Chapter 6

2706 Words
Gulat na gulat ang kaniyang mga mata na para bang hindi makapaniwala sa kaniyang nakikita. Alam ko naman na hindi gaanong ka importante itong nakuha namin pero sana naman ay tanggapin niya. Kailangan talaga namin ni Alessia ang pera. Hindi na namin alam kung saan kami manunuluyan kung hindi namin ito mabebenta. Gusto ko lang makapagpahinga, gusto ko rin bigyan ng matinong higaan itong kaibigan ko. “S-saan niyo ito nakuha?” Nauutal na tanong nito. “Sa gubat na aming dinaanan lang po,”tugon ko rito. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya ang buong pangyayari. Hindi naman siguro tama kung hahayaaan ko lang na malaman niya ang buong katotohanan. Baka bigla na lang itong magulat at paalisin kaming dalawa. Alam kong hindi kami taga-rito. Hindi kami nagmula sa mundong ito pero kung kaya, hanggang maari ay lumayo kami sa pagsabi ng totoo sa kanila. Isang mahinang kurot ang naramdaman ko sa aking tagiliran. Hindi ko na lang ito nilingon dahil alam ko naman na ang kaibigan ko ito. Alam ko kung ano ang gusto niyang ipahiwatig. Alam ko rin na hindi niya nagustuhan itong pagsisinungaling ko sa kaniya. “S-saang gubat iyon? Sagutin mo ang tanong ko ng totoo,”seryoso nitong sambit habang nakatingin pa rin sa bolang pula na nasa harapan namin. Napatingin ako kay Alessia dahil labis ang aking pagdadalawang isip na sabihin ang totoo sa kaniya. Unti-unti naman itong tumango at ngumiti. “Sa isang gubat malayo rito, isang gabi muna ang lilipas bago kayo makarating doon,”tugon ko sa kaniya. “Isang gabi...”bulong nito, “Naglakad ba kayo?” Sa oras na ito, ibinaling na ng babae ang kaniyang paningin sa amin. Ang kaninang nakangiting mukha ay bigla na lang napalitan ng parang nag-uusisa. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating pero sa tingin ko ay nagdadalawang isip ito sa mga sagot namin. “Opo,”tugon ng aking kaibigan. Patago nitong hinawakan kumapit sa damit ko. Hindi ko alam bakit pero ramdam ko ang kaba niya. Kaba na baka ipatapon kami nito. Alam ko na isa ang babaeng ‘to sa mga malalaki ang ranggo sa bayan, hindi siya magiging leader ng merchant na ito kung hindi. “Malabong doon niyo nakita ang halimaw na ito,”nagtatakang sambit ng babae, “Minsa lamang nakikita ang ganitong klaseng halimaw sa mga ganoong klaseng gubat.” “May problema po ba?” Tanong ko, “Wala po talaga kaming alam tungkol sa mga halimaw, sapagkat mga baguhan pa lang po kami sa ganitong klaseng larangan.” “Nakapag-rehistro na ba kayo sa guild?” Tanong niya. Mabilis na umiling kaming dalawa ni Alessia dahil dito. “Balak po sana namin magpa-rehistro pagkatapos namin dito o baka bukas. Masiyadong mahaba ang nilakad namin bago makarating dito sa bayan,”paliwanag ko. Hindi na kailanman umimik muli ang babae at nanatiling nakatingin sa akin. Ilang sandali pa ay bumuntong hininga ang babae bago ipinikit ang kaniyang mga mata. Sumandal ito sa kaniyang upuan at pinag-cross ang kaniyang hita. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mapatingin sa aking kaibigan. Labis ang aming pagtataka kung bakit ganito na lang ang reaksiyon niya. May problema ba ang sa aming item? Hindi na lang kami umimik ni Alessia at hinayaan na muna ito. Lumipas ang ilang sandali ay ibinaling na nito ang kaniyang tingin sa amin. Seryoso at tahimik ka pa rin ito gaya kanina. “Paano niyo na talo ang halimaw na ito?” Tanong niya. “Ang kaibigan ko lang po ang may kakayahan na talunin ‘yan,”tugon naman ni Alessia at ngumiti, “Siya lang po ang malakas sa aming dalawa. Siya lang din ang may kakayahan na makipag-away diyan.” “Ang kaibigan mo?” Gulat na tanong nito, “Ano nga ulit ang pangalan niyo?” Kanina pa kami nag-uusap pero hindi pa kami nagpakilala sa isa’t-isa. Napahilamos na lang ako sa mukha at ngumiti sa kaniya, “Ako po si Valerie, at ito naman ang kaibigan ko na si Alessia,”pagpapakialala ko rito. Tumango lamang si Ritya sa sinabi ko at ngumiti. “Hindi ko inaakala na ang isang baguhan ay kayang talunin ang Gold level na halimaw,”tugon nito at hinawakan ang crystal, “Pasensiya na kayo sa aking reaksiyon kanina. Labis lang talaga ang aking pagkagulat noong nakita ko ang bagay na ito. Masiyadong mahalaga ang ganitong klaseng halimaw, alam kong may ibang items pa na kasama nito pero sigurado naman ako na kailangan niyo ‘yon.” Gold Level? Anong pinagsasabi niya? Hindi sa pagiging boastful but hindi naman gold level ang halimaw na iyon. Kung ibabase ko ito sa mga laro ko, parang nasa bronze level nga lang ito. Oo nga siguro, gold level ang hitsura noon pero hindi ang kaniyang lakas. Kung ganoon nga ang malakas para sa kanila, ano na lang kaya ang mahihina? “Ganoon po ba?” Gulat na tanong ko, “Hindi po namin alam na ganoon pala ito kalakas. Akala ko ay isang mahinang halimaw lamang iyon. Isang malaking tsamba po talaga na buhay pa rin kami hanggang ngayon.” “Impossible na isang tsamba lamang ito. Ang alam ko lang ay malakas kayo, lalong-lalo ka na Valerie. Sa oras na tumaas ang iyong level, panigurado ay isa ka sa mga panibagong mamumuno sa mundong ito,”nakangiti niyang sabi. Iyon nga lang ay kung buhay pa ako sa mga oras na iyon o kung nandito pa ako sa mundo niyo. Hindi ko alam kung ano ang dapat naming matapos, hindi ko alam kung ano ang dapat naming gawin. Ngunit, isa lang ang sigurado ako. Iyon ay ang gusto kong bumalik sa aming mundo. Alam kong nag-aalala na sina mommy at daddy. Ayaw na ayaw kong makaramdam sila nang ganoon, masama iyon sa kanila. Isa malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at ngumiti ng pilit dito, “Salamat po,”tugon ko, “Magkano po ba ang bili niyo sa crystal na iyan? Kailangan po kasi namin ang pera. Baguhan lang po kami kaya wala talaga kaming dala-dala.” “Sa katunayan niyan ay hindi ko muna ito pwedeng bilhin,”sambit nito. “Bakit po?” Tanong ko. Akala ko ba ay mahalaga ito? Bakit hindi niya pwedeng bilhin? Naglolokohan ba kami? “Kailangan niyo muna pumunta sa guild para mag-rehistro. Sa oras na natapos kayo, pwede kayong bumalik dito at pag-usapan ang presyo. Hindi ko pwedeng bilhin ang mga nakuha niyo sa pakikipaglaban hanggang sa magkaroon kayo ng isang card na magpapatunay na isa kayong adventurer. Hindi niyo naman kailangan mag-alala sapagkat wala naman kayong babayaran. Pumunta lang kayo roon, sabihin niyo na baguhan pa kayo at lahat ng kailangan niyo ay libre na. Pagkatapos ay pumunta kayo rito, bibilhin ko ang crystal at pagkatapos ay ilalagay ko sa record niyo ang lahat. Maliwanag ba?” Paliwanag nito sa amin at ngumiti. Kailangan pa pala namin mag-rehistro bago ko ‘to mabenta lahat. Mukhang hindi nga pwedeng ipagpabukas ang pagpunta sa guild at. Tinignan ko si Alessia na ngayon ay nakatayo na. Talagang gustong-gusto na niya na magpahinga ah? “Tara na, Val,”aya nito sa akin at inilahad ang kaniyang kamay, “Wala tayong rason upang patagalin pa ito. Kailangan na natin pumunta sa guild at magrehistro.” Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon. Kinuha ko ang crystal na nasa lamesa atsaka tumayo na rin. Yumuko muna ako kay Ritya bago nagpaalam upang umalis. “Salamat po. Babalik lang po kami rito kapag tapos na kami magparehistro,”sambit ko. Ngumiti lang si Ritya at tumayo na rin. Malawak na ngiti ang ibinigay nito sa akin. “Maghihintay ako sa inyong pagbabalik. Buong araw at gabi bukas ang Merchant at Guild para sa mga adventurers, kung kaya huwag kayong mag-alala na baka magsarado kami,”paliwanag nito. “Sige po,”tugon ko atsaka tumalikod na. Nagsimula na kaming maglakad ni Alessia palabas ng silid. Alam ko at ramdam ko pa rin ang titig ni Ritya habang palabas kami rito. Lumipas ang ilang sandali at nasa baba na rin kami sa wakas. Ganoon pa rin dito at sobrang ingay. Walang kupas ang kanilang inuman at sayawan, ang kaninang mga lalaking seryosong nakatingin sa amin ay nakangiti na ngayon. Para bang kilala nila na kami. “Sa tingin ko ay pinaghihinalaan tayo ng mga iyon,”bulong ni Alessia habang palabas na kami ng pinto. “Paano mo naman iyan na sabi?” Tanong ko rito. “Hindi ba halata?” Tanong nito, “Kanina, noong hindi pa tayo kinakausap ni Ritya at masamang titig ang pinupukol nila sa atin. Now, look at them. They are smiling like idiots.” “Stop it!” Saway ko rito, “Alam mo na masama ‘yang ginagawa mo. Hindi mabuti para sa ating ang manghusga ng kapwa.” “As if naman na hindi mo sila hinusgahan kanina, hindi ba?” Nang-aasar nitong tanong, “Besides, sinong tao naman ang hindi huhusgahan ang mga ganiyang klaseng titig? Sarap kamo nilang upakan.” “Kaya mo?” Tanong ko. Akala mo talaga kung sinong matapang. “Oh! Shut up!” Sigaw nito at inirapan ako. “See?” Lagi naman talagang masama magsalita ang babaeng ‘to, pero kapag sa oras na nandito na ang kaaway niya, nagtatago siya sa aking likuran. Hindi ko nga alam kung bakit ganiyan siya kung kumilos, tapang-tapangan tapos sa akin din naman pala hihingi ng tulong. Patuloy lamang kami sa paglalakad hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa harap ng Guild. Maganda naman ang lugar pero natatakot akong pumasok. Mukha kasing malalakas ang mga tao na kakalabas lang. Hindi ko tuloy alam kung magandang ideya ba itong ginagawa namin. Inilibot ko ang aking paningin, hindi naman gaano karami ang mga tao pero nakakatakot pa rin silang lahat. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago nagsimulang humakbang paakyat. Kailangan muna namin umakyat sa halos limampung steps bago makarating sa pasukan. May balak ba talaga silang pahirapan ako? “Mukhang hindi pa tapos ang paglalakbay natin ah?” Tanong ni Alessia, at nang tignan ko ito ay parang halos umiyak na ito habang nakatingin sa hagdan na nasa harapan namin. “Ngayon ka pa ba susuko?” Tapang-tapangan kong tanong, “Tara na, kailangan na natin matapos ‘to nang makapagpahinga. Huwag mong kalimutan na kailangan pa natin bumalik sa gusaling iyon para ibenta ‘tong crystal.” “Kainis naman kasi ‘yong mga taong nagdala sa atin dito,”inis nitong sambit at nagsimula ng umakyat, “Kung sana ay natulog na lang sila, hindi na sasakit ang ulo natin. Ako ‘yong stress na stress na sa pinaggagawa nila.” Natatawa na lang ako rito. Kahit panay ang kaniyang reklamo ay kumikilos naman siya para umusad. Kung sabagay ay wala nga naman pala siyang magagawa. Kailangan namin itong gawin para rin sa aming dalawa. Kahit labis ang pagod ay patuloy lamang kami sa pag-akyat. Lumipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa tuktok at labis ang hingal. Nagkatinginan pa nga kaming dalawa at napangiti. “Kung alam sana na mapupunta tayo sa ganitong sitwasyon, lagi na akong nag-eexercise,”tugon nito habang naka-hawak sa kaniyang mga tuhod. “Nasa huli talaga ang pagsisisi,”tugon ko at umayos na ng tayo. Napalingon ako malaking pinto na nasa aming harapan at hindi mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha. Napakaganda naman, kulay ginto at ang ganda ng disenyo sa bawat gilid nito. Gustong-gusto ko ang style nito. Try ko nga kausapin si Mommy sa pag-uwi ko, gusto ko magkaroon ng ganitong klaseng pinto. Tinignan ko ang aking kaibigan na ngayon ay nakatingin na rin sa pinto. Alam kong manghang-mangha rin siya sa ganda ng disenyo ng pinto. “Naiisip mo ba ang naiisip ko, Val?” Tanong nito. “Alin?” Tanong ko, “Hindi ako mind reader kaya hindi ko alam kung ano ang iniisip mo.” “Ang sama mo!” Sigaw nito sa akin at hinampas ang aking braso. Alam ko naman kung ano ang ibig nitong sabihin pero gusto ko lang siyang asarin. Nakakatuwa talagang tignan na inis na inis itong kaibigan ko. “Alam ko iyon, nagagandahan ka sa disenyo, tama ba?” Tanong ko. Unti-unti naman na tumango si Alessia at bumuntong hininga. “Gustong-gusto ko ang desinyo pero wala na naman tayo sa ating mundo para gayahin ito. Gusto ko sana itong gawin na pinto sa kwarto ko, ang ganda kasi tignan at ang angas.” Paliwanag niya. Bigla naman akong natahimik dahil sa sinabi nito. Ito na ang bagong realidad naming dalawa. Wala na kaming pwedeng asahan kung hindi ang isa’t-isa. Hindi na namin pwedeng tawagin ang aming mga magulang sa tuwing nasa bingit kami ng kapahamakan o kamatayan. Hindi ko na nga alam kung may pag-asa pa ba na bumalik kami sa mundo namin o hindi. Habang tumatagal, mas lalong nahihirapan akong maniwala na babalik pa kami. “Tara na,”aya ko rito. Sa ngayon ay ayaw ko munang mag-isip ng masama. Gusto ko ay manatili lang munang tahimik at kung maari ay maghanap ng solusyon para makabalik sa amin. Tumango lamang si Alessia sa sinabi ko at nagsimula na kaming maglakad papunta rito. Hahawakan ko na sana ang pinto ng bigla na lang itong bumukas na naging dahilan ng pagkamangha naming dalawa. Hindi ko inaakala na may sensor pala itong pinto nila, akala ko ba ay nasa past kami, advance na rin pala ang technology na ginagamit nila eh. Mabuti naman kung ganoon, sana ay sa susunod makahanap kami ng cellphone. Ngunit, labis naman ang aming pagkagulat nang biglang may bumati sa gilid. Nang tignan namin ay isa itong fairy? “A fairy?” Bulong ni Alessia. “Maligayang pagdating sa Guild. Ano ang maipaglilingkod namin sa inyo?” Bati nito, “Kung mga baguhan lamang kayo at nais niyong magparehistro, dumeritso lang kayo ng lakad at makakarating na kayo sa isang counter. Kung nawala naman ang inyong card ay pumunta kayo sa itaas at hanapin si Heneral.” “Nais po sana namin magparehistro,”tugon ko rito. “Kung gayon, magpatuloy na kayo sa inyong paglalakad. Salamat.” Bigla na lang itong nawala at kasabay nito ang pagsarado ng pinto. Nagkatinginan na muli kami ni Alessia at hindi makapaniwala sa aming nakita. “Fairytale ba ito?” Tanong niya. “Paano magiging fairytale ang isang lugar na kung saan may mga halimaw? Fairytale ba sa iyo ang mundo na may mga drop items?” Tanong ko sa kaniya. “Hindi,”tugon nito, “Pero ang angas lang ah. May fairies sila rito. Ngayon lang talaga ako nakakita ng fairies sa totoong buhay, sana ay mayroon pa silang ibang kulay, medyo panget kasi ‘yon eh.” “At aba namimili ka pa?” Tanong ko sa kaniya, “Hindi tayo pumunta rito para mag-fairy hunting. Pumunta tayo rito para magparehistro at kunin ang card, pagkatapos ay bumalik sa merchant na iyon para ibenta ang crystal. Ayos ba?” “Kahit na,”ani nito, “Masama ba na maghanap din ng fairies?” “Twenty years old ka na, Alessia. Tantanan mo ako riyan,”saway ko sa kaniya at na unan nang maglakad. “Wow, kung maka-saway sa akin ah? Bakit? Ikaw ba? Hindi ka ba nanonood ng barbie sa edad mo na iyan?” Tanong nito, “Excuse me, hindi po ako iyong taong bigla na lang magcha-chat pagkatapos maglaro para manood ng barbie at anime sa bahay!” “Manahimik ka.” “Not my fault. Ikaw ‘yong na una,”saad nito at tumawa. Masama ko lamang tinignan si Alessia na ngayon ay tumatawa na sa aking tabi. Hindi ko na lang siya pinansin at inilibot ang aking paningin. Hindi gaanong karami ang tao na nandito pero karamihan sa kanila ay naghihintay sa isang tabi. Siguro karamihan sa kanila ay naghihintay sa card. Oo nga pala. Wala nga pala kaming alam kung paano namin ito makukuha o kung ano ang aming gagawin para makuha ito. Hindi naman kasi ipinaliwanag ng Merchant na iyon ang tungkol dito. Kainis. “Baguhan ba kayo?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD