Melecio’s POV Pauwi na ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti na lang at pareho ng may bubong ang dalawang bagong branch ng milktea-han ko na ginagawa na, kaya malaya pa ring makakapagtrabaho ang mga construction worker ko roon. Habang nagmamaneho ako ng sasakyan ko ay napatingin ako sa isang ale na nakita kong nakasilong sa isang malaking puno malapit sa palengke. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Mama pala ang taong ‘yun. Basang-basa na siya roon kaya napailing ako. May hawak itong basket na punong-puno ng gulay na tila ba galing ito sa palengke. Wala siyang dalang payong kaya doon na siya naabutan ng ulan. Ang hilig pa naman nitong maglakad kapag pupunta sa palengke. Ganoon ang palagi niyang ginagawa para raw nakakapag-exercise siya kahit pa paano. Hininto ko