Samara’s POV “Tama na ito, Amara. Last mo na ‘yan. Isa pang beses na guluhin niyo ang mga bisita ko, malilintikan ka na sa akin. Ikaw naman ang makakatikim ng sampal sa susunod!” galit na sabi sa kaniya ni Donya Ara at saka nito ako hinila palabas sa silid na ‘yun. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya halatang nagalit talaga ito. Sa ikalawang pagkakataon ay muli na naman akong sinagip ni Donya Ara sa dalawang ‘yun. Nang oras na ‘yun ay hindi ako naging masaya. Pakiramdam ko kasi ay ito na ang simula nang malaking gulo sa aming dalawa ni Jordyn. Tiyak na hindi ito titigil hangga’t hindi ako magagantihan. Mas lalo na siyang magiging magulo, lalo at nalaman na niyang kami na ni Melecio. “Are you alright?” tanong niya sa akin. Malumanay na ang boses nito at maluwag na rin ang pa