Melecio’s POV Tinanggap ni Jaro ang pag-imbita ko sa kaniya na magkita kami sa isang restaurant. Ako ang inutusan ni Samara na kumausap sa kaniya. Tapos siya naman ang kakausap kay Sherika. Kanina, ayaw na nga niyang ituloy ang pag-iimbestiga namin sa kung sino ang gustong sumira sa aming dalawa, pero ako naman ang umalma. Naumpisahan na namin ito kaya pinili kong ituloy na para malaman ko na rin ang totoong salarin. Hindi lang kasi ako ang nagago dito. Pati na rin si Costin. Naniniwala ako kay Samara na walang kinalaman dito si Costin. Nakita ko rin naman ang ugali at kilos nito nang makasama ko siya. Masasabi kong mabait at maganda itong makisama. Siyempre, may tama ng alak ‘yun tao at lahat naman ng taong may tama ng alak ay talaga namang kung anu-ano na ang mga nagagawa kapag wala