Samara’s POV Naka-live ako ngayon sa Star Book habang name-makeup. Nang sa ganoon ay habang nagpapapahid ako ng mga kolorete sa mukha ko ay kausap ko ang mga fans ko. Madalas ko na silang bigyan ng time para makausap ako. Sila ang susi nang pagyaman ko kaya dapat lang na bigya ko rin sila ng time paminsan-minsan. Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang pagsagot ko sa panliligaw ni Melecio sa akin. Puro ‘yun pa rin nga ang nababasa ko sa comment section ng live streaming ko. “Congrats, Miss Samara! Sana all may poging boyfriend.” “Ang hot ng boyfriend mo, Miss Samara.” “Bakit pakiramdam ko ay ang yummy ni Kuya Melecio.” “Miss Samara, sama niyo na po palagi sa vlog niyo si Sir Melecio.” “Sige, guys. Sasama ko na siya palagi kapag hindi siya busy. Lahat ng request ko a