Labis ang aming pagtataka ni Alessia habang nakasunod sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o dapat kong isipin sa sinabi nito. Kung pagbabasehan ko lamang ang sinabi nito. Sinusugurado ko na may alam na silang lahat. May alam na sila sa kung anong klaseng tao kami at kung saan kami galing. Ngunit, bakit parang normal lang yata ang kanilang naging reaksiyon? Hindi kaya ay iyon ang pinag-uusapan din nilang dalawa kanina pa? Hindi kaya ay pinaguusapan na nila kanina pa ang dapat nilang gawin sa amin ni Alessia?
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan atsaka iniwas ang aking tingin. Ayaw kong tignan ito nang matagal. Baka isipin pa ng mga ito na may binabalak akong masama sa kanila.
Tahimik lamang kami na nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami papunta pero paakyat ang mga ito sa isang hagda. Hindi ito gaanong kalapad, kasya lamang ang isang tao rito. Pina-una ko na si Alessia. Gusto kong siguraduhin na ligtas ito, hindi pa naman niya alam kung paano protektahan ang kaniyang sarili.
Inilibot ko ang aking paningin at na pansin ang mga picture frame na may mga paint. Sobrang ganda ng mga ito na para bang makatotohanan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha sa ganda ng mga pintura. Habang papaakyat ay nakatuon lamang ang aking atensiyon sa gilid. Hindi ko na pansin ang pagtigil ni Alessia kung kaya ay na bangga ko ang likuran nito.
Naging sanhi ito ng pagtama ng aking ulo sa kaniyang siko.
"Aray,"daing ko at tinignan siya. Isang mahinang pagtawa lamang ang aking narinig mula sa kaniya at umiiling na ibinalik ang tingin sa harap.
"Ano ba kasi 'yang pinagkakaabalahan mo?" Tanong nito, "Alam mo naman na naglalakad tayo paakyat, paano kapag nagkamali ka nang step?"
"Manahimik ka,"saway ko rito at inirapan siya. Patuloy ko lamang hinihimas ang aking noo na hanggang ngayon ay sumasakit pa rin. Tigas talaga ng buto ng babaeng 'to.
"Tanga,"ani nito at tumawa.
Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin na rin sa harapan. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi magtaka sa dahilan kung bakit bigla na lang siyang tumigil. Nang tignan ko ang mga tao na nasa aking harapan ay nakatingin lamang ang mga ito sa isang pinto.
Hindi ko naman alam na may staring game pa pala bago makapasok sa isang silid? Ilang sandali pa ay siya naman ang unti-unting pagbukas ng pinto at pagpasok nilang lahat.
Umiiling na sumunod na lamang ako sa kanila at pumasok na sa Silid. Medyo na papikit pa ako noong una dahil sa sobrang liwanag ng lugar. Nang maka-adjust na rin ang aking mga mata ay tsaka ko inilibot ang aking paningin sa buong lugar.
Walang ibang desinyo ang naririto o furniture. Tanging ang isang malaking bolang crystal lamang ang nasa gitna ng silid. Sa tingin ko ay kasing laki ito ng isang truck. Halos naka-nganga akong nakatingin rito habang unti-unting lumalapit sa kaniya.
Ano kaya ang mga materyales na ginamit nila para magawa ang crystal na ito?
"Ito ang crystal na gagamitin niyo para sa inyong huling pagsusulit,"paliwanag ni Heneral at naglakad sa isang tabi, "Ang crystal na ito ang magsasabi kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon kayo at kung anong klaseng skills ang nasa inyo. Nasabi na ni Rizy kanina ang tungkol sa inyong taglay na kapangyarihan. Tanging kami lamang ang nakakaalam kung ano iyon pero, hindi iyon ang lahat. May mga kapangyarihan pa kayo na hindi namin mabasa at hindi namin alam. Kung kaya ay kailangan niyong kunin ang pasulit na ito para malaman na ninyo."
"Kaya po ba ay dinala niyo kami rito?" Tanong ni Alessia, "At ano po ang ibig sabihin ni Rizy kanina sa kaniyang sinabi? Hindi ko po naintindihan kung ano ang ipinapahiwatig niya sa kaniyang sinabi. Gusto ko man itong intindihin ngunit napaka-hirap."
Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Rizy. Alam kong may gusto itong iparating sa mga ngiti niya ngunit agad din itong umiling.
"Gaya ng sinabi ko kanina, tatapusin muna natin itong inyong huling pagsusulit, nang sa gayon ay maari niyo na malaman ang mga bagay na nararapat niyong malaman. Ipinaalam ko na ito kay Heneral at sang-ayon naman ito sa aking sinabi,"paliwanag niya at tumingin kay Heneral.
Isang tango lamang ang itinugon ng Heneral sa amin.
Kung iyon talaga ang kanilang gusto ay wala na kaming magagawa. Hindi naman namin ito mapipilit, ano ba kami sa mundong ito? Isa lamang mga estranghero. Kung may alam nga sila kung saan kami galing, ibig sabihin ay may mga tao na rin na nakapunta rito. May ibang tao na rin na bigla na lang na ilipat sa mundong ito.
Ngumiti lang ako sa kanila pabalik at hinarap si Alessia. Doon ko lang na pansin ang mga titig nito na para bang humihingi ng tulong. Unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang balikat.
"Bakit?" Tanong ko rito, "May problema ba? Kaya mo pa ba?"
Hindi ko mapigilan ang hindi mag-alala sa kalagayan ng aking kaibigan. Alam ko kung gaano na ito kapagod at kung gaano na nito kagusto magpahinga. Ngunit, ano ang magagawa ko? Hangga't hindi kami natatapos dito. Hangga't wala kaming pera pambaya, wala rin kaming mapupuntahan. Hindi naman maari na matulog na lang kami sa isang tabi at hintayin na mag-umaga bago maghanap ng pera. Halos dalawang meal na kaming walang kinain. Sino ba namang tao ang hindi mapapagod niyan.
"Pagod na ako,"bulong nito, "Gusto ko sanang magpahinga ngunit parang hindi pa yata talaga pwede."
"Kaunting tiis na lang. Ito na ang huli,"sabi ko.
"Isa pa,"ani nito at tinignan ang dalawang tao sa aking likuran, "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na may alam na sila sa tungkol sa atin o dapat akong kabahan."
"Ako rin,"bulong ko sa kaniya, "Alam kong may mali pero kung talagang may alam sila tungkol sa pinagmulan natin. Maaring may alam din sila kung ano ang dapat nating gawin para makabalik. Malalaman din natin kung anong ginagawa ng mga taong bigla na lang na punta rito."