Samara’s POV Gabi nang magising ako. Pagbangon ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Paano ako nakarating dito? Tumubo agad ang inis ko kay Jordyn nang maalala ko ang nangyari kanina. Napaka maldita niya talaga. Grabe na. Sobra na siya. Bumangon na ako. Pagtayo ko ay nagulat pa ako dahil may band-aid na ang tuhod ko. Sino kaya ang naglagay nito? Saka sino rin ang bumuhat sa akin nang mawalan ako ng malay-tao kanina? Tumingin ako sa paligid. Nakapagtataka. Parang mali ata ang napasukan kong kuwarto. Tama, hindi ito ang villa ni Jordyn kaya sigurado akong nasa maling villa ako. Nagtatakbo agad ako palabas sa villa na ‘yun. Pagdating ko sa labas ay nakita kong marami pa ring naliligo sa swimming pool. Bumalik ako sa cottage ng mga kasamahan ko. Nadatnan ko roon na umiinom