Samara’s POV Hinila niya ako papunta sa malapit sa ilog. Naupo kami sa ilalim ng malaking puno ng mangga na kung saan ay sobrang lilim. Ang ganda doon. Nakaka-relax ang tunog ng maagos na agos ng ilog. “Dito tayo para hindi tayo makita ng lola ko. Nang sa ganoon ay hindi mauntol ang pag-uusap natin,” sabi ni Tori. “Ngayon, paano mo nalaman ang tungkol sa sinabi mo kanina? Totoo ba ‘yun o paraan mo lang ito para makausap pa ako?” “Totoo ‘yun. Nasaksihan ‘yun ng dalawang mata ko. Bago naging kami ni Melecio, lumapit din sa akin itong si Jordyn. Ginawa niya akong spy sa mga ginagawa sa buhay ni Melecio. Pumayag naman ako dahil noon ay silaw pa ako sa pera dahil walang-wala pa ako. One time, kukuha ako ng p*****t sa kaniya nang makita ko sa labas ng restaurant na pagkikitaan namin na hinal