Tumawa lamang ng malakas si Alessia habang nakahiga sa kama niya at yakap-yakap ang kaniyang isang unan. Napa-iling na lang ako dahil dito at kinuha rin ang isa ko pang unan, itinapon ko ito papunta sa kaniya at sakto naman ito sa kaniyang mukha. Muntikan pa nga itong mahulog kung hindi lang siya naka-kapit sa head board ng kama.
"Alam mo, sobra ka na,"saad nito at umayos ng upo, "Ano bang trip mo?"
"Ganiyanan na dahil ayos ka na? Kasi nakapag-pahinga na?" Tanong ko rito, "Kung hindi mo pa nahahalata, paalala ko lang sa iyo na umagang-umaga ay nang-aasar ka na."
"Well,"sambit nito at bumalik sa pagkakahiga, "Teka nga, bakit ang aga mo naman yata na gising? Hindi ba at pagod na pagod ka rin kahapon? Isang himala!"
Inirapan ko lamang ito atsaka naglakad na patungo sa pinto ng banyo. Labis nga ang pagkagulat ko noong kagabi ay may libre pala silang damit dito. Hindi ko alam kung bakit o ayos lang ba gamitin 'to. Baka kasi mamaya, na iwan lang pala 'to ng mga taong huling gumamit ng silid na ito.
Isang mahinang katok ang aking narinig mula sa labas. Mabilis akong napatingin kay Alessia dahil dito. May inaasahan ba kaming delivery ngayon? Isa pa, sa pagkakaalam ko ay wala naman kaming sinabi sa nagbabantay sa baba. Ano 'to? May free breakfast ba sa hotel?
Unti-unting tumayo si Alessia at lumapit sa pinto. Sinenyasan ko pa itong lumayo roon pero ayaw talaga niyang makinig. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako lumapit din dito. Sakto naman ang pagbukas ni Alessia sa pintuan at bumungad sa amin ang nakangiting taga-bantay.
"Magandang umaga sa inyong dalawa,"bati nito at ngumiti sa amin, "Nais ko lang sana sabihin sa inyo na mayroon kayong mga damit diyan na pwede niyong suotin."
"Araw-araw po ba magkakaroon kami ng libreng damit?" Tanong ni Alessia.
Sobrang kapal din ng mukha nang babaeng 'to. Pero buti naman at libre ito at hindi galing sa ibang mga adventurer. Akala ko ay galing pa ito sa kanila at na iwan lang.
"Ganoon po ba?" Sambit ko at ngumiti, "Salamat po."
Marahan na tumango lamang ang babae bago umalis. Dahan-dahan na sinarado ni Alessia ang pinto at patakbong bumalik sa kaniyang higaan. Minsan tinatamaan talaga ng katamaran itong si Alessia, pero sino ba naman ang hindi kung ilang araw din kayong puyat at pagod. Napa-iling na lamang ako at hinanda ang aking mga kagamitan para gagamitin sa pagligo. Mamaya pa naman ako papasok sa banyo pero siyempre dapat wala akong kalimutan dalhin.
Bilib din ako sa lugar na ito. Akala ko noong una ay dahil nga sa isa itong hindi ko maipaliwanag na mundo ay wala ng sabon, pero mali ako. May mga sabon sila na para bang isang gem, sobrang kintab pa nga at ang ganda. Mabango rin.
"Oo nga pala. Ano na gagawin natin ngayon?" Biglang tanong ni Alessia.
Sa katunayan niyan ay hindi ko alam kung ano ang gagawin namin ngayon. Wala nga akong alam sa mundong 'to tapos ako pa magpa-plano, but I guess mas magandang ideya siguro kung papasyalin namin ang buong bayan.
In that way, alam na namin kung saan kami pupunta kapag may kailangan kami. Iyon lang ay kung hindi tatamarin itong kasama ko. Mukhang mahal na mahal pa naman nito ang kaniyang higaan at ayaw bitawan.
Inilagay ko na sa isang lamesa ang mga gagamitin ko. Pati na rin ang aking mga damit at sabon. Pagkatapos ay bumalik ako sa higaan ni Alessia na kung saan takip-takip nito ang kaniyang mukha gamit ang unan. Napangiti naman ako dahil bigla na naman itong humilik. Kita mo 'to kakagising pa nga lang pero tulog na naman.
Umayos na ako sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.
Ano kaya ang pwede naming gawin sa bayan. Sobrang dami pa naman naming pera pero siyempre hindi namin ito dapat basta-bastang gagastusin. Kailangan ko rin mag-ingat dahil panigurado ay kapag inilabas ko ang pouch na ito, nasa amin ang atensiyon ng mga magnanakaw. Kahit saang mundo ka pa, hindi talaga maiiwasan na may mga ganoong klaseng tao. Oo nga at nahihirapan na sila sa buhay pero malulusog pa naman sila at pwede pa magtrabaho, kaya ayaw na ayaw ko sa mga taong makakati ang kamay.
Anyway, isang panibagong mundo at panibagong buhay. Dapat na talaga akong maging responsable.
Tumayo na ako sa pagkakahiga at kinuha ang pouch. Inilapag ko ito sa aking higaan at tinignan ng mariin.
"Paano ba kita pagkakasyahin?" Tanong ko rito.
Hindi ko talaga alam kung magkano ang mga pagkain dito. Pagkatapos ng araw na ito ay kailangan namin maghanap na ng trabaho sa Guild para may pera. Oo nga at marami pa ito pero hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi ito mauubos.
Sinimulan ko na muling bilangin ang mga pera na nasa pouch. Habang nagbibilang ako ay hinahati ko na rin ang pera kung saan ito papunta. Makalipas ang ilang sandali ay naramdaman ko ang paggalaw ng aking kasama sa gilid. Nang ibaling ko ang aking paningin sa kaniya ay kusot-kusot pa nito ang kaniyang mga mata.
"Good Morning, ulit,"sambit ko at ngumiti rito, "May balak ka pa ba bumangon diyan o buong araw ka na lang hihilata sa higaan?"
"Gutom na ako kaya hindi pwedeng dito lang tayo,"sambit nito at hinimas ang kaniyang tiyan, "Ngayon ko lang na alala na wala pala tayong kain kagabi. Ginising na ako nang mismong tiyan ko para ipaalala na gusto na niya kumain."
Natawa naman ako nang bahagya dahil dito.
"Hindi na nakakagulat,"sabi ko at tumayo na, "Alam naman nating dalawa kung gaano ka katakaw."
"Manahimik ka kung ayaw mong sapakin kita diyan,"ani nito at tumayo na, "Pwede ba ako na muna pumasok sa banyo? Medyo masakit din kasi tiyan ko."
"Ayusin mo pag-flush,"saad ko at tumawa ng bahagya, "Baka mamaya may makita pa ako riyan."
Umirap lamang ito sa akin at nagmamadali nang pumasok sa loob ng banyo.
Nakalimutan ko na naman sabihin sa kaniya ang tungkol sa plano ko mamaya. Siguro ay pagkatapos na lang siguro niya gamitin 'yong Cr.