugar na ito. Masiyadong masama ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay hindi ito maganda para sa amin. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na hindi mapatanong.
Bakit kaya kami dinala rito? Bakit kaya kami na punta rito. Ano ba ang rason kung bakit bigla na lang kaming dinala sa mundong ito? Huwag mong sabihin na kagaya ito sa mga napapanood ko na series, which is I need to finish some mission o defeat the enemy para lang makabalik sa mundo ko? Ang cliche naman no'n.
Nakakainis lang dahil kahit kaunting kaalaman ay walang-wala talaga ako. Walang-wala talaga kami, gusto ko man kausapin si Alessia pero ayaw ko naman siyang mapagod lalo. Ang paglalakad pa lang ay kailangan na nang maraming energy, tapos dadagdagan ko pa ng panibagong problema? Kakausapin ko na lang siya kapag nakapagpahinga na kami. Ayon lang ay hindi ko alam kung saan o kailan pa.
Tahimik lamang akong naglalakad nang biglang may naramdaman akong dumaan sa kamay ko. Nang tignan ko ito ay bigla ko na naman naalala ang nangyari kanina. Paano ko kaya na kuha 'yong sandatang iyon? Iniisip ko lang naman na magkaroon ako nang bagay na pweedng gamitin for protection, tapos lumabas na lang siya bigla. Para bang isa itong mahika na hindi ko mapaliwanag dahil sa sobrang angas. Gusto ko sanang maniwala na ganoon iyon pero, damn, masiyado na kaming matanda para maniwala pa ako sa mga bagay na iyan.
Kailangan ko na talaga ng taong pwedeng maka-usap. Kapag nagtagal pa 'to ay mababaliw na yata ako.
Lumipas ang dalawang oras pa at parang may nakikita akong isang puno na may pasukan. Hindi ko alam kung magandang ideya na pumasok doon pero wala naman sigurong masama kung magpapahinga kami sa tabi nito. Tinignan ko ang aking kaibigan na si Alessia na pikit-mulat ang mga mata. Mukhang pagod na pagod na nga ito ah? Hindi lang iyon, gutom na gutom na rin siya. Kahit ako ay nakakaramdam na rin ng pagka-gutom. Kaso, ano ang magagawa ko? Wala akong alam kung paano tumakbo ang lugar na ito. Hindi naman pwedeng basta-basta na lang ako mamitas ng mga pagkain sa tabi-tabi.
"Alessia,"tawag ko sa kaniya na naging dahilan nang kaniyang paglingon at pag-ngiti.
"Bakit?" Tanong nito sa akin at nagmamadaling lumapit sa tabi ko.
"Magpahinga na muna tayo sa punong 'yan. Hindi naman nating kailangan pumasok, sa tabi lang tayo,"aya ko rito at itinuro ang malaking puno sa aking harapan, "Hindi kasi talaga ako sigurado sa maliit na pasukan na iyan. Baka pagpasok natin ay may halimaw pala na naghihintay sa atin. Pnaniguradong iyon na ang katapusan ng ating walang kwentang buhay."
Malakas na batok ang ibinigay ni Alessia sa akin noong sinabi ko iyon. Doon ko lang nakita ang masamang titig niya kung kaya ay mabilis kong ibinawi ang aking sinabi, "Siyempre, biro lang iyon,"saad ko at ngumiti.
"Ayusin mo lang,"ani nito at tinignan ang puno sa aming harapan, "Habang nakikipag-away ka kasi kanina, hindi ako sigurado kung kapag namatay ka ba rito ay mabubuhay pa tayo o ito na talaga ang huli."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
May ibang pinapahiwatig ang sinasabi ni Alessia. Wala man akong alam kung ano 'yong nakita niya habang nakikipaglaban ako pero sa aming dalawa, si Alessia 'yong magaling mag-observe ng bagay. Lahat ng mga sinasabi niya ay nagkakatotoo. Matalino eh, calculated lahat.
"Kanina, noong nakikipag-away ka. Akala ko ay nasa isang movie scene lang tayo, ngunit, noong nahawakan ko ang dugo ng halimaw. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula rito. Gusto kong sabihin sa iyo ang tungkol sa bagay na iyon kanina pa, pero siyempre kailangan ko e-reserve 'yong energy ko,"paliwanag nito, "Sa tingin ko ay hindi lamang ito simpleng bagay. Kapag tayo ay namatay sa lugar na ito, ito na talaga ang huli. Dito na talaga tayo ililibing. Kung kaya, please naman, mag-ingat ka at 'wag padalos-dalos. Alam kong gusto mo lang ako protektahan pero kailangan mo rin protektahan ang sarili mo."
"Opo, nanay,"biro ko rito at ngumisi. Hinampas lamang ako ni Alessia at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa gilid ng puno.
Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking labi habang nakatingin sa kaniyang likod. Sobrang swerte ko talaga na naging kaibigan ko ang isang 'to. Mabait, maalaga, maalalahanin, at marami pang iba. Para na nga siyang nanay ko na hindi. Mabuti na lang at magkasama kaming dalawa ngayon, sa lahat ng mga kaklase ko sa paaralan. Siya lang bukod tanging naging kaibigan ko pagkatapos ng insidenteng iyon.
Biglang lumabas sa aking isipan ang nangyari na naman noong mga panahon na nasa hospital ako.
Pilit kong itinulak ito papalayo upang hindi ko na naman ito muling maalala. Gusto ko na kalimutan ang nakaraan. Gusto ko na makalimutan ang lahat.
"Ano pa ang hinihintay mo riyan? Pasko?" Sigaw nito at kumaway sa akin, "Hali ka na at matutulog na tayo."
"Papunta na!" Sigaw ko rito pabalik.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa pwesto nito at nakita ang ilang mga dahong nasa gilid.
"Dito na muna tayo. Wala akong ibang makitang lugar na safe and comfortable,"sabi ni Alessia at humiga na rito, "Maaga pa tayo maglalakbay bukas. Kailangan natin mahanap ang bayan agad, gusto ko na kumain ng pagkain."
"May pera ka ba?" Tanong ko rito.
Unti-unting lumaki ang mga mata ni Alessia nang mapagtanto niyang wala. Alam ko at ramdam ko 'yan, kanina ko pa rin din iniisip kung saan kami kukuha ng pera na pambayad sa mga pagkain namin. Hindi rin naman pwedeng manatili na lang kaming dalawa sa daan at doon matulog. Ano ba ang dapat naming gawin ngayon para magkaroon ng pera na pwede naming ibayad?
"Bakit ko nakalimutan ang bagay na iyan?" Frustrated na tanong nito at hinila ang kaniyang buhok, "Akala ko pa naman ay magkakakain na ako kapag nasa bayan na tayo!"
"Pwede naman siguro natin ibenta 'yong drop items, hindi ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Pwede naman pero huwag 'yong isang espada at scroll, hindi natin alam kung anong klaseng gamit iyon. Baka importante,"tugon ni Alessia habang nakahiga. Tumabi na rin ako sa kaniya habang nakatingin sa mga dahon ng puno. Sobrang ibang-iba itong lugar na ito ngayon sa kwarto ko. Masiyadong masarap higaan ang aking kama kumpara sa mga dahon na nandito.
"Ano na lang ang ibebenta natin?" Tanong ko sa kaniya.
"Iyong pulang crystal na lang,"suheestiyon niya, "Kung mahalaga ang crystal na iyon, maaring malaking pera ang makuha natin. Sapat na hanggang makahanap tayo ng pwedeng pagkakikitaan. Kung mahala rin iyon, hindi naman nating alam kung paano siya gagamitin. At least, mapapakinabangan ng iba."
"Sabagay. Ang espada at scroll ay sobrang importante rin naman kasi. Pwede natin gamitin ang espada sa pakikipaglaban, samantalang ang scroll naman ay pwedeng naglalaman ito ng mga importanteng impormasyon. Hindi ba?"
"Tama ka,"unti-unting humihina ang boses ni Alessia nang sumagot ito sa sinabi ko, at nang lingunin ko siya ay naka-pikit na ang kaniyang mga mata.
Mukhang pagod na pagod nga nang sobra-sobra itong kaibigan ko. Napangiti na lamang ako atsaka umupo. Sumandal sa puno habang nakatingin sa malayo.
Kinakabahan pa rin ako sa mga nangyayari. Masiyadong biglaan ang lahat, hindi ako sanay na ganito na ang bagong buhay namin. Nais ko sanang bumalik sa mundo namin, ngunit, mukhang malabo iyon hanggang sa hindi ko malalaman kung anong klaseng lugar ito at sino man ang gumawa ng portal na iyon.
Malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hindi na lang muna ako matutulog. Babantayan ko na lang si Alessia.
Gising na gising pa rin ang diwa ko nang halos isang oras, ngunit, agad din nakatulog.
Isang nakakasilaw na liwanag ang naging dahilan nang paggising ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata habang nakakunot ang aking noo. Anong oras na ba? Binuksan na naman ba ni Mommy ang bintana ko? Sabi ko naman sa kaniya na ako na lang ang bahala eh! Natulog naman kasi ako nang maaga kahapon. Kainis naman!
Teka, may pasok pa nga pala ako! Malalagot na naman ako sa first subject namin na ito. Terror pa naman 'yon.
Mabilis akong napabangon habang kinukusot ang aking mga mata. Labis naman ang aking ipinagtataka nang maramdaman ko ang isang malakas na pag-ihip ng hangin at huni ng mga ibon.
"Magandang umaga, Va."
Doon ko lang nakita nang maayos ang kaibigan ko na naka-ngiti sa aking harapan. Alessia?
Inilibot ko ang aking paningin at nakita ang kapaligiran na punong-puno ng mga bulaklak at ilang naka-hilerang mga puno. Teka, hindi ba panaginip ang nangyari kagabi?
"M-magandang umaga rin sa iyo, Alessia,"bati ko rito pabalik at ngumiti.
Totoo nga iyong pakikipaglaban ko sa halimaw na iyon. Tae naman! Akala ko ay nasa panaginip lang ako. Iyon pala ay totoo na.
"Inakala mo rin na panaginip ano?" Tanong nito sa akin at ngumiti. Inilapag naman nito sa aking harapan ang isang malaking dahon at ilang mga prutas na nakuha niya sa kung saan.
"Saan mo na pitas 'yan?" Gulat na tanong ko sa kaniya habang nakaturo sa mga pagkain na nasa harapan ko, "Hindi natin alam kung nakakakain ba ang mga 'yan o hindi. Baka mamaya ay bigla na lang tayong malason na maging dahilan nang pagka-deads natin."
"Huwag ka na mag-alala, I already took measures of it,"tugon nito at ngumiti sa akin, "Nag-run na rin ako ng test to know if it is really edible or not. Well, I ate some of these and I can guarantee you na buhay pa naman ako. Hindi ko ito kaluluwa."
Hindi ako sigurado kung nagsasabi ba nang totoo itong taong 'to. Unti-unti kong itinaas ang aking kamay at tinapik ang kaniyang pisngi na naging dahilan nang pagkawala ng kaniyang ngiti.
"Aba't---"
"Oo nga, ikaw nga 'yan. Kakainin ko na,"sambit ko at kumuha ng isang berry na medyo maitim ang kulay. Para siyang apple pero maliliit na size.
"Noong una ay ayaw ko rin sana itong pitasin ngunit, noong nilapitan ko ito. Naalala ko bigla 'yong nakita ko sa isang libro. Sa tuwing hahanap ka ng pagkain sa wild, make sure na you take consider sa colors nito at sa leaves. Hindi lang doon, pati na rin ang number of seeds, shape ng seeds at iba pa,"paliwanag niya habang kumakain, "Hindi ko inaasahan na magagamit ko ang bagay na iyon. Mabuti na lang at---"
"Manahimik ka na lang at kumain dahil mahaba-haba pa yata ang lalakarin natin. Ayaw mo naman sigurong abutin nang panibagong gabi sa ganitong klaseng lugar, ano?" Pilit na ngiti kong tanong habang nilalagyan ng pagkain ang bibig niya.
Nandito na nga kami sa ibang mundo tapos magle-lecture pa. Tumango lamang ang kaibigan ko habang nakatingin ng masama sa akin. Natawa ako nang bahagya sa hitsura niya.
Lumalaki ang pisngi nito tapos naka-kunot pa ang kaniyang noo. Ang cute talaga nito.
Nagpatuloy na kami sa pagkain hanggang sa lumipas na ang isang oras. Sabay-sabay kaming nagpasalamat sa puno at nagsimula nang maglakad.
"Matagal pa kaya ang lalakarin natin?" Tanong ni Alessia, "Sana naman ay malapit na lang ang bayan. Gusto ko na magpahinga sa isang malambot na kama."
"Hindi ko rin alam,"tugon ko rito, "Siguro ay malapit na nga. Siguro ay hindi. Hindi pa naman natin gamay ang lugar na ito. Ipagdasal lang natin na mababait ang mga tao rito at naiintindihan natin ang kanilang mga salita. Baka mabaliw tayo bigla eh.
"Well, I can speak 5 languages,"proud na sabi nito.
"Ang tanong, iyong 5 languages ba na pinag-aralan mo ay kasali na roon ang lenggwahe nila? Remind you, nasa ibang mundo tayo,"tugon ko at ngumisi sa kaniya.
"Oo na! Tatahimik na nga!"
Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang tahimik na inoobserbahan ang paligid. Alam kong nagte-take note na itong kasama ko sa mga dinaanan namin. Mabilis pa naman nitong na me-memorize ang mga lugar. Isa pa, kung ang language nga nila rito ay hindi namin maiintindihan. Mabilis lang namin kami natuto ni Alessia, basta may libro lang at kaunting impormasyon. Ayos na.
Tahimik lamang namin tinatahak ang daan, nang makita ko ang isang usok na nagmumula sa hindi kalayuan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapalingon sa kaibigan ko na nakatingin din pala sa akin. Gulat na gulat ang kaniyang mga mata at sobrang lawak na nang kaniyang ngiti. Isa lang ang nasa isipan namin, may bahay!
Mabilis kaming tumakbo patungo sa tuktok at nakita ang isang hindi gaanong kalakihan na bayan. Ngunit, sapat na iyon para makahinga na kami ng maluwag.
"Finally!" Sigaw ni Alessia at napa-upo sa sahig, "Akala ko ay sa labas na naman tayo matutulog."
"Kung ayaw mong sa labas matulog. Tumayo ka na riyan at puntahan na natin ang bayan na iyon. Gusto ko na rin magpahinga. Sana lang ay hindi mga masasamang tao ang nakatira riyan,"bulong ko at nagsimula nang maglakad.
Rinig na rinig ko naman ang mga yapak ni Alessia na papunta sa akin. Bigla nitong yinakap ang aking braso at ngumiti.
"Kapag masama silang lahat, tumakbo na lang tayo. Okay?"
Isang malakas na batok ang ibinigay ko rito. Kung ano-ano na lang ang sinasabi ng isang 'to.
"Valerie!" Sigaw nito.
Tumawa lamang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami sa pasukan ng bayan. Walang nagbabantay dito na labis kong ipinagtataka. Hindi ba at may mga guards sa bawat bayan? Ganoon sa laro eh, tapos pinagbabayad ng toll fee. Bakit dito ay walang-wala talaga? Anong trip ng management nila rito?
"Archários póli"
Anong lenggawe 'yan? Hindi ko maintindihan.
"Arkerios powli?" Patanong na basa ni Alessia, "Naku po! Hindi ko alam kung paano basahin, paano pa kaya 'yong ibig niyang sabihin!"
"Akala ko ba ay proud ka sa limang lenggwahe na alam mo?" Pang-aasar ko rito.