Melecio’s POV
Pagdating namin sa bahay ay inikot ko siya sa loob ng bahay at pati na rin sa bakuran. Habang iniikot ko siya ay pinaliwanag ko na rin sa kaniya kung saan ang puwesto nang magiging milktea shop ko. Double time dahil gusto ko na ring magbukas ng shop. Maganda ‘yung habang tinu-tour ko siya ay alam na niya ang mga plano ko. Baka kasi may suggestion siya. Excited na rin kasi ako.
Pagkatapos ay hinatid ko rin siya sa itaas. Mabuti talaga at dalawa ang bedroom doon. Kaya lang ang room niya ay wala pang bed sa ngayon. “Magtiyaga ka na lang muna sa sapin o kutson. Mayroon ako sa room ko. Dadalhin ko na lang dito mamaya,” sabi ko sa kaniya. Panay naman ang tango niya. Tila nahihiya pa itong makipag-usap sa akin. Ibinaba na niya ang mga dala-dala niyang bag sa isang gilid. “Iwanan na rin muna kita rito. Hindi ko pa kasi nalilinis ang room na ito. Baka naman kaya mo nang linisin ‘yan. Libre ka naman dito kaya need mo ring mag-effort. After mong maglinis ay bumaba ka na para magluto ng hapunan natin. Bilang libre ka naman sa bahay na ito, ang pagluluto at paglilinis na lang ang hinihiling kong maging ambag mo. Wala ka pa naman kasing magiging work. Baka next week pa ang pag-open ko ng milktea shop,” paliwanag ko sa kaniya.
“Walang problema, kayang-kaya ko po ‘yan. By the way, salamat po sa pagpapatuloy niyo sa akin rito. Hulog ka ng langit sa akin. Akala ko ay magiging pulubi na ako kanina. Walang-wala kasi ako kahit singko mang duling.” Nakakaawa talaga. “Oh, siya, kunin mo na lang ang walis at dustpan sa ibaba. Iiwan na kita at aayusin ko pa kasi ang mga upuan sa may labas.”
Aalis na dapat ako nang bigla niya akong tawagin. “Manong…” Napalingon ako sa kaniya nang sabihin niya ‘yun. Mukha na ba akong matanda at manong ang tinawag niya sa akin? Porket mabigote ako ay matanda na ba akong tignan? Medyo nainis ako roon. Pogi at mukha naman akong bata. Lapitin kaya ako ng bakla at babae kapag nasa ibang lugar ako. Hindi naman siguro ako mukhang manong kung ganoon sila sa akin.
“Ano po ‘yun, Tita?” panunukso ko sa kaniya. Nakita ko tuloy na nanlaki ang mata niya. Akala niya ay siya lang ang magaling mang-asar.
“Gusto ko lang sanang itanong ang pangalan ninyo. Pinatuloy niyo na ako rito sa bahay niyo kaya dapat siguro na magpakilala na rin ako sa ‘yo.” Lumunok siya ng laway bago muling magsalita. “Ako nga pala si Samara Losande, dalawampu’t walong taong gulang. Ulilang lubos na ako. Tita ko na lang ang kasama namin sa bahay namin. Ang totoo niyan ay pinalayas niya ako ngayon.” Naawa ako. Bakit palaging masasama ang mga tita. Bakit kapag wala na ang mga magulang ng mga pamangkin nila ay hindi manlang silang makaramdam ng awa sa mga ito? Parang ‘yung mga madalas kong mapanuod sa movie o palabas sa sinehan. Talaga pa lang nangyayari ‘yun sa totoong buhay.
“Anong dahilan ba at pinalayas ka, Samara?” Mukha siyang batang tignan pero sigurado ako na ilang taon lang ang agwat ko sa kaniya. “Kagabi, sapilitan kasi akong naaya ng mga ka-workmate ko. Birthday ng isa sa kasamahan ko kaya napainom kami ng alak. Ayoko talaga kasing umiinom ng alak kapag alam kong may pasok ako, pero bad-influence ang mga katrabaho ko kaya wala akong nagawa kundi ang uminom na lang. Nalasing ako. Kinabukasan, naamoy kami ng mga boss namin na amoy alak kami kaya natanggal kami sa trabaho. Nagalit ang tita ko dahil doon. Kaya, ayun, napalayas ako.”
“Single ka ba o may jowa na?” Mainam na ‘yung malaman ko kung single o may jowa siya. Aba, baka kasi magdala pa siya ng lalaki rito. Ayoko rin ng distraction sa work. Baka kasi panay ang absent niya para lang makipag-date ng madalas sa jowa niya. Hindi ko kailangan ng ganoong katrabaho.
“Wala po. Single ako. Magdadalawang taon na akong single.” Natuwa ako sa sagot niya. Mainam pala kung ganoon. “Maging masipag ka lang at maging matino, hinding-hindi ka mapapalayas dito. Akong bahala sa iyo. Kapag maganda ang kinalabasan ng business ko, gagawin kong Manila rate ang sahod mo,” sabi ko sa kaniya kaya napangiti ito.
“Huwag kayong mag-alala. Tamang tao ang nakuha ninyo. Tiyak na magiging masaya kang kasama ako dahil marami akong alam gawin.” Panay ang buhat niya ng sariling bangko. Gawin niya, huwag puro salita.
“Oh, siya, sige na. Maiwan na ako.”
“Manong…” Napahinto ulit ako sa pag-alis nang marinig ko ulit ‘yun.
“Tatlumpung taong gulang lang ako. Manong na ba talaga kapag ganoon ang edad?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo ko. Napangisi siya na tila ba nahiya. “Hindi naman po sa ganoon. Ganiyan ko kasi tawagin ang mga lalaki. Tinawag ulit kita dahil hindi niyo pa po nasasabi sa akin ang pangalan mo?”
Nawala ang kunot ng noo ko dahil tama nga naman siya. Nakalimutan ko ring magpakilala sa kaniya. “Ako si Melecio Castillon, tatlumpung taong gulang. Okay na ba?”
Tumango siya at saka ngumiti. Bigla niya ring nilahad ang kamay niya. “Nice to meet you po, Sir Melecio,” sabi niya. Tinanggap ko naman ang kamay niya at saka kami nag-shake-hands. Pagkatapos ay tuluyan na akong bumaba sa ibaba para mag-ayos sa labas.
Sakto, paglabas ko ay dumating na ‘yung truck na magde-deliver ng lamesa at iba pang mga gamit na in-order ko sa online shop. Pumasok muna ulit ako sa loob para kunin ang pera ko. Malaki-laki pa ang pera na natitira sa akin dahil tipid na tipid ako. Bago ako bumili ng mga gamit ay sinisigurado kong sulit ang presyo at maganda at matibay din para walang sayang. Lamesa at mga buhay na halaman ang dumating ngayong araw. Hindi ko na maipapasok sa loob ng bahay ang dami ng lamesa na ‘yun kaya kinabit ko na ang magandang tarapal sa itaas para sakaling umulan o tirik ang araw ay hindi mababasa o madadapok ang mga lamesa at upuan. Inaasahan kong matatagalan pa ang mga lamesa kaya ang naiisip kong next week pa ang opening nitong business ko. Pero mukhang magbabago na ‘yun dahil bukas ay darating na rin ang mga flavor ng milktea na galing sa ibang bansa.
“Anong ulam ang lulutuin ko?” Napalingon ako kay Samara. Binitawan ko ang tinatanim kong halaman at saka ako lumapit sa kaniya. Naka-dress siyang damit ngayon at luwa ang kaniyang dibdib kaya bigla akong napalunok ng laway. Talaga bang ganito ang damitan niya sa bahay? Nakakailang tuloy. Imbis na sa mukha niya ako titingin ay hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa dibdib niya.
“Ah, eh, sanay ka bang magluto ng adobong baboy?” Napansin niya na palipat-lipat ang tingin ko sa dibdib at mukha niya kaya tinakpan na niya ng kamay at braso ang kaluluwa niya. “Yes, Sir Melecio, sanay ako kahit ano pang lutong ulam.”
“Kung ganoon ay pumunta ka na lang sa kusina. Ikaw na ang bahalang magluto at busy pa kasi ako rito,” sagot ko. Nang tumalikod na ito ay napatingin naman ako sa umbok ng p*wet niya. Sobrang sexy ng babaeng ito. Parang imposible atang wala siyang jowa.
Bumalik na ako sa ginagawa ko. Inabot ako ng dilim dahil sa pag-aayos. Tinapos ko talaga nitong buong araw ang lahat nang dapat ayusin sa labas para bukas ay sa loob naman ang aayusin ko. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong naghahain na ng pagkain si Samara. Muli, hindi ko pa rin maiwasang titigan ang katawan niya. Madalang akong magkaganito sa babae. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya at parang ang tingin ko sa kaniya ay parang si Joldy Palma na ex-girlfriend ko. Siguro ay dahil sa magkahubok at magkatawan sila at magkamukha rin ng haba at kulay ng buhok, parehong blonde.
“Sana magustuhan mo ang adobo kong baboy,” sabi niya habang nagtitimpla naman ng juice. Ngumiti ako. Masipag nga ata ang isang ito. Napapahanga niya agad. Pero tila nawala ang gutom ko. Sa kaniya pa lang kasi ay busog na ako. Mukhang maaga akong makaka-move on nito kay Jordyn.
“Amoy pa nga lang ay mukhang masarap na,” sabi ko sa kaniya at saka na ako naupo sa hapagkainan. Binigyan na rin niya ako ng kakainan at pagkatapos ay naupo na rin siya para sabayan akong kumain.
Natahimik ako habang kumakain. Nakakatuwa dahil masarap talaga ang luto niya. Magagamit ko siya sa business ko dahil hindi lang milktea ang ititinda ko. Mayroon ding ibang snack para may partner naman ang milktea.
“Na-miss kong magluto nito. Hindi ko na kasi nagagawa ito sa bahay namin dahil busy ako sa work. Isa pa, ayaw akong paglutuin ng tita ko dahil magastos daw ako sa mga ingredients nang niluluto ko. Ayaw niya nang malasa. Gusto niya, matabang. Ang tipid-tipid niya eh, sa akin din naman nanggagaling ang pera na pinapalamon ko sa kaniya. Alam mo bang walang natitira sa mga sinasahod ko. Lahat kinukuha niya. Napakagahaman niya.” May diin at halatang galit na galit siya sa tiyahin niya. Mabuti na rin na nangyari na pinalayas siya para makawala na siya sa kawalangyaan no’n. Ipapangako ko sa sarili ko na habang nasa pudir ko siya ay hinding-hindi na siya makakaranas ng ganoong kalungkutan. Magiging masaya siya rito dahil gaya ko ay sawa na ako sa mga ganoong kalungkutan. Gusto ko namang maging masaya kaya idadamay ko na rin siya sa kasiyahan na gusto kong mangyari sa buhay ko.
Umiinom na ako ng tubig nang bigla kong maramdaman na bumilis ang t***k ng puso ko. Nag-init ang katawan ko at unti-unti nang tumatayo ang sandata ko sa loob ng boxer short ko. Syet! Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na allergic ako sa bawang. Hindi ito maganda. Nakalabas na agad sa butas ng boxer short ko ang ulo ng ari ko. Nakakahiyang tumayo. Pero kailangan kong makapagpalabas para mawala itong nararamdaman ko. Tangina, gusto ko nang galawin ang ari ko pero hindi ko magawa dahil kasalukuyan pa lang siyang kumakain. Kung tatayo ako ay tiyak na mas lalabas pa ang ari ko sa butas dahil kapag nagalit ito ay tiyak na hindi na kasya sa loob ng boxer short ko. Kung alam ko lang na mangyayari ito ay hindi ko na dapat hinubad ang pantalon ko kanina. Tangina talaga!