Samara’s POV Napansin ko na tila wala sa mood si Sanya. Kanina pa ito tahimik. Ang kagandahan naman sa kaniya ay hindi naman naapektuhan ang trabaho niya. Ganoon pa rin ito kabilis at hindi naman nagkakamali. Nilapitan ko si Danica. “Anong problema niya? May napapansin ka ba kay Sanya?” bulong ko sa kaniya habang naglalagay siya ng mga takip sa baso ng milktea. “Pansin niyo rin po pala,” sabi niya saka ito nag-poker face. “Hindi nga po siya nagsasabi sa akin. Pero sa tingin ko po ay parang may problema na naman ito sa bahay nila,” sabi pa niya. Akala ko pa naman ay magkagalit sila. Inakala ko na baka may lover’s quarrel lang sila. “Kung ganoon ay dapat magsabi siya para matulungan natin siya,” sabi ko. Kaya naman naglakas-loob na akong tanungin siya. “Masama ba ang pakiramdam mo,