Samara’s POV Maagang umalis si Melecio para asikasuhin ulit ang kabilang shop. Ngayong araw na raw kasi ikakabit ang cctv doon kaya kailangan na naroon siya buong maghapon. Hindi na nga niya nakuhang mag-almusal eh. Ang sabi na lang nito ay kakain na lang siya sa malapit na restaurant doon pero hindi ako naniniwala na kakain ito. Sa stress ba naman na inabot niya sa nangyari sa milktea shop niya ay makukuha pa ba niyang kumain? Kung ako ‘yun ay talagang ‘di ako makakakain. Dumating na sina McKellar, Piolo, Trent at Castro. Sila na ang inutusan kong magbukas ng shop dahil may ginagawa pa ako sa garden. Hindi kasi nadidiligan ang mga halaman dito kaya medyo dry na ang mga dahon nito. Ang pangit sa ambiance kapag ganito. “Good morning, Miss Samara,” bati sa akin ni Danica. Napakunot ang no