Samara’s POV Busy si Melecio ngayong araw dahil sa dalawang branch ng Sip Me Baby One More time na patuloy pa rin na ginagawa. Today, idi-deliver ang mga kagamitan doon kaya hindi siya makakasama sa akin para puntahan si Tori. Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ay biglang nag-ring ang phone ko. Nakita kong may unknown number na tumatawag sa akin. Naisip ko na baka emergency ‘yun kaya agad ko namang sinagot. “H-hello?” “Puwede ba tayong magkita ngayon?” Teka, si Jordyn ba ito? Aba, himala! Mababa ang tono nang pananalita niya. Saka, ano na namang pakulo niya this time? “Bakit na naman? Anong kailangan mo sa akin?” tanong ko habang seryoso pa rin sa pagmamaneho. Ang dami kasing nagba-bike na nakasabay sa akin, natatakot ako na baka mabunggo ko sila. “Mag-usap lang tayo saglit. May sas