Chapter 27

1008 Words
Nakatingin lamang ako sa kaniya habang naglalakad ito papalapit sa amin. Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksiyon gayong tignan mo nga naman ang hitsura ng babaeng 'to. Hindi naman ganoon kahalata na masiyado niyang pinaghandaan itong araw na ito. Napailing na lamang ako atsaka bumaba na sa pinatungan ko na isang kahon.  "Nandiyan na si Ely,"sabi ko at tinuro ito. Habang naglalakad ito ay nakatingin lang din naman ito sa amin habang kumakaway. Napapansin ko nga ang pagbati ng ilang tao sa kaniya na mas lalong nakakapag-standout nito sa crowd.  "Aba at mukhang hindi naman halata na pinaghandaan mo,"sambit ni Alessia nang makarating na si Ely sa aming harapan. Hindi ko kasi ito napansin na binili niya ang kaniyang mga kagamitan na suot-suot niya ngayon, kahapon. Hindi ko rin alam kung anong saan niya kaya ito na isipan na bilhin. "Manahimik ka diyan,"ani nito at lumingon sa paligid, "Nakalimutan ko na ngayond din pala karamihan umaalis ang mga adventurers. Mabuti na lang at naging maaga tayo." "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko at nagsimula ng maglakad papalabas. "Mga ganitong panahon kasi kadalasan umaalis ang mga ito. Sa mga panahon na ito ay talagang walang naiiwan dito sa bayan, ngunit hindi kapareho sa misyon natin ay bumabalik din naman sila agad,"paliwanag nito, "Tara na at magmadali." Nagpatuloy na kami sa paglalakad ni Alessia habang nakasunod lang kay Ely. Medyo napapalayo kami sa kaniya kasi may ilang mga taong nagtatrabaho sa guild na pumapansin dito. Nakakahiya naman kung pipilitin pa namin ang sarili namin na tumabi sa kaniya. Baka tanungin pa kami kung sino kami at kung makalapit kami rito ay parang close na close kahit hindi naman. Nagpatuloy lamang kami nang bigla ko na lang naramdaman ang paghawak ng isang kamay sa balikat ko. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Ely na pilit na nakangiti sa iba. Hindi ba siya komportable. Ibinaling ko naman ang aking paningin kay Alessia na ngayon ay nakatingin lang din kay Ely at palipat-lipat ito sa kamay nitong nakahawak sa balikat ko. Labis naman ang aking gulat nang bigla na lang itong lumipat sa tabi ni Ely at yinakap ang braso nito. Nagulat naman ang mga tao na nakikipag-usap kay Ely pero wala rin silang nagawa kung hindi ay dumistansiya. Hindi naman kasi nila kilala si Alessia, ano pa ang gagawin nila. Mabilis na naglakad ang babae patungo sa labas hanggang sa makarating kami sa lugar na kung saan ay walang masiyadong tao pero patungo sa isang gubat na hindi ako sigurado kung ligtas. Labis naman ang aking pagkamangha dahil sa angking ganda na taglay ng buong lugar. Kung wala lang siguro kami sa ibang mundo at sigurado akong ligtas ang mga ganitong klaseng lugar ay bibili ako ng lupa sa bandang dito. Sobrang ganda niya kasi talaga at sobrang presko ng hangin. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili kong mapapikit habang hinahayaan ko ang hangin na dumampi sa aking mukha at liparin nito ang aking buhok. "Tara na,"aya ng mga ito. Tumango lamang ako atsaka sumabay na sa paglalakad nila. Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang hindi mamangha sa dami ng mga fire flies sa paligid. Tila ba sila ang nagsisilbing ilaw sa madilim na daan ng gubat na ito. Habang naglalakad kami papasok ay nag-uusap-usap lamang sina ELy at Alessia, samantalang ako naman ay nanatiling nakatingin sa paligid at nagbabantay sa mga halimaw na pwedeng umatake. "May mga halimaw ba rito?" Rinig kong tanong ni Alessia. "Wala kayong dapat ipag-alala sa mga lugar na ito, wala namang mga halimaw sa gubat. Malapit kasi ito sa bayan kaya sinisigurado ng mga adventurers na ubos na ang mga halimaw na nandito. Siguro ay may mga maliliit lamang na hayop pero hindi naman ito nanakit,"paliwanag ni Ely, "Kaya kung gusto niyo man pumunta rito, ligtas naman. Wala kayong dapat ipag-alala." Mabuti naman kung ganoon, kasi kung talagang mayroon mang mangyari sa amin habang naglalakbay kami tapos nasa unang gubat pa lang kami ay parang kabado na yata ako. "Alam niyo ba na noong bata pa ako ay dito kami naglalaro nila ina at ama. Dito rin ako ineensayo ni ama na makipaglaban sa mga halimaw,"kwento niya, "Sobrang saya ng mga alaala namin noon. Hindi ko nga lang alam ang rason kung bakit kailangan nila maghiwalay." "Wala na sila?" Gulat na tanong ko. Pait na ngumiti lamang ito si Ely atsaka tumango, "Isang araw niyan ay bigla na lang ang mga ito nag-away sa bahay, pagkatapos ay umalis na itong ina ko at hindi na muling bumalik. Ang alam ko lang ay may ginawa itong masama sa guild na naging dahilan nang pilit na pag-alis ni papa sa kaniya sa bayan. Ayaw man ni ina na iwan ako pero kailangan daw, gusto ko sana tanungin si Papa pero sa oras na nababanggit ko ang tungkol sa kaniya ay kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nito." "Baka talagang malaking kasalanan ang ginawa ng iyong ina,"tugon naman ni Alessia, "Hindi naman kasi mangyayari 'yon kung mababaw lang. Base nga sa sinabi mo ay nalulungkot ang papa mo sa tuwing nababanggit ang tungkol sa kaniya, nagpapakita lamang ito na talagang totoo ang kaniyang nararamdaman para sa kaniyang kasintahan. Iyon nga lang ay kailangan niyang magpa-ubaya para sa kapakanan ng buong bayan at ng mga tauhan." "Ayan din naman ang naisip ko,"tugon ni Ely at ngumiti, "Kaya nga ay wala na lang sa akin iyon. Darating din naman siguro ang panahon na kung saan ay magkikita-kita kami nito. Hindi ko man alam kung kailan at saan pero nararamdaman ko. Sana lang ay sa mga panahon na iyon ay buhay pa siya." "Buhay pa 'yan,"tugon ko at ngumiti sa kaniya, "Alam ko rin na gusto ka rin niyang makita muli kaya gagawin nito ang lahat para lang mabuhay hanggang sa dumating ang araw na iyon." Natahimik naman itong si Ely dahil sa sinabi ko. Ramdam ko naman na miss na miss na niya ang kaniyang ina, wala naman sigurong anak na mawalay sa kaniyang mga magulang ang hindi maramdaman ang ganitong bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD