Samara’s POV “Kung ayaw mo sa akin, that’s fine. Huwag na lang tayong mag-usap o magkibuan, Tori. Ayoko ng away, please,” sabi ko sa kaniya nang mahinahon at saka ako tumayo. “Ay, hindi! Away talaga ang gusto ko! Lalo na kung ang gaya mo ang gusto kong hinahamon. Samara, unang araw pa lang ito nang pagme-meet natin pero ipaparamdam ko na agad sa iyo ang impyernong hatid ko,” sabi niya at saka ako sinabunutan. “Aray!” asik ko. Sakto naman na pagsabunot niya sa buhok ko ay biglang bumukas ang pinto ng room na kinaroroonan namin. Nakita ni Melecio ang ginawa ni Tori sa akin kaya dali-dali siyang pumasok sa loob para awatin ito. “What’s your problem, Tori?!” tanong sa kaniya ni Melecio habang inis ang boses. Nanlalaki ang mata niya, hindi niya inaasahang darating si Melecio. “Nanguna si