Melecio’s POV
“Hay, naku, Melecio! Matanda ka na, umiiyak ka pa diyan,” sabi ng papa ko nang makita niyang naghahati ako ng mga kahoy sa likod ng bahay namin. Inabutan niya ako ng tubig dahil nakita niyang pawis na pawis na ako. Uling ang business ni papa. Sa paghahati na lang ng mga kahoy ako nakakatulong sa kanila kaya kapag wala pa akong trabaho ay tumutulong muna ako sa kaniya.
“Wala na ho kami ni Jordyn, papa,” sabi ko pero hindi manlang siya nagulat. “Alam kong mangyayari iyan, anak. Tama lang ‘yon. Ayoko naman kasing makaranas ka ng panlalait sa mga mayayaman na ‘yun.” Si papa na lang ang tanging ramdam ko na nagmamahal sa akin sa pamilya namin. Si mama, parang sawa na rin sa akin e. Sawa na siyang maghintay sa pangarap ko na dati ko pa sinasabi sa kaniya. Parang si Jordyn lang, nagsawa na rin sa kakahintay ng pag-asenso ko kaya iniwanan na niya ako.
“Papa, aalis na rin na ako rito sa bahay natin,” sabi ko kaya nakita kong nagulat ang mukha niya. “Oh, aba, saan ka naman susuot? Paano mo naman bubuhayin ang sarili mo eh, gagaripot nga lang ang kita mo sa pinagtatrabahuhan mo,” sabi niya.
“Basta po. Ako na lang ang bahalang dumiskarte. Matanda na ho ako. Thirthy-years-old na ako kaya dapat nga lang na mahiya na ako sa sarili ko. Sa ganitong edad ay dapat nakakapag-abot na dapat ako sa inyo kahit pa paano. Sa ganitong edad dapat nabibigyan ko na kayo ng kasiyahan. Ang pangit isipin na ‘yung ako na lang ang natira rito sa bahay, pero wala pang silbi.” Napahikbi ako dahil sa sinabi ko. Nasaktan ako sa sarili kong salita. “Pa, magiging asensado rin ako. Ipapangako ko po sa inyo na kapag umuwi na ako rito ay may maipagmamalaki na ako sa inyo ni mama.”
Imbis na pigilan ako ay sinuportahan pa niya ako. Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako. Si papa, siya ang hinding-hindi ko makakalimutan. Pati na rin naman si mama. Marami na iyong nasakripisyo sa akin kaya naiintindihan ko naman kung bakit ganoon siya sa akin ngayon.
Pagpasok ko sa kuwarto ko ay nagpunas na ako ng pawis at luha. Nagbibihis na ako nang biglang mag-ring ang phone ko. “Hello, Sheldon?” Nagtaka ako kung bakit napatawag siya. “Melboy, naalala mo ba iyong paulit-ulit mong sinasabi sa akin kagabi?” tanong niya.
“H-ha? May sinasabi ba ako sa iyo kagabi?” Wala akong maalala. Nalasing din kasi ako. “Oo, iyong tungkol sa pag-utang mo sa akin ng pera. Ang sabi mo, gusto mong mag-business at bumili ng bahay.” Napailing ako nang maalala ko na ‘yun. Binibiro ko lang naman siya kagabi.
“Mellboy, nabalitaan ko ang nangyari sa ‘yo kaninang umaga. Nasabi na sa amin ni Dormin. Ganito, papautangin kita ng pera. Kahit matagal mo akong bayaran, ayos lang. Ang gusto ko ay magawa mo ang mga gusto mong gawin sa buhay mo. Abutin mo ang mga pangarap mo. Gawin mo ang sa tingin mo ay ikakaahon at ikakalibang mo. Anyway, bago ko ito sabihin ay na-send ko na sa bank account mo ang pera na hihiramin mo. Check mo na ngayon. Good luck at laban lang palagi. Marami pang iba diyang. Huwag kang mag-focus sa iisa lang. Sayang ang laki ng ari mo kung iiyak ka lang.”
“T-teka—”
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binabaan na niya agad ako ng linya. Agad ko namang tinignan ang bank account ko. Hindi ko inaasahan na makikita kong may tatlong milyon siyang pinahiram sa akin. Mayamaya ay bigla siyang nag-message.
“Ang dalawang milyon ay para sa bahay at lupa, bumili ka na ng sarili mong place para hindi ka na nilalait sa bahay ninyo, tapos ang isang milyon naman ay para sa business mo. Huwag kang ma-pressure, ha? Kahit matagal na matagal mo akong hindi muna bayaran ay ayos lang sa akin. Basta sa ngayon ay gusto kong makita na maging okay ang bestfriend ko. Gusto kong makita na inuumpisahan mo na ang gusto mong gawin sa buhay mo. Abutin mo na ang pangarap mo, naging tulay na ako kaya dumaang kang mabuti at ingatan mo ang tulay na binigay ko.”
Ka-sweet ng bundol na ito. Napaluha tuloy ako. The best talaga siya. Hindi ko inaakalang maaalala pa niya ang pangti-trip ko kagabi. Hindi ko inaasahang seseryosohin niya.
“Tangina, brother, pinaiyak mo ako. The best ka talaga. Kaya mahal na mahal kita e,” reply ko sa kaniya.
**
Sa loob ng isang linggo ay nag-ikot ako sa buong Esteban Town. Sa Bakas Street ako nakakita ng bahay at lupa na binibenta. Nakausap ko na rin kanina ang may-ari niyon. Maganda ang bahay at lupa na nakita ko. Nakatayong bahay na kasi ang kinuha ko. Bale, pagagandahin ko na lang iyon. Ang plano ko kasing i-business ay milk tea shop. Alam kong marami nang nagbu-business ng ganoon dito, pero kakaibang style naman kasi ang naisip ko. Nitong mga nagdaang araw ay madalas na kasi akong manuod ng vlog ng mga vlogger na nagco-content ng tungkol sa milk tea at kung anu-ano pang drinks. For me, madali lang naman ang paggawa ng mga iyon. Kayang-kaya ko. Nalaman ko rin kung saan ako makakakuha ng mga solid na flavor na pang-international. Imported kung imported talaga. May nakausap na rin ako sa Taiwan at Korea. Naka-order na rin agad ako. Dalawa ang supplier na kinuhanan ko para kapag wala sa isa ay mayroon akong makukuhan sa iba.
“Anong drama ‘yan, Melecio?” saway sa akin ni mama nang makita niyang bitbit ko na ang mga gamit ko. Dumating na kasi iyong inarkila kong mini truck na panggagamitan ko sa paghahakot ng mga gamit ko.
“Maging masaya na po kayo, mama dahil aalis na ako rito sa bahay,” sabi ko. “Wala na po kayong anak na sakit sa ulo na makakasama rito. Makakatipid na po kayo ng kanin at ulam. Bubukod na po kasi ako at ngayong araw na po ako aalis dito,” sabi ko.
“Hindi naman kita pinapalayas, ah. Ganoon lang naman ako magsalita, kaya huwag mo sanang siniseryoso.” Naging mahinahon at parang iiyak si mama dahil sa tono nang kaniyang papanalita.
“Alam ko naman po iyon, Ma. Pero, hayaan niyo na po ako. Gusto ko na rin naman pong harapin ang bukas na ako na lang muna. Magbu-business ako at susubukan kong abutin ang mga pangarap ko. Babalik ako, Mama, kapag kaya ko nang ipagmalaki ang sarili ko sa inyo.”
Niyakap na lang ako bigla ni mama. Hindi na ako naiyak dahil naubos na ata ang mga luha ko dahil sa pag-iyak ko nitong mga nagdaang araw.
**
Pagkaraan ng isang linggo ay naayos at nakabili na ako ng mga kagamitan na gagamitin ko sa business ko. Inuna ko na muna iyon. Pero, namili na rin ako ng mga pangluto at kagamitan ko sa bahay. Pinili ko lang ang mga binili ko para hindi maubos ang pera kong hiniram kay Sheldon. Kasado na ang lahat. Dalawa na lang ang problema ko. Ang pagpapaganda dito sa ibabang bahagi ng bahay ko dahil dito ko balak magtayo ng milktea. Bale, ang itaas na lang ang gagawin kong tulugan at kainan. Isa pa sa problema ko ay ang pagkuha ng kahit isang tao na makakatulong ko. Dapat na siguro akong mag-post sa social media.
Naglalakad na ako pauwi sa bahay ko. Nag-ikot kasi ako sa bayan. Lahat ng milk tea shop ay binilhan ko ng mga iba’t ibang flavor. May iilan na masarap, pero may iba na hindi. Sa nakita ko sa mga shop na ‘yun ay wala pang nakakagawa ng kakaibang lasa. Iyong lasang pang-international talaga kaya malakas ang loob ko na matatalo ko ang mga ‘yun kapag nagbukas na ako.
Mayamaya, naglalakad ako sa isang tabi nang makasabay ko ang isang babae na nakababa ang balikat habang may dala-dalang maraming bag. Sa nakikita ko ay parang nag-alsa balutan ito. Nang tignan ko ang mukha niya ay parang umiiyak siya nang tahimik. Tinignan ko ito. Maganda siya. Sexy din. Mukhang weird lang ang itsura sa ngayon dahil malungkot e.
“Saan na ako nito tutuloy? Saan na ako aabutin nito? Magiging pulubi na ba ako?” Narinig ko ang mga sinabi niya kaya lalo akong naawa. Nang maisip ko na kailangan ko ng isang tauhan sa milk tea shop ko ay bigla kong naisip na lapitan siya.
“Baka naghahanap ka ng work?” sabi ko nang sabayan ko na siyang maglakad. Napatingin agad siya sa akin. “Bahay ang kailangan ko sa ngayon. Matutuluyan ang kailangan ko, hindi trabaho,” sagot niya at tila galit pa ang tono nang pananalita.
“Okay, sa akin ka na lang din tumuloy. Bahay ko rin naman iyong gagawin kong milk tea shop. Naghahanap ako ng at least isang magiging kasama ko sa business ko. Gusto kitang i-hire.” Doon na niya ako tinignan sa mukha. Kuminang ang mata ko nang makita ko kung gaano siya kaganda. Natameme ako roon.
“Wala na akong pakelam kung masama ka man o hindi, desperada na akong makahanap ng matutuluyan. Ayokong matulog sa lansangan, kaya, sige, sasama na lang ako sa iyo.”
“Don’t worry, hindi ako masamang tao. Safe ka sa akin,” sagot ko at saka ko siya nginitian. Tinulungan ko na lang din siyang magbuhat ng mga gamit niya dahil mukhang kanina pa ito bigat na bigat.
Masaya na rin ako dahil may makakasama na ako sa bahay ko. Sana lang ay matinong babae itong nakuha ko. Kung hindi, maaga ko talaga siyang patatalsikin sa bahay at sa business ko. Sa ngayon ay ituring na lang din muna niya akong tulay na gaya ni Sheldon. Sana lang ay gaya ko ay ingatan din niya ang tulay na binigay ko sa kaniya para maging maayos na rin ang buhay niya. Sabay naming aabutin ang bukas na hindi na kailangang mag-iiyak.