Samara’s POV Pag-uwi ni Melecio ay agad ko siyang pinaghain ng lunch niya. Nagluto lang ako ng pinakbet na gulay at dalagang bukid na isda. Mas maganda kung healthy palagi ang nakakain namin para malakas kami sa araw-araw. ‘Yun kasi ang kailangan dahil pagod ang puhunan namin sa pang araw-araw. “Half day ka lang ngayon sa shop natin, Samara,” sabi niya kaya agad akong napatingin sa kaniya. “Aalis tayo mamayang alas dos ng hapon,” dagdag pa niya habang pangal-pangal nito ang isda. “Ay, oo nga pala. Nag-aya nga pala si Dormin kahapon. Kaya lang ay walang akong magandang damit eh,” sabi ko habang ginagawan ko naman siya ng manggo juice. “Gumayak ka ng ala una. Dumaan tayo saglit sa mall para maibili kita ng mga bagong damit,” sabi niya kaya nagulat ako. “Sige lang pero may pera naman na