"Shut up!" Asar niyang tugon. Tumawa lamang ako nang malakas atsaka siya hinila papalapit sa akin. Muntikan na kasi itong masagasaan ng isang karwahe na nagmamadaling pumasok sa loob ng bayan. Mukhang magulo ang lugar na ito ah? Ramdam na ramdam ko ang kanilang pag-uugali. Sana nga lang ay may maka-usap kami ni Alessia na matino. Kung wala ay talagang magwawala ako. Inilibot ko ang aking paningin at doon ko lang na pansin ang mga taong bigla na lang nasusulputan. Hindi talaga familiar ang kanilang mga mukha ngunit ang kanilang mga kasuotan ay kakaiba.
May ibang mukhang magsasaka at may dala-dalang malalaking basket sa kanilang likuran. Punong-puno ito ng mga sa tingin ko ay gulay na ngayon ko lang nakita. May nakita rin akong isang lalaki na walang damit pang-itaas at bahag lamang ang kaniyang pang-ibaba. Mabilis kong iniwas ang aking tingin habang naka-ngiwi. Karamihan din sa mga babae na naririto ay naka-suot ng army jeans at sobrang hapit sa kanilang mga katawan ang kanilang long sleeve na damit na pinatungan ng corset.
Gusto ko rin tuloy magsuot ng ganiyan. May iba rin sa kanila na naka-suot ng victorian dress, sobrang ganda nila tignan at napaka-elegante. Anong era ba kami napadpad at ang gaganda nang kanilang mga kasuotan?
Nahagip naman ng mga mata ko ang aking kaibigan na si Alessia na nakatingin sa isang babae na naka-suot ng dress. Kulay pula ang pang-ibaba nito at puti naman sa pang-itaas. Alam kong mahal na mahal niya ang ganiyang klaseng disenyo pero hindi ko naman inaasahan na talagang mabibighani siya nang sobra.
Hinawakan ko ang balikat ni Alessia na naging dahilan ng kaniyang paglingon. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at tumango. Alam kong alam na niya ang gusto kong ipahiwatig, iyon ay ang pumasok na kami sa loob at maghanap ng impormasyon na pwedeng puntahan.
Hawak kamay kaming pumasok sa loob ng bayan. Napapansin ko na nakakatitig ang mga ito sa amin at labis ang pagtataka sa suot namin na damit. Kung sabagay ay nakasuot nga pala kami ng school uniform, isang grey pleated skirt na hanggang ibabaw sa hita at isang polo shirt na naka-insert. Sobrang layo ng aming damit sa mga suot nila ngayon. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong maging masaya sa hitsura namin o hindi.
Mabilis kong hinila si Alessia roon, palayo sa mga matang mapanghusga sa aming kasuotan. Labis naman ang pagtataka ni Alessia nang tumigil kami sa isang tabi.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nito, "Ano na naman ang trip mo at bigla mo na lang akong hinila?"
Tinignan ko ang bawat gilid namin bago ko ibinulong ang sasabihin ko sa kaniya.
"Hindi mo ba napapansin ang tingin nila?" Tanong ko rito, "Kakaiba ang kasuotan natin. Nakakapanibago sa kanilang paningin. Dapat lang na magpalit tayo ng damit dahil hindi tayo titigilan ng kanilang mga mata."
Biglang hinawakan ni Alessia ang aking balikat at pwersa akong inilayo. Bumuntong hininga muna ito bago ngumiti sa akin, "Alam mo ba na wala akong pakealam? Hayaan mo silang husgahan ang kasuotan natin. Hindi natin kasalanan kung masiyadong outdated but sobrang ganda ang kanilang mga damit dito."
Pinupuri ba niya ang mga damit nila o nilalait? Hindi ko alam kung alin sa dalawa ang magpapahiwatig sa kaniyang sinabi. Ngunit, kung sabagay ay tama nga naman si Alessia. Kung papansinin ko ang mga ito ay mas lalo lamang nila kami babantayan. Siguro nga ay hahayaan ko na lang muna sila hanggang sa makahanap kami ng pwedeng lugar na kung saan pwede kami manatili. Bago 'yon, dapat muna namin hanapin ang impormasyon na kailangan namin. Hindi ko man alam kung sino at kanino kami magtatanong pero kailangan.
"Tara na nga,"aya ko rito at tumalikod na.
Patuloy lamang ako sa paglalakad habang hindi pinapansin ang mga bulungan nang tao. Sobrang daming tao sa bayan na ito. Hindi ko alam kung mababait sila o hindi pero isa lang ang masasabi ko, mapanghusga ang iba. Kung sabagay, kahit nga naman saan ka pupunta ay huhusgahan at huhusgahan ka ng mga tao. Kaya hayaan na.
Maraming mga stalls sa tabi na nagtitinda ng mga pagkain. May mga restaurants din at sa tingin ko ay mga bars na maliliit. May mga street foods din na ngayon ko lang nakikita na gustong-gusto ko sanang tikman, kaso nga ay wala akong pera.
Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang stall na walang masiyadong bumibili. Isang babaeng may katandaan na ang tindera rito, may katabaan din ang kaniyang katawan, at may eye patch ito sa kaliwang mata.
"Hello po,"bati ko rito at ngumiti. Bahagya naman akong nagulat nang bigla kong maramdaman ang isang mainit na pakiramdam sa buo kong katawan.
"Anong kailangan niyo?" Maangas na tanong nito.
Unti-unting lumaki ang aking mga mata at nilingon ang aking kaibigan na si Alessia. Labis din ang gulat niya sa nalaman namin.
Paano namin naiintindihan ang sinabi ng babae? Tinignan ko ang mga nakasulat sa kaniyang paninda at bigla ko na lang na basa ang mga nandoon. Anong nangyayari?
"Anong kailangan niyo? Kung hindi kayo magsasalita ay umalis kayo rito!" Saway ng babae at masamang tumingin sa akin. Napalunok naman ako sa takot dahil sa sigaw nito. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at yumuko saglit.
"Maari po bang magtanong?" Tanong ko.
"Nagtatanong ka na, ano pa ang silbi niyan?" Pilosopo nitong sabi. Kung wala lang akong kailangan sa iyo eh, pero siyempre biro lang. Baka masampal ako ni mommy kapag nalaman niya na may hindi ako nirerespito.
"Ano po kasi. Baguhan lamang kami sa lugar na ito. Hindi po namin alam kung saan kami pupunta o anong klaseng bayan ito. Nais po sana namin malaman ang tungkol sa bagay na iyon, ngunit bago ang lahat. Maari rin po ba namin malaman kung saan pwede ibenta ang mga bagay na nakukuha namin sa mga halimaw na pinapatay namin?" Sunod-sunod na tanong ko.
Hindi ako sigurado kung sasagutin ba niya ako o hindi. Ngunit, sana naman ay huwag siya maging madamot at bigyan niya kami ng kakaunting impormasyon.
"Malamang, mga baguhan pa lang kayo. Hindi naman kayo mapupunta rito kung hindi, hindi ba?" Tanong niya at kumuha ng upuan at umupo sa harap ng kaniyang tindahan.
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Tanong ko sa kaniya.
Nagpakawala ng hangin ng babae at tinignan kami na para bang hindi siya makapaniwala sa tanong ko. May mali ba sa sinabi ko? Siya na nga ang nagsabi na malamang ay baguhan kami, siyempre baguhan, wala talagang alam. Ano inaasahan niya? Meron? Hindi naman ako magtatanong kung mayroon, hindi ba?
"Hindi ko alam kung paano kayo naging isang adventurer tapos wala kayong alam sa mga basics,"tugon nito, "Ngunit anong magagawa ko? Ipapaliwanag ko na lang sa iyo mula sa simula. Ngunit, dapat ay makinig kayo nang mabuti dahil hindi ko na sasabihin ito ulit, maliwanag?"
"Maliwanag po,"sabay-sabay na tugon namin ni Alessia.
"Ito ang bayan na kung saan lahat ng mga bagong adventurers ay nananatili. Dito rin nila ginagawa ang kanilang pagre-rehistro bilang isang ganap na katulad niyo. Kung itatanong niyo naman kung paano, simple lang naman iyon. Nakikita niyo ba ang gusaling iyan? Diyan kayo pupunta at magtanong,"paliwang niya sabay turo sa isang gusali na sa tingin ko ay kasing laki ng building ng paaralan namin, "Pagkatapos niyong ma-rehistro, maari na kayong tumanggap ng mga misyon. Hayaan niyo na ang guild ang magpaliwanag tungkol sa bagay na iyan. Sila ang nararapat na mga tao na magbigay ng impormasyon tungkol sa ganiyang bagay. Ikwe-kwento ko na lang ang mga bagay na dapat niyong malaman sa bayan na ito."
Seryoso lamang akong nakikinig sa babae. Gusto ko na lahat ng impormasyon na sinasabi niya ay nasa isip ko at hindi ko makakalimutan.
Guild, huh? So, isa nga itong laro. Gusto ko pa malaman ang buong detalye kung kaya ay pupuntahan ko agad bukas ang gusaling iyon. Gusto ko rin mga-rehistro dahil easy money lang ang mga misyon, iyon nga lang ay kung magtatagumpay kami. Wala kaming experience sa mga ganitong klaseng bagay. Hindi ko nga alam kung may alam si Alessia sa pakikipaglaban.
"Wala kayong dapat ipag-alala sa bayan dahil wala namang kahit na sino ang pwede kayong saktan dito. Ang namumuno sa bayan na ito ay isa sa mga malalakas na pinuno sa pitong bayan, isa rin siya sa mga taong namamahala sa pangunahing kaharian. Kapag may lumabag sa kaniyang batas ay paniguradong, hindi lang matatanggalan ng lisensiya, kung hindi ay pati na rin ng matutuluyan. Sunod naman ay ang pera, ito ang ginagamit natin sa pagbili ng mga pagkain. Papel at barya,"paliwanag nito. Nang mapatingin ako sa hawak-hawak nitong papel ay hindi ko mapigilan ang hindi magtaka. Para lamang itong isang scratch paper at may kung ano-anong naka-sulat. Walang picture ng kanilang president, pero may picture ng kaharian. Ang angas nga eh kasi gumagalaw ang bandila nito.
"Sa bayan na ito, kapag may pera ka. Buhay ka na, ngunit sa oras na tumaas ang iyong ranggo. Maari ka ng umalis dito at pumunta sa susunod na bayan. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kung ano ang mga bayan na ito dahil kayo dapat ang makakaalam doon. Ayon lang,"ani nito at tumayo na, "Oo nga pala, kita niyo ba 'yang gusaling iyan?"
Itinuro ng ale ang isang gusali na katabi lamang ng guild, "Bakit po?"
"Diyan kayo pumunta at ibigay sa kanila ang mga item na inyong nakuha,"sambit nito at tumalikod na sa amin.
"Salamat po,"pagpapasalamat namin. Tumango lamang ang ale habang nakatalikod sa amin. Nagsimula na kaming maglakad ni Alessia patungo sa sinabi ng Ale. Nang makarating kami roon ay medyo marami na ang tao sa loob. Hindi ko alam kung magandang ideya ba na pumasok kami o hindi, pero wala naman siguro kaming magagawa. Kailangan namin ng pera.
Maglalakad na sana ko papasok ng maramdaman ko ang kamay ni Alessia sa braso ko. Sobrang lamig nito na para bang nagpapahiwatig na kinakabahan siya. Nang lingunin ko ito ay nakatingin lamang siya sa loob.
"Bakit? Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong rito.
Mabilis na umiling si Alessia habang nakatingin pa rin doon, at nang tignan ko kung saan siya nakatingin ay doon pala sa mga lalaking nakatayo sa pinto. Sobrang laki ng kanilang mga katawan at nakatitig ito sa amin.
"Huwag ka mag-alala, hindi nila tayo sasaktan,"sabi ko sa kaniya at ngumiti, "Kung may gagawin man silang mali sa atin, alam mo na naman kung ano ang mangyayari sa kanila, hindi ba?"
Unti-unting tumango si Alessia at ngumiti. Ngunit, ramdam ko pa rin ang lamig sa kaniyang mga kamay at bahagyang pagnginig nito.
"Kung ayaw mong pumasok ay ayos lang. Hintayin mo na lang ako rito sa labas. Sa oras na matapos ako doon, babalik ako agad dito,"sambit ko at hinawakan ang kamay niya, "Ano sa tingin mo?"
Nagulat naman ako nang bigla na lang siyang kumapit sa aking braso at umiling. Matatakutin talaga si Alessia sa mga lalaki. Minsan na rin kasi siyang sinaktan ng mga katulad nila, bigla ko na naman ulit naalala ang nangyari. Mabilis kong itinulak na ito muli at bumuntong hininga.
"Kumapit ka lang sa akin. Ako na ang bahala sa iyo, hindi kita iiwan at bibitawan,"bulong ko. Tumango lamang si Alessia at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nang makarating na kami sa harap ng pinto ay nakatitig pa rin ang mga lalaking iyon sa amin. Mabilis kong iniwas ang aking paningin at itinulak ang pinto papasok.
Bumungad sa akin ang sobrang ingay na silid. Ang bilang ng tao na nakita ko sa labas ay kalahati lang pala sa mga taong nasa loob. Abala ang mga ito sa paglalaro ng baraha, pag-iinom at pagkain. Hindi na tuloy ako sigurado kung tama ba itong pinasok ko o mali. Baka niloko lamang kami ng Ale. Iyon pala ay lungga ito ng mga taong masasama.
"Maligayang pagdating sa Merchant Shop. Ano ang maipaglilingkod ko?"
Mabilis na ibinaling ko ang aking paningin sa babaeng bigla na lang nagsalita sa aking harapan. Halos malaglag ang aking panga dahil sa gulat. Sobrang nipis ng tela na sinusuot niya ngayon. Ayos lang kaya siya?
"Tumahimik kayo riyan! May bagong bisita ako rito!" Saway ng babae sa mga lalaking nagsigawan.
"Pasensiya ka na, Ritya!" Sigaw ng isa.
"Naku po,"umiiling na saad nito habang sapu-sapu ang kaniyang ulo at humarap sa akin, "Pagpasensiyahan mo na ang mga iyan. Malalaki lang ang katawan nila pero matatakutin 'yan. Sundan niyo ako, doon tayo sa opisina ko mag-usap."
Nauna nang maglakad si Ritya paakyat. Nagkatinginan muna kami ni Alessia kung susunod ba kami o hindi, wala kasi akong kasiguraduhan kung ayos lang ba ang kaibigan ko. Baka bigla na lang itong umiyak sa loob.
Sumunod na kami kay Ritya sa itaas. Ilang sandali pa ay bigla na lang nawala ang ingay mula sa baba. Ang angas.
"May inilagay akong barrier sa hagdan. Hindi natin maririnig ang ingay nila sa baba kaya huwag kang mag-alala. Sumasakit din kasi ang ulo ko sa tuwing may ginagawa akong seryosong trabaho tapos ilang lahat ay nagsisigawan,"paliwanag nito at binuksan ang nag-iisang pinto na nasa palapag na ito, "Pumasok kayo."
Ngumiti lamang ako sa kaniya at nagpasalamat.
Labis ang aking pagkamangha nang makita ko ang isang malawak na hardin na punong-puno ng halaman. Sobrang dami ring bulaklak at ilang mga ibon na lumilipad.
"Sino po pala ang mga iyon?" Tanong ko rito.
"Sino? Iyong mga taong nandoon? Sila lang naman ang mga adventurer sa bayan na ito, lagi silang tumatambay sa shop ko sa baba sa tuwing natatapos nila ang kanilang mga misyon." Paliwanag niya, "Dito sa itaas ko tinataggap ang mga binibili kong mga item na mula sa mga adventurer na tulad niyo. Tapos sa baba naman ay ang bar na ginawa namin para sa kanila."
"Kaya po pala,"tugon ko rito at ngumiti.
"Oo,"tugon nito, "Bakit nga pala kayo naparito? Anong klaseng item ang ibebenta niyo sa akin ngayon? Isa naman kayong baguhan kaya hindi ako aasa na bihirang item iyan."
Itinuro ng babae ang upuan na nasa harapan niya. Sinunod naman namin ito at agad na umupo sa malambot niyang sofa.
"Sa katunayan niyan po ay hindi kami sigurado kung bihirang item po ba ito o hindi. Sabi niyo nga po ay baguhan pa lang kami, kung kaya ay wala kaming alam." Sambit ko at ngumiti sa kaniya, "Ngunit, ipapakita ko na lang po sa inyo ang ibebenta namin. Hindi po kasi namin alam kung para saan ito at sobrang nangangailangan kami ng pera para panggastos araw-araw."
"Ano ba iyon?" Tanong nito.
Tinignan ko Si Alessia at tumango. Sabay inilibas ang pula na crystal na nakuha namin sa halimaw na iyon. Hindi ko alam kung magkano ang halaga ng bagay na ito pero sana naman ay sapat na siya para sa aming pagkain at pang-upahan. Gusto lang talaga namin magpahinga ng tama, pagkatapos ng sobrang habang biyahe na ginawa namin buong araw.
Inilapag ko sa lamesa na nasa gitna ang crystal na iyon at tinignan si Ritya. Labis naman ang aking pagtataka nang makita itong gulat na gulat habang nakaturo sa crystal na nasa harapan naming tatlo.
"Nagbibiro ba kayo?!" Sigaw nito.
Mukhang common item nga lang talaga ito ah.