Samara’s POV Wala ng mukhang maihaharap sa taong bayan sina Jordyn at Tori dahil sa viral video na kumalat galing sa mga fans ko. Pag-uwi ko kanina ay kalat na ito agad sa buong Pilipinas. Minuto pa lang ang nakakalipas ay halos umabot agad ng million views ang video na ‘yun. Naka-tag ako sa video kaya siguradong hahakot ito agad ng maraming views. In-accept ko ang pag-tag para malaman ng lahat na legit talaga ang nangyaring ‘yun. Nang sa ganoon ay makaganti manlang ako sa mga bruhang ‘yun. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang sakit na dulot ng mga sampal at sabunot sa akin ni Jordyn. Lasing na lasing ito kanina kaya napakatindi niyang manabunot. Halos makalbo na nga ako kanina. Naliyo rin ako dahil sa panggigigil niya sa ulo ko. Baliw na talaga siya