Tahimik lamang ako naglalakad dito sa isang tabi habang tinitignan ang mga pana na naka-sabit sa dingding. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko dahil sobrang ganda ng lahat. Hindi rin ako sigurado kung anong pana ang bagay sa akin o nararapat sa akin, natatakot kasi ako na baka sa oras na kumuha na ako ng isang pana ay ayaw pala nito sa akin. Patuloy lamang ako sa pagtingin sa mga pana hanggang sa marinig ko na lang ang pagbagsak ng isang bagay sa aking tabi. Nang ibinaling ko ang aking paningin dito ay nakita ko si Alessia na naka-upo na sa sahig.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya at lumapit dito upang tulungan, "Alam ko naman na pagod na pagod ka na pero hindi ko inaasahan na babagsak ka."
Gusto ko sanang tawanan siya sa mga oras na ito pero alam ko at ramdam ko kasi ang sitwasyon namin ngayon. Inilahad ko ang aking kamay at hinila ito patayo. Doon ko lang na pansin ang isang pana na nasa kaniyang tabi. Hindi ba nito nakuha ang pana? Mukhang hindi iyon ang para sa kaniya.
"Akala ko kasi ay sobrang gaan ng pana,"sabi ni Alessia, "Sobrang bigat pala nito at hindi ko kinaya. Gusto ko pa naman sana ang disenyo na."
Kung sabagay ay tama nga naman talaga siya. Kung pagbabasehan lamang ang hitsura nito ay masasabi mo talagang isa itong napaka-gaan na pana. Sobrang ganda rin ng disenyo na para bang inaakit ka nitong hawakan siya. Hindi na ako magugulat kung bakit ito ang kaniyang na pili. Kahit siguro ako, kung na una ko lang itong nakita ay baka ito ang kinuha ko agad. Nang tuluyan ng makatayo si Alessia ay pinagpagan na nito ang kaniyang damit. May ilang alikabok pa na kumapit sa kaniyang pwet at likod dahil sa pagbagsak niya. Tinulungan ko naman siya sa parte na kung saan hindi niya abot.
"Huwag mo na muna agad kunin sa pinagsabitan nito,"sambit ko at humarap dito, "Subukan mo munang itulak paitaas. Kapag na-iangat mo ay tsaka mo ito tatanggalin."
"Hindi ko naman alam na ganoon pala ito kabigat,"reklamo niya, "Akala mo talaga ay may dala-dala kang isang sakong bigas. Kung alam ko lang noong una na ganoon pala 'yon, hindi ko na agad kinuha."
"Pina-alalahanan tayo kanina. Hindi ka lang talaga nakinig. You always said, you make your own rules, remember?" Pang-aasar ko rito. Isang irap lang naman ang natanggap ko sa kaniya atsaka ito tumalikod.
Sinubukan na naman nitong pulutin ang pana sa sahig ngunit nabibigo lamang ito. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi matawa sa kaniyang mukha. Halatang-halata na nahihirapan itong buhatin eh.
Lumapit ako sa kaniya at sinubukan na hawakan ang handle nito. Isang malakas na hangin ang dumaan sa aking mukha. Labis ang aking pagkagulat dahil doon. Napatingin naman ako kay Alessia upang naramdaman ba niya ang nararamdaman ko pero parang walang ito. Patuloy pa rin siya sa paghila sa pana na nasa sahig.
Ibinaling ko ang aking atensiyon sa pana at bumuntong hininga.
Kung ito man ang para sa akin, mas makakabuti iyon. Maganda rin talaga siya at nakaka-akit. Unti-unti kong hinila papalapit sa akin ang pana na iyon at labis ang aking pagka-gulat nang gumalaw ito. Natigil din si Alessia sa pagpilit nito nang maramdaman niya ang kaunting pagkilos nito.
"Mukhang sa iyo nakikinig 'yan ah?" Tanong ni Alessia, "Ikaw na ang bahala sa pana na iyan, maghahanap na ako ng pana na para sa akin. Pasalamat ka sa akin at natulungan kita."
"Utang na loob ba 'to?" Tanong ko rito at kinuha na ang pana. Labis ang akign pagkamangha nang sa tingin ko ay parang wala lang akong hinahawakan. Sobrang gaan nito at ang nipis, ibang-iba kung titignan.
Isang matamis na ngiti ang lumabas sa aking mga labi habang nakatingin dito.
"Masaya ako at nakilala kita,"bulong ko rito.
Hindi ko inaasahan na ang isang pana na kasing ganda ng pana na ito ay mapapasaakin. Hindi na tuloy ako makapaghintay na mag-test. Gusto ko na subukan kung anong klaseng kakayahan ang mayroon itong pana. Ramdam kong malakas siya eh, ramdam ko rin kung gaano kalakas ang epekto nito sa targer ko. Unti-Unti ko itong itinaas hanggang sa lumagpas ito sa aking ulo, maingat ko naman itong ibinaba hanggang sa shoulder level ko at nagpanggap na para bang mayroon na akong arrow.
Ang angas. Sobrang steady nito at ang dali lang gamitin.
Mabuti na lang talaga at na hanap ito ni Alessia, kung hindi ay matatagalan pa yata ako bago ko ito makita. Kung titignan ay sobrang layo ko sa pwesto na kung saan ito nakita ni Alessia. Kung hindi siguro niya ito pinilit ay hindi ko malalaman na akin 'to.
Hay naku.
Sige na nga, utang na loob ko na 'to sa kaniya.
Lumipas ang ilang sandali na pakikipag-practice sa pana ko ay umupo ako sa isang tabi. Nakatingin lamang ako kay Alessia na abala pa rin sa pagpili ng pana na nakasabit sa dingding. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi mapalingon sa dalawa pa namin na kasama. Abala ang mga ito na nakikipag-usap sa isa't-isa, hindi yata nila narinig o nakita ang malakasang pagbagsak ni Alessia sa sahig.
Ang seryoso naman ng usapan nila. Tungkol saan kaya 'yon? Gusto ko sana marinig pero baka isipin nila na isa akong tsismosa. Huwag na lang. Umayos ako ng upo at sumandal sa dingding. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinubukan na ipagpahinga ang aking katawan saglit.
Grabe 'yong pagod ko simula noong makarating kami rito. Iyong tulog lang yata namin sa ilalim ng punong iyon ang naging pahinga namin. Pagkarating namin sa bayan na ito ay diretso na agad kami sa Merchant Guild at pag-rehistro.
Paano ba naman kasi, biglang nagbago 'yong naging plano namin. Imbes na ibenta at magpahinga muna, naging bisita at pag-rehistro na. Hirap talaga kapag panibagong mundo.
Teka.
Kamusta na kaya sila Mommy? Hindi kaya labis na ang pag-aalala no'n? Baka kung saang lupalop na nila ako hinahanap. Mabilis pa lang naman 'yon mataranta. Kahit nga late lang ako ng isang oras, ayon halos hindi na matahimik cellphone ko dahil sa tawag niya.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan, kasabay nito ang masakit na sigaw na nagmula sa aking harapan.
Mabilis kong inimulat ang aking mga mata at nakita si Alessia na tumatalon. Hawak-hawak nito ang isang pana sa kaniyang kamay.
Akala ko naman kung ano, nahanap lang pala niya ang pana na nararapat para sa kaniya. Napapailing na lang ako sa pinaggagawa niya. Tumayo na ako sa aking upuan at naglakad papalapit dito. Gusto ko subukan na hawakan ang pana niya para malaman ko kung ano ang nararamdaman kapag hindi para sa iyo.
"Nakita ko na rin sa wakas,"sabi ni Alessia at itinaas ang kaniyang pana, "Muntikan na naman sana maulit 'yong nangyari kanina. Mabuti na lang at mabilis kong ibinalik sa kaniyang pinagsabitan."
"Buti naman kung ganoon,"tugon ko, "Baka kasi abutin pa tayo ng umaga bago ka makahanap ng pana na para sa iyo. Tsaka, pasubok nga na hawakan 'yang pana mo. Gusto ko lang malaman kung gaano ito kabigat."
"Alam mo Val, kahit saan ka mapunta? Isa kang curious cat, kaya minsan ay napapahamak ka na lang sa ginagawa mo,"ani nito at ibinigay naman sa akin ang kaniyang pana.
Kita mo 'to? Galit na galit pero ibibigay din naman. Hindi ko tuloy maintindihan kung ayaw ba niya 'yong ginagawa ko o gusto. Para kasing contradicting 'yong sinasabi niya sa kinikilos niya. Gusto ko tuloy siyang upakan, kahit isa.
Inirapan ko na lamang ito at hinanda ang aking sarili. Unti-unti kong hinawakan ang handle ng pana at tinignan si Alessia.
"Are you ready?" tanong nito.
"Always,"tugon ko at pumikit.
"Okay then."
Nararamdaman ko na ang unti-unting pagbitaw ng kaniyang kamay sa handle. Ngunit, ang labis ko lamang ipinagtataka ay kung bakit hindi naman ito mabigat? Bakit wala man lang akong naramdaman sa kamay ko?
Iminulat ko ang aking mga mata at nakitang gulat na gulat na nakatingin si Alessia sa aking kamay. Doon ko lang din nasaksihan ang isang bagay na hindi ako makapaniwala. Paano nangyari 'to? Akala ko ba ay isang pana lamang ang kaya ng isang tao? Bakit nakakaya ko hawakan o buhatin ang dalawa?
Hindi ako makapaniwala. May glitch ba ang system na dumala sa amin dito? Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Medyo napaghahalataan ko na ang kaibahan namin ni Alessia rito ah?
"What the hell!" Gulat na sambit nit Alessia, "How did you do that? Akala ko ba ay isa lang ang kaya natin?"
"Akala ko rin,"sambit ko, "Hindi ko nga inaasahan na ganito pala ang mangyayari."
"Baka iba sitwasyon natin sa kanila?" Tanong niya, "Hindi ba at taga ibang mundo tayo? Baka dahil doon kaya, kaya natin ang mga hindi nila kaya? Baka sa akin din, kaya ko ang dalawang pana."
"Hindi ako sigurado,"tugon ko rito at ibinigay sa kaniya 'yon.
"Anong hindi? Hindi pa ba halata? Unang-una, iyong test nila sa atin, pangalawa ito. Hindi ba ang mga pana sa ating mundo ay sobrang gaan lang? Kaya siguro ganoon,"ani nito, "Yaan na natin, huwag na lang natin ipaalam sa kanila."
"Diyan kayo nagkakamali,"biglang sabi ng isang boses babae sa aking likuran. Mabilis akong umikot upang tignan kung sino ang nagsasalita at nakita si Rizy kasama si Heneral. Nakatingin ang mga ito sa hawak-hawak kong pana, "Hindi nakakagulat kung kaya mong dalhin ang lahat ng pana na naririto. Ang pana na iyan ang patunay."
Narinig ba niya lahat ng pinag-usapan namin ni Alessia? Sana naman ay hindi.
"Oo,"biglang sambit na naman nito at ibinaling ang kaniyang tingin sa akin, "Hindi ko narinig ang usapan niyong dalawa. Tanging iyong huling parte lamang ang narinig ko at wala ng iba."
Mabuti naman kung ganoon. Teka, pwede ba niyang tigilan ang pagbabasa sa isipan ko? Wala na akong privacy sa mundong ito.
"Ano po pala ang ibig niyong sabihin sa inyong sinabi?" Tanong ko rito.
As much as possible, susubukan ko na iwasan ang napag-usapan namin kanina. Ayaw ko rin na mag-isip ito ng mali dahil sa kinikilos namin. Wala naman kaming tinatago na sekreto, hindi rin kami masamang tao. Tanging ang tungkol lamang sa aming pinagmulan ang dapat hindi nila malaman. Baka bigla na lang silang magwala at paalisin kami sa bayan. Wala na kaming matitirhan.
"Ang mga pana na naririto ay may iba't-ibang katangian. Iyang pana na na hawak mo ay sa madaling salita, kayang tapatan ang lahat ng pana na naririto. Kung kaya mong kontrolin ang panang iyan, ibig sabihin, lahat ng pana na naririto ay kayang-kaya mo rin kontrolin,"paliwanag niya at ngumiti, "Hindi na naman ako na gulat. Alam ko na naman kung anong klaseng kakayahan ang mayroon ka, lalong-lalo na kung saan kayo galing dalawa."
Kasabay ng huling sinabi nito ay ang pagkawala nilang dalawa sa aming harapan. Inilibot ko ang aking paningin upang sana ay hanapin ang mga ito pero wala akong makita. Asan kaya 'yon?
"Anong ibig niyang sabihin na alam na niya kung saan tayo galing?" Tanong ni Alessia sa aking tabi.
"Hindi ko rin alam,"tugon ko sa kaniya, "Akala ko ay hindi nila alam ang tungkol sa pinagmulan natin."
"Ibig bang sabihin nito ay papaalisin na tayo sa bayan?" Pahina nang pahina na tanong niya.
"Ayan ang hindi ako sigurado. Ngunit, kung papaalisin man nila tayo, bakit hindi na nila ginawa? Bagkos ay ipagpapatuloy pa natin ang ating pagsusulit? Siguro ay tanggap nilang lahat ang mga taong kagaya natin dito." Paliwanag ko.
Hindi ko man alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan nila dahil na rin sa wala akong abilidad katulad ni Rizy pero sana lang ay wala silang balak na masama sa amin. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at napayuko.
Kung papaalisin man nila kami rito ay wala rin naman kaming magagawa. Mas mabuti na rin siguro kung manirahan na lang kami sa gubat o 'yong malapit sa dagat. Madali lang mabuhay sa ganoong lugar.
"Pumunta na kayo sa gitna upang simulan ang inyong pagsusulit. Kapag ito ay inyong na ipasa, maari na tayong pumunta sa susunod,"anunsiyo ng isang boses.
Magpatuloy? Ano ang ibig niyang sabihin?
Hindi ba kami nila papaalisin?
Nagkatinginan kaming dalawa ni Alessia dahil sa aming narinig. Isang malawak na ngiti ang kaniyang ibinigay sa akin dahil alam kong alam na niya ang iniisip ko.
Nagsimula na kaming maglakad patungo sa gitna at hinarap ang mga target. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin pero sana lang ay madali lamang ito.
"Kayong dalawa ay sabay aataki. Nakikita niyo naman ang iyang mga kahoy na nasa inyong harapan, mayroong sampung kahoy na nandiyaan na may pulang marka. Sa oras na napatamaan niyo ito ng kahit tatlo lamang ay pasado na kayo,"paliwanag niya, "Ngunit, siguraduhin niyo lang na sakto ang inyong pagkalkula ng distansiya. Kung sa tingin niyo ay sobrang lapit lamang nito, magdalawang isip kayo. Maari na kayong magsimula."
Anong pinagsasabi nitong malapit? Ang layo nga ng mga target na iyan. Ngunit, confident naman ako na mapapatamaan ko silang lahat.
Na una nang tumapon ng ataki si Alessia. Walang palpak, lahat bullseye. Nasa center talaga ng pula. Ilang sunod-sunod na ataki pa ang kaniyang itinapon hanggang sa matapos na ito. Limang bullseye! Baka best friend ko 'yan?
"Huwag mong hayaan na ma-disappoint si nanay sa atin,"sambit nito at lumingon sa akin, "Ayaw mo naman sigurong matalo, hindi ba?"
"Hambog,"sambit ko at ngumisi sa kaniya.
Pumwesto na ako at mabilis na kinuha ang mga arrow sa aking likuran. Agad kong pinatamaan ang mga target na nasa malayo at napangiti nang makitang wala rin itong pagkakamali.
Sigurado akong proud na proud si lola sa amin kapag nakita niya ito.
"Ano sa tingin mo?" Nakangisi kong tanong. Umirap lamang si Alessia at hinampas ang aking balikat.
"Hambog."
"Mana sa iyo,"natatawa kong tugon.
"Maghanda na kayo para sa susunod,"anunsiyo muli ni Rizy.
Hindi pa ba tapos?
Bigla na lang lumindol ng hindi gaanong kalakas dito sa aming kinatatayuan, kasabay nito ang pag-angat ng dalawang malalaking kahoy sa gilid na may butas sa itaas. Teka, kapareho ba ito sa training ni Lola na moving object?
"Mukhang alam ko na kung ano 'to ah?" Sabi ni Alessia, "Let's go."
Sabay-sabay na may lumabas na mga flying targets sa butas ng malalaking kahoy na ito. Mabilis ko naman kinuha ang mga arrow na nasa aking likuran at pinatamaan ang mga ito.
Patuloy lamang kami sa pagtapon ng aming mga arrows hanggang sa matapos na ito.
Isang malakas na palakpak ang maririnig sa buong training field.
"Magaling,"ani nito, "Hindi na ako magugulat kung magiging isa kayo sa mga adventurers na may matataas na ranggo."
Adventurer? Hindi ba nila kami itatapon sa labas dahil sa nalaman nila na isa kaming mga tao na galing sa ibang mundo?
"Sa katunayan niyan ay may magandang paliwanag kami tungkol sa bagay na iyan,"sabi ni Rizy at ngumiti, "Ngunit, bago ang lahat ng iyon. Tapusin na muna natin ang inyong pagsusulit. Tara na sa susunod na silid, doon gaganapin ang huling paghihirap niyo bago makapag-rehistro."
Isang magandang paliwanag? Teka, hindi kaya ay nangyari na rin ito dati?