"Wala na po,"sabay-sabay na tugon namin ni Alessia. Ngumiti lamang ang nababantay sa aming harapan at kasabay nito ang paglipad papalapit sa amin ang mga papel at ballpen. Ilang sandali pa ay unti-unti itong lumapag sa lamesa na nasa aming harapan. Wala akong nakikitang kahit ni isang naka-sulat dito na labis kong ipinagtataka. Akala ko ba ay magsisimula na kaming sumagot sa pasulit? Bakit wala naman yatang mga tanong dito.
Kinuha ko ang papel na nasa mesa at tinignan ito. Wala talaga kahit ni isang sulat, tinignan ko rin ang likod nito ngunit wala pa rin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko kung kaya ay nilingon ko si Alessia. Abala na ito sa pagsagot sa kaniyang papel at parang kalmado lamang siya. Ganoon lang ba kadali sagutan ang mga tanong? Siguro ay nagkamali lamang ang nagbabantay sa amin ng ibinigay na papel.
Ibinaling ko ang aking atensiyon sa harapan at nakita ito na nakatingin sa akin. Naka-kunot ang kaniyang noo na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa ko. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan sabay taas ng isa kong kamay.
"Bakit?" Tanong nito sa akin at lumipad papunta sa harapan ko, "May problema ba? Kanina pa kita napapansin na nakatingin sa iyong kaibigan. Huwag mong sabihin na may balak ka na kumopya sa kaniya?"
Hindi ko maiwasan na mapalingon muli sa kaibigan ko na hanggang ngayon ay abala pa rin sa pagsagot. Tila ba hindi nito na papansin ang boses nito na sobrang lakas.
"Huwag kang mag-alala, hindi natin maaabala ang iyong kaibigan dahil mayroong naka-protekta sa kaniya. Sa tuwing lilingon ito sa iyo ay ang tanging makikita lamang niya ay ang Valerie na nakatingin sa papel,"paliwanag nito.
Ibinalik ko ang aking tingin sa taong ito at ngumiti. Ibinigay ko sa kaniya ang papel na hawak-hawak ko kanina pa at bumuntong hininga, "Mali po yata kayo ng papel na ibinigay,"sabi ko, "Wala po akong makitang kahit isang tanong sa papel. Isa lang po itong blankong papel. Paano ko po masasagutan iyan?"
Bigla naman na palitan ang kaniyang ekpsreyon sa mukha ng labis na pagtataka. Mabilis nitong hinablot ang papel na nasa kamay ko at tinignan. Ilang sandali pa ay palipat-lipat na ang kaniyang tingin sa akin at sa papel. Tila ba sinasabi nito na nagbibiro lamang ako. Wala akong oras makipagbiruan sa mga ganitong oras at panahon, pagod na pagod na ako at gusto ko magpahinga. Gusto ko na bumalik sa Merchant building upang ibenta itong crystal at maghanap ng pwedeng matutuluyan. Ramdam na ramdam ko na rin ang pagrereklamo ng aking tiyan.
"Akala ko po ba ay isa itong pagsusulit?" Tanong ko sa kaniya, "Pakibigay na lang po 'yong tamang papel sa akin. Gusto ko na po tapusin ang pasulit na ito dahil gusto ko na magpahinga."
Hindi ako sigurado kung matatapos ko ba ito agad o hindi. Ang akin lang ay gusto ko na ito matapos at sagutin ang mga tanong sa abot ng aking makakaya.
Buti pa itong si Alessia, simpleng sinasagutan lamang nito ang kaniyang papel at parang wala man lang itong kahirap-hirap. Ngunit, teka nga, hindi ba at sinabi ng lalaking ito na ang nakikita ni Alessia sa kaniyang side ay isang Valerie na abala sa pagsagot? Hindi kaya ay ang nakikita ko lang din ay isang ilusyon? Napaka-possible, pero siguro naman ay hindi. Hayaan na nga. Ang importante ngayon ay matapos ko na itong pasulit ko. Sana nga lang ay ibigay na ng nagbabantay ang papel na para sa akin. Malapit nang maubos ang oras, baka ang magiging resulta nito ay bumagsak pa ako at hindi makapag-rehistro.
Nanatiling nakatingin lamang ang nagbabantay sa papel hanggang sa muli itong pumitik. Pagkatapos no'n ay bigla na lang lumipad ang napakaraming papel sa kaniyang likod na labis kong ikinamangha, ngunit agad din nagtaka dahil wala man lang kahit ni isang letrang nakasulat dito. Patuloy ko lang inoobserbahan ang mga papel nang mahagip ng aking mga mata ang isang papel sa pinakatuktok. May ilang mga letrang naka-sulat doon na hindi ko mabasa. Sobrang layu ba naman kasi nito sa akin. Baka iyon nga ang papel na para sa akin, mukhang nagkamali nga 'tong nagbabantay ah? Hay naku, ako pa yata ang maaberya sa ginagawa niya.
"Nakikita mo ba ang mga tanong na naka-sulat sa papel?" Tanong nito at inilapag sa aking harapan ang ibinigay nitong papel sa akin kanina.
Unti-unti akong tumango sa kaniya at ngumiti. Itinuro ko ang papel na nasa pinakatuktok at tinignan siya, "Ayon po ang papel na para sa akin. Hindi ko man mabasa ang mga tanong na nandoon pero iyon lamang po ang papel na mayroong naka-sulat,"paliwanag ko sa kaniya. Tumingala ito sa itaas at bigla na lang lumaki ang kaniyang mga mata, ngunit agad din itong bumalik sa kaniyang dating expression at ngumiti. Pinitik nito ang kaniyang daliri. Kasabay nito ang pagbaba ng papel na iyon sa aking harapan at paglaho ng mga iba pang papel na walang laman.
Ngayon ay maari ko na itong sagutan.
"Maari mo ng simulan ang iyong pasulit. Bibigyan kita ng karagdagang oras dahil dito,"ani nito at tumalikod na sa akin.
"Salamat po,"tugon ko at ngumiti sa kaniya. Mabilis kong kinuha ang lapis na nasa isang tabi. Kung titignan ay makatabaan ang lapis ngunit sa oras na hawakan mo ito ay para lamang itong kasing liit ng faber castle na ballpen.
Sinimulan ko ng basahin ang mga tanong. Hindi naman ito ganoon kahirap sapagkat basic information lamang ang nandito at ilang tanong sa matematika at science. Hindi ko nga alam kung bakit ito pa ang tanong eh, may ibang tanong din naman na tungkol sa kapangyarihan pero may pagpipilian naman. Sa likurang bahagi ng papel, ay naroroon ang isang tanong na kung saan tinatanong kung ano raw ang hugis at nakasulat sa portal. Hindi ko alam kung anong klaseng portal ang tinutukoy niya, ngunit wala akong ibang maisip kung hindi ay 'yong portal na bigla na lang sumulpot sa classroom.
Mabuti na lang talaga at may photographic memory ako. Naalala ko pa rin kung ano ang hugis noon at kung ano-ano pa ang naka-sulat.
Ilang sandali pa ay na tapos ko na rin itong sagutan. Labis ang aking pagkagulat nang bigla na lang itong umilaw at naging scroll.
Akala ko ba ay titignan ito ng magbabantay kung pasado ba kami o hindi? Paano niya malalaman kung naging ganito an ang hitsura nito?
Ibinaling ko ang aking paningin sa harapan upang hanapin sana ang nagbabantay. Ngunit, labis ang aking pagkagulat nang wala ito sa kaniyang lamesa. Akala ko ba ay kailangan niyang siguraduhin na walang mandaraya. Bakit wala na naman 'yon dito sa silid?
Sumandal na lamang ako sa aking upuan at ipinikit ang aking mga mata. Gusto ko na umuwi!
Nakakainis naman kasi 'yong taong naging dahilan kung bakit kami nandito eh! Kapag talaga makikilala ko lang 'yon ang taong iyon, papatayin ko talaga 'yon. Joke lang.
Sa mga oras na ito ay naglalaro na kami ng mga guild members ko eh. Ang alam ko lang ay mayroon kaming raid ngayon, baka iniisip na ng mga ito na takot na takot akong sumama sa raid. Minsan ang babaw pa naman mag-isip ng members ko.
Bigla ko naman naramdaman ang pagsakit ng aking ulo at tiyan. Talagang gutom na gutom na talaga ako. Baka dahil pa sa pagsusulit na ito kaya ako magkakaroon ng sakit. Isang marahas na hangin ang aking pinakawalan bago umayos ng upo. Sakto naman ang pagkarating ng taga-bantay sa aking harapan habang seryosong nakatingin sa scroll na lumulutang sa harap ko.
"Tapos ko na po ang pagsusulit,"saad ko, "Hindi ko po alam kung ano ang nangyari kaya huwag niyo na po ako tanungin kung bakit naging ganiyan. Pagkatapos kong guhitin ang huling tanong sa papel ay bigla na lang naging ganiyan ang papel."
"Na tapos mo?" Gulat na tanong niya. Hindi ba at kasasabi ko lang? Hindi ba siya nakikinig sa akin habang pinapaliwanag ko ang nangyari? Naku naman.
"Opo,"tugon ko rito.
"Hindi ko inaasahan na matatapos mo ang pasulit na iyon,"sambit nito, "Isa iyon sa mga pinakamahirap na pasulit sa guild. Wala pang adventurer ang nakakatapos sa huling tanong. Ngayon ko lang nakita na maging ganito ang papel."
"Na tapos ko na rin po ang akin."
Sabay kaming napalingon sa biglang nagsalita sa gilid at nakita si Alessia na naka-ngiti habang nakatingin sa amin. Hawak-hawak nito ang isang papel na naging scroll din kagaya sa papel ko.
"Ikaw din?" Gulat na tanong nito ,"Anong klaseng mga tao ba kayo at na tapos niyo ang pagsusulit na iyon na ganoon kadali?"
"Simpleng mga tanong lang naman ang mga nasa papel,"saad nito at lumapit sa akin.
"Simple?" Sigaw nito.
Bakit ba ganoon na lang ito kagulat na gulat? Basic science at math lang naman ang tanong, kung iisipin ay sa tingin ko kaya nga sagutin ng mga 8th grade students ang mga tanong na nasa papel.
Hindi maka-imik ang nagbabantay sa aming harapan dahil sa gulat. Nanatili lamang ito na nakatayo habang nakatingin sa dalawang papel nang bigla akong tumayo. Bigla nitong ibinaling ang kaniyang tingin sa akin at bumuntong hininga.
"M-maari na kayong pumunta sa susunod na pasulit,"utal na sambit nito at tinuro ang pinto na nasa likod ko.
Tumango lamang ako sa kaniya bilang tugon bago tumayo. Sabay-sabay kaming yumuko ni Alessia bilang pasasalamat.
"Salamat po,"sabay na sabi namin, "Aalis na po kami."
Tumalikod na kaming dalawa hanggang sa tuluyan na kaming makalayo rito. Mas lalong lumapit itong si Alessia sa akin at hinawakan ang aking braso.
"Hindi ko alam kung ano ang nakakagulat sa ginawa natin pero basic questions lang naman 'yon,"natatawang kwento nito, "Akala ko nga ay mahihirapan ako. Ayon pala at mas mahirap pa ang entrance exam natin kumpara doon. Nag-alala lamang tayo sa wala."
Natawa naman ako dahil sa kwento nito. Sa katunayan niyan ay may point naman si Alessia. Kanina pa ako kinakabahan para sa wala. Akala ko talaga ay sobrang hirap eh.
"Medyo na hirapan lang ako sa huling tanong,"sambit ko, "Ikaw ba naman na kailangan mo mag-drawing ng portal?"
"Pinag-drawing ka rin?" Gulat na tanong niya, "Ako nga rin eh pero ang sa akin lang ay kung anong halimaw daw ang pinakamalakas sa isang gubat. Eh 'yong nakita natin ay iyon lang naman ang alam kong malakas."
"Kaya nga!" Sang-ayon ko rito, "Yaan na nga lang natin. Ang ipinagtataka ko lang talaga ay kung bakit gulat na gulat iyon."
"Ako rin eh,"tugon nito, "Hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat itong nagbabantay sa atin. Hindi ba at dapat magulat siya kung hindi natin masagot ang mga simpleng tanong na iyon?"
Natatawa pa ito habang nagkwe-kwento. Kung sabagay ay sino ba naman ang hindi matatawa sa ganoong pangyayari.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa harap ng pinto at tinulak ito palabas. Bumungad naman sa amin ang isang pasilyong sobrang haba na kitang-kita ang labas. Hindi ko alam kung ano ito pero para siyang training ground. Mayroong mga target at ilang bow and arrow sa tabi.
"Ibang mundo na rin ito eh,"tugon ko sa kaniya at pumunta na sa field, "Siguro nga ay mahirap para sa kanila ang mga simpleng equations."
"Siguro,"sang-ayon nito, "Teka, ano nga ang susunod nating examination? Gusto ko na ito matapos."
"Bow and Arrow yata,"tugon ko sa kaniya at lumabas na.
Sobrang liwanag sa lugar na ito. Pinapalibutan ito ng mga gusali na sa tingin ko ay hanggang ika-apat na palapag. May mga ilaw na naka-sabit doon na nagbibigay liwanag sa malamig na gabi. Sa hindi kalayuan ay naka-hilera roon ang mga targets na hindi ganoon kalaki. Namimiss ko rin tuloy ang maglaro ng dart.
"Nakakamiss din pala maglaro ng ganito,"sambit ni Alessia. Nang tignan ko ang aking kaibigan ay hinahaplos na nito ang mga pana na nakasabit sa isang tabi.
Noong bata pa kami, lagi kaming tumatambay sa likod ng bakuran nila nanay. Si nanay ang ina ni Mommy, mahilig ito pumana kaya sa kaniya namin natutunan ang ganitong bagay. Mabuti na lang talaga at ito ang pagsusulit namin. Kaya sobrang dali na lang nito tapusin.
Ilang mga yapak ang narinig namin na papalapit sa amin. Nang linungnin ko ito ay nakita ko si Rizy at Heneral na naglalakad papalapit sa aming tabi. Sobrang lawak ng kanilang mga ngiti na para bang inaasahan nilang makita kami rito.
"Sigurado naman ako na pasado kayo sa unang pasulit pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis. Mukhang may mga malalakas na naman tayong kasama sa guild, Rizy,"sabi ni Heneral at tumigil sa harapan ko.
Ngumiti lamang ako sa kaniya bilang tugon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko naman pwedeng sabihin na basic lang sa amin ang mga tanong. Hindi kaya tatawagin nila kaming hambog dahil doon? Mas mabuti na iyong simple lang at low key.
"Hindi po rin namin inaasahan iyon, Heneral,"tugon ko, "Akala rin po namin ay matatagalan kami roon."
"Ngunit na ipasa niyo naman ito ng walang problema,"ani nito,"Ngayon, magpapatuloy na tayo sa susunod na pagsusulit. Sinabi na naman ni Rizy kung ano ang susunod, hindi ba?"
"Sino po ba ang magbabantay sa amin?" Tanong ni Alessia.
"Kami,"tugon ni Rizy, "Sa pagsusulit na ito at sa susunod pa na pagsusulit ay kami na ang magbabantay sa inyo. Huwag kayong mag-alala, patas pa rin naman ang paghusga namin."
"Sa ngayon, namin na kumuha kayo ng pana na sa tingin niyo ay komportable sa inyo. Ang pana na kung saan sa tingin niyo ay makakagalaw kayo nang maayos,"paliwanag ni Heneral at lumapit sa mga panang naka-sabit, "Ang bawat pana na naririto ay gawa sa mga items na sobrang tibay. Mula sa mga halimaw na may mataas na uri. Siyempre, hindi lahat ng pana rito ay kaya niyong kontrolin. Kapag hindi nararapat o ayon sa inyong lakas ang taglay na kapangyarihan ng pana ay maaring hindi mo ito mabuhat."
"Ibig niyo po bang sabihin ay magdedepende ito sa lakas namin?" Tanong ko. Tumango lamang ang heneral at ngumiti.
"Maari na kayong pumili ng inyong mga pana. Maghihintay lamang kami ni Rizy doon sa isang tabi hanggang sa maging handa na kayong dalawa,"ani nito.
"Salamat po, heneral,"sabi ko.
"Salamat po,"segunda naman ni Alessia. Tumango lamang ang heneral at nagsimula nang maglakad patungo kay Rizy. Nakatingin lamang ito sa amin habang nakangiti. Tumalikod na ako at hinarap ang mga pana na nakasabit sa ding-ding. Sobrang ganda ng mga ito at kakaiba ang kanilang mga disenyo. Gusto ko sana silang lahat pero siyempre, isa lamang ang dapat sa akin.
"May napili ka na ba?" Tanong ni Alessia.
"Wala pa,"tugon ko habang nakatingin pa rin sa mga pana, "Gusto ko silang lahat. Ang ganda kasi."
"I will never disagree,"tugon niya, "Ngayon lamang ako nakakakita ng ganito kagandang mga pana sa buong buhay ko. Ang ganda rin ng disenyo, sobrang angas."
"Kapag nakita 'to ni nanay, sigurado ay magwawala 'yon,"sabi ko rito at natawa ng mahina. Naiisip ko na ang reaksiyon nito kapag nakita niya ang mga ganitong klaseng pana.
"Sinabi mo pa!" Pagsasang-ayon nito, "Pumili na nga lang tayo. Baka mas lalo tayong ma-home sick kapag inisip pa natin sila."