Alessia’s Point Of View
Siraulo talaga 'tong babaeng 'to. Sinugod ba naman 'yong lobo na mukhang cyclops, hindi pa nga namin alam kung nasaan kami at kung ano ang mga panganib sa lugar na 'to ay bigla-bigla na lang su-sugod sa ka-laban.
Feeling talaga nito na nasa isang laro siya e', na pwedeng mag respawn pag namatay na, ngunit kahit ganoon ay laking pasa-salamat ko pa rin sa kaniyang kung kaya ay ligtas ako. Kung hindi siguro dahil sa kaniya ay maaring wala na ako ngayon. Wala ako ibang nararamadaman kanina kung hindi ay labis na takot sa nakita ko ngunit itong kaibigan ko ay walang ibang ginawa kung hindi ay ilagay ang buhay nito sa panganib upang maligtas lang ako nito.
Hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano nagkaroon ito ng espada sa kaniyang kamay kanina. Wala naman kaming dala-dala na espada sa paaralan namin at noong makarating kami rito ay wala naman kaming dala na kahit ano. Kung kaya ay labis pa rin ang pagtataka ko.
Tinignan ko naman itong kaibigan ko na si Val na mahimbing na naka-pikit ang mga mata, may mga dumi pa ang mukha, marahil ay dahil ito sa kaniyang pakikipaglaban sa lobong 'yon.
Kahit napaka-careless ng babaeng ito, hindi ko naman maiitanggi na sobrang tapang niya na upang harapin ang isang kalaban na mas Malaki pa sa aming dalawa. Kung ako lang siguro mag-isa ay maaring naging hapunan na ako ng halimaw na iyon at hindi na ako na-abutan ng sikat ng araw.
Nahagip naman ng mga mata ko ang liwanag na nagmu-mula sa lobo. Napalingon naman ko rito at biglang may lumabas mula rito at nanatiling naka-lutang. Tinignan ko ito ng Mabuti at nakita ang isang espada at scroll.
Ano 'yon? Bakit may pa ganiyan pa? Posible ba magkaroon na lumulutang na bagay? Teka nga, minu-multo ba kami ng lobo?
“Uh,”
Itinuon ko ang pansin ko sa kaibigan ko ng bigla itong umupo habang naka-hawak sa kaniyang ulo.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalala na tanong ko sa kaniya.
Ngunit bigla akong nagulat na bigla akong hinawakan nito sa mag-kabilang balikat at tinignan ako pagkatapos ay tinignan ang nasa likod niya atsaka napa-hinga ng malalim.
Ano ba ang nangyayari sa babaeng ito?
"Oo, Okay lang ako,"sagot niya sa akin.
Unti-unti naman siyang tumayo habang nakatuon lamang ang tingin niya sa lobo na naka-higa sa sahig at wala ng buhay. Lumapit siya sa rito at nagtatakang tinignan ang lumu-lutang na mga bagay sa ibabaw ng nito.
"Ano 'to?"tanong ni Valerie at tinignan ako habang naka-turo dito. Tumayo na rin ako at lumapit sa kaniya sabay iling.
"Hindi ko rin alam, pagkatapos mong himatayin at patayin 'yan ay lumipas ang ilang minuto at bigla na lang ‘yan umilaw atsaka lumabas ang dalawang bagay na ‘yan at nanatiling naka-lutang,"tugon ko rito.
Mariin na nakatingin lang ako sa lobo at ibinaling ang tingin sa kaibigan ko na si Val na ino-obserbahan ang mga ito, bahagya naman akong nagtaka ng bigla itong may pinindot sa hangin at ilang sandal pa ay nawala na ang mga ito sa ibabaw ng lobo at napunta sa kamay ni Valerie.
"Weird,”saad nito, “This seems like a drop items.”
Naguguluhan na ino-obserbahan pa rin nito ang mga bagay na lumulutang sa kaniyang kamay, "But we are not in a game, so how come?" Dugtong niya.
Hindi ko rin alam kung paano nagkaroon ng ganito. Ilang oras lang ang nakaka-lipas ay naroon pa kami sa loob ng classroom naming at nakikinig sa discussion ng biglang may lumabas na hugis bilog sa ibabaw naming.
"Maybe, this has something to do with that portal?" Tanong ko rito at napatingin sa aking paligid.
Sa totoo lang ay napaka-ganda ng lugar na ito. Masiyadong tahimik at napaka-peaceful talaga ngunit hindi ko rin maipagkakaila na may mga weirding hayop na nakatira sa lugar na ito,kagaya na lang nitong Lobo.
"I guess so,”sabi ni Valerie, “If that's the case then, that means, we need to kill these kind of monsters to obtain some equipments,"paliwanag nito atsaka siya tumalikod.
Lumaki naman ang mga mata ko habang naka-turo sa lobo na bigla na lang naging silver dust at naiwan ang pulang crystal na nasa noo nito kanina.
"Nawala 'yong lobo!” Sigaw ko na naging dahilan ng paglingon ni Valerie sa akin, unti-unti akong lumapit sa nahulog na crystal at pinulot ito.
"Sa tingin mo, magagamit kaya natin 'to?" Tanong ko sa kanya.
“Possible,”tungon niya.
Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang kaniyang kamay at inilagay ang crystal.
"You keep it,”sabi ko at ngumiti, “I don't know what's the use of it, so yeah, it should be yours.”
Tinanggap niya naman ito at ngumiti sa akin, “Thank you.”
Nag-simula na kaming maglakad dito sa gubat, hindi namin alam ang possibleng makasalamuha naming kung kaya ay dapat kami mag-ingat.
"Sa tingin mo ba Val, nasaan tayo ngayon?" Tanong ko habang naka-tingin pa rin sa paligid.
"Hindi ko alam,”ani ni Val, “I have never been this place at never pa ako naka-kita ng ganoong klaseng hayop. Kung kaya ay sa ngayon unahin muna natin ang maka-labas dito. We can ask questions to the people who live in a town or kapag may nakita tayong tao dito."
"Of course, We need to be cautious. I really can't tell how dangerous this forest is, but if we based it in a game. Forest is really a very dangerous place,"dugtong niya. "Let's go. Baka magabihan tayo dito.”
Tuluyan na nitong hinila ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Nagbabaka-sakali na wala kaming makita o makalaban na naman na isang malaking lobo kagaya kanina.
Maingat lang kami na naglalakad palabas ng gubat at sa tuwing may naririnig kami na kaunting kaluskos ay hindi na kami nagda-dalawang isip na tumago asa mga puno at tignan ito. Minsan ay mayroon kaming nakikitang maliliit na hayop ngunit iba ang mukha, mayroon din naman na malalaki at iba pa, ngunit ganoon pa rin ang ginagawa namin. Nagtatago sa isang puno at hihintayin na umalis ito tsaka na kami magpa-patuloy sa pagla-lakad kapag wala na sila.
"For now, I won't fight them. We need to gather information kung nasaan tayo, ano-ano ang dapat gawin at iba pa. I am really curious," sabi ni Valeria habang nagtatago kami dito sa isang malaking kahoy habang ino-obserbahan ang isang slime na tumatalon.
Tinignan ko naman si Val habang sinasabi niya 'yon at bakas sa mukha niya ang excitement.
"Yeah. I want to know everything about this place too. I am really scared right now"sabi ko tsaka hinigpitan ang pag-kapit kay Val. Tumingin naman siya sakin at ngumiti.
"I won't let something bad happen to you. We will find every single information that we need about this place. Okay?" She assured me.
Ngumiti naman ako pabalik kahit hindi pa rin mawala sa loob ko ang pagka-bahala.
"Let's go,"aya niya at tuluyan na kaming tumakbo palabas ng gubat ng makita namin ang liwanag mula rito.