Chapter 26

1051 Words
Isang matamis na ngiti lamang ang aking ibinigay sa kaniya bago ito nilapitan upang yakapin. Alam kong nagkakaroon na naman ito ng insecurities lalong-lalo na ngayon ay alam ko na kung ano ang dapat kong gawin para mapalabas ang aking kapangyarihan. "Naiintindihan ko naman iyon,"sabi ko atsaka ipinikit ang aking mga mata, "Hindi naman kasi lahat tayo ay magkapareho. Iba ang kapangyarihan mo sa akin at ganoon din ako sa iyo. Take your time to learn, hindi naman ito isang paligsahan." "Pero gusto kong tumulong sa inyo,"malungkot nitong sabi. "Alam ko iyon,"tugon ko at kumalas sa aming yakap. Tinignan ko lamang ang kaniyang mukha atsaka hinaplos ito. Hinawakan ko ang ilang hibla ng buhok nito na nakaharang sa kaniyang mukha atsaka ito iniligay sa likod ng kaniyang tenga, "Ngunit ngayon na wala ka pa namang alam kung ano ang iyong gagawin. Hayaan mo muna kaming protektahan ka." Unti-unti lamang itong tumango atsaka ngumiti sa akin. "Hali ka na at umalis. Baka mas lalong magalit pa 'yong si Ely sa atin kapag na huli na naman tayo. Wala pa naman tayong lusot dahil may orasan na tayo,"sambit nito sabay tingin sa orasan na nasa dingding. Nasa alas tres pa lang naman ng umaga kaya hindi namin dapat mag-alala. Kaso, ayaw naman namin umabot doon sa mismong oras na talaga. Tumayo na ako atsaka sinuot na ang aking sapatos. Sobrang kakaiba ang sapatos na ito dahil ang bigat niya kung titignan. Gawa pa ito sa isa sa mga items na mabibigat, kaya sobrang nakakamangha talaga na para lang akong walang suot. Maganda rin naman ang disenyo nito ngunit iyon nga lang ay walang-wala ito sa mga sapatos na bili ni mom at dad noon sa malls. Muli ko munang tinignan ang aking kasuotan bago naglakad patungo sa harap ng pintuan. Napalingon naman ako sa kay Alessia na ngayon ay naglalakad na papalapit sa akin. "Handa ka na ba?" Tanong ko. Tumango lamang ito atsaka ngumiti. "Kinakabahan ako pero kailangan ko maging handa. Hindi pwedeng hindi, baka kapag napunta tayo sa alanganin ay ako pa ang maging dahilan kung bakit kayo mawala sa akin,"paliwanag nito. Napa-iling na lamang ako atsaka binuksan ang pinto. Nang makalabas kami sa silid ay isang medyo may kadiliman na pasilyo ang bumungad sa amin. Sobrang tahimik pa nito na akala mo ay walang katao-tao. Feeling ko nga ay nasa isang horror house kami na kung saan ay ilang minuto na lang mula ngayon ay may biga na lang lalabas sa bawat silid. "Naka-lock na ba?" Tanong ko. Tumango lamang si Alessia atsaka ibinigay sa akin ang susi. Agad ko naman itong tinanggap at isinilid sa aking bulsa. Inikot ko ang aking paningin at doon ko lang na pansin na sobrang linis pala talaga ng kapaligiran. May ilang maliliit na tao kasi na parang kulay berde at mahahabang tenga na nakasuot ng gusot-gusot na damit, na naglilinis dito sa pasilyo. Yumuyuko pa nga ang mga ito sa oras na makita nila kami. Iyong iba naman ay talagang aalis sa daan at nakayukong tatabi sa gilid. Para bang mga takot na takot ang mga ito sa pwede kong gawin sa kanila. Hindi ko man alam kung bakit ganito na lang sila kung maka-asta pero parang trauma yata ito. Lumipas ang ilang sandali ay nakalabas na kami sa aming tinutuluyan. Sobrang lamig ng hangin sa labas, para bang halos buong lugar ay naka-aircon. Hindi ko tuloy maiwasan na mapayakap sa sarili ko dahil dito. Inikot ko ang aking paningin at nakita ang iilan sa mga adventurers na abala sa pakikipag-usap sa kanilang mga kasama. Siguro ay may hinihintay din ang mga ito para sa kanilang mga misyon. Kung ihahalintulad ko ang may sikat ng araw at umaga, siguro ay mas gaganahan ako maggala sa ganitong oras. Sobrang tahimik at peaceful, para bang wala kang ibang iisipin kung hindi ang sarili. Sobrang tahimik din ng lugar na para bang nasa library ako.  Huminga ako nang malalim at napangiti. Sobrang presko talaga ng hangin. "Ang ganda pala magising ng mga ganitong oras,"sabi ko, "Hindi ko inaasahan na sobrang refreshing at nakakalma nito sa mental health ko. Minsan ay napaisip ako na huwag na lang tuloy bumalik sa ating dating mundo, pero siyempre, hindi naman maari na iwan ko na lang si Mommy sa bahay." "Sabagay,"sang-ayon ni Alessia, "Ang ganda kasi talaga ng lugar na ito. Sobrang ganda ng mga tanawin at sobrang simple lamang ng kanilang paraan ng pamumuhay. Except na lang siguro sa fact na kailangan mo makipagpatayan sa mga halimaw para lang magkaroon ng pera." "Huwag mo na lang din kalimutan ang kapangyarihan na nasa katawan natin,"dugtong ko, "Sobrang angas lang dahil nagkakaroon tayo ng extraordinaryong kapangyarihan." "Oo nga naman,"ani nito, "Pero napapaisip ako, kamusta na kaya mga pamilya natin sa mundo natin? Sigurado ay labis na ang pag-aalala ng mga iyon dahil sa nangyari sa atin." "Sigurado ay ang nasa isip ng mga iyon ay na kidnap na tayo,"tugon ko, "Pero sana nga lang ay huwag na silang mag-alala ng sobra. Masama sa kanilang lahat 'yon. Alam naman nating dalawa kung gaano kadelikado 'yon." "Kaya nga eh,"tugon nito. Natahimik na lamang ako dahil dito. Hindi ko na kasi alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nagpatuloy lamang kami sa paglalakad ni Alessia. Wala kasi si Ely sa aming inuupahan ngayon dahil kailangan niya pumunta sa kaniyang ama kagabi. Hindi ko nga alam kung bakit at kung para sa anong dahilan pero hinayaan ko na lang at hindi ako nagtanong. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa labasan ng  bayan. Walang masiyadong tao sa parteng ito pero mayroon namang lumalabas na. Tumayo lamang kami ni Alessia sa isang tabi na kung saan kitang-kita ng mga taong may balak na hanapin kami. Kinuha ko ang relo na binigay ni Ely sa akin at tinignan kung anong oras na.  Limang minuto na lang at mag-aalas kuwatro na pero wala pa rin akong nakikitang Ely dito. Inilibot ko lamang ang aking paningin at patuloy pa rin itong hinahanap. Hindi nagtagal ay nakita ko na naman ito na na sobrang ayos na. Kapag sinabi kong ayos ay talagang ayos na ayos. Naka-full suit armor pa ito at may dala-dala pang espada na nakasabit sa gilid. Naka-tali ang kaniyang mahabang buhok at may dala-dala itong maliit na bag. Ano ba 'tong babaeng 'to? Tank Build?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD