Samara’s POV Napatulo ang luha ko nang makita ko ang video na pinasa sa akin ni Sir Ced. Nagpunta raw doon si Melecio. Galit na galit sa kaniya at kung anu-ano ang pinagsasabi. Awang-awa daw siya rito nang makitang sobrang stress ng itsura nito. Walang duda. Mahal na mahal na nga ako ng sinta ko. Ang hindi nito alam, pina-prank lang namin siya para sa vlog ko. Kanina, imbis na puntahan ko si Sherika ay naisip kong ituloy na ang malalang prank na gagawin namin para kay Melecio. Si Sir Ced ang nakaisip ng prank na ito kaya isa rin siya sa pinaka malaki ang magiging part dito. Madalas na rin kasing i-request ng mga fans ko na isama ko si Melecio, kaya ito na ang chance para maisama na ulit siya sa vlog ko. Sa lahat ng vlog ko ay ito na ang pinaka pinag-effort-an ko dahil marami akong kaku