Melecio’s POV
“Tangina, Melecio! Ano ‘yan?!” sigaw ni Dormin nang pasukin ako sa room na tinulugan ko. Nagulat pa ako dahil hubu’t hubad ako nang makita niya ako. Dali-dali ko tuloy hinatak ang kumot para itakip sa katawan ko.
“Gago ka, titig na titig ka naman sa alaga ko,” buska ko sa kaniya.
“Gunggong, mas malaki pa ang akin diyan. Magbihis ka na at uuwi na sila. Ikaw na lang ang tulog. Gago ka talaga. Nag-s*x na naman siguro kayo ni jordyn, noh?”
“Wala ka nang pakelam doon. Saka, napansin ko na ikaw lang ang doctor na ganiyang umasta. Puro bad words ang bukambibig mo. Lumabas ka na at magbibihis na ako,” sabi ko sa kaniya kaya tumawa na lang ito at saka sinara ang pinto. Pag-alis niya ay nagbihis na ako. Hindi ko namalayan na wala na pala sa tabi ko si Jordyn. Sabagay, kahit nakainom iyon ay maaga talaga siyang bumabangon. Baka nga nag-jogging pa iyon e. Alcoholic siya pero maalaga naman ito pagdating sa katawan niya. Ayaw nito na nagkakaroon siya ng taba sa tiyan niya. Pagbaba ko sa hagdan ng bahay nila Dormin ay nadatnan kong tulala sa sofa ang mga kaibigan ko. Gulo-gulo ang mga buhok nila. Halatang may mga hang-over.
“Saan ka ba sasabay, Melecio?” tanong ni Sheldon. Siya ang pinaka-bestfriend ko sa lahat. Siya rin ang pinaka mayaman sa lahat. Anak lang naman ito ng bilyonaryo. Kahit ganiyan ‘yan, hindi siya maarte. Hindi siya nakakalimot sa mga kaibigan niya, lalo na ako. Si Sheldon ang takbuhan ko kapag may kailangan ko. Si Sheldon ang parang bangko ko kapag may gusto akong bilhin para kay Jordyn.
“Sa iyo na, Sheldon,” sagot ko. Koenigsegg CCXR Trevita lang naman kasi ang dala niyang sasakyan ngayon. Nakakalula ang presyo ng sasakyang niyang iyon. Hindi puwedeng hindi titingin ang mga tao kapag napapadaan ang sasakyan niya.
“Gustong-gusto talagang sasakay nito sa Koenigsegg CCXR Trevita,” tukso ng isa kong kaibigan. “Aba’y siya namang totoo. Minsan na nga lang makasakay sa ganoong ginto ang presyo, hindi mo pa ba susulitin?” Sa totoo lang, nagpi-feeling cool na lang ako sa harap nila. Nakakalungkot lang din isipin na silang lahat ay may mga sarili ng kotse. Ako lang talaga ang wala. Ako lang ang madalas makisakay sa kanila. Ganoon pa man ay proud pa rin ako sa kanila dahil maganda-ganda ang pamumuhay nila ngayon. Hindi ko pa siguro time sa ganoong tagumpay. Hindi pa ako suwerte sa ngayon. Alam kong darating ang araw na magiging succesful rin ako.
“Halika ka na at dumaan na tuloy tayo sa coffee shop,” aya ni Sheldon sa akin kaya nagtayuan na ang lahat. Kapag nag-aya kasi ito ay automatic na sagot niya ang gastos.
Umakbay sa akin si Sheldon nang sabay kaming maglakad palabas sa bahay nila Dormin. Nahinto na lang ako sa paglalakad nang makita kong nakaabang si Jordyn sa labas ng gate nila Dormin. Dala-dala nito ang sasakyan niyang ferrari. Bagong ligo siya at bihis na bihis na naman.
“Mukhang may batang hindi na naman makakasama sa atin,” parinig ni Sheldon.
“Sige na, mauna na kayo. Hindi na pala ako sasama,” sabi ko kaya isa-isa na silang umapir sa akin. Tinignan ko pa ang mga sasakyan nila habang paalis sila. Nang mawala na sila sa paningin ko ay doon ko na hinarap si Jordyn. Paglapit ko sa kaniya ay hinalikan ko agad siya sa pisngi niya. Nagtaka lang ako dahil parang ang cold niya. Hindi rin ito ngumingiti. May something din sa mga tingin niya. Doon pa lang ay alam kong may mali.
“Ayos ka lang, babe? Nasiyahan ka ba sa ginawa nating kagabi?” tanong ko. Iyon agad ang inungkat ko para mapasaya ko agad ang mood niya pero tila hindi umipekto.
“Melecio,” banggit niya sa pangalan ko kaya napakunot ang noo ko. Hindi niya ako tinatawag sa pangalan ko. Kapag gagawin niya iyon ay ibig sabihin ay galit siya o nagtatampo sa akin. “M-Melecio? Bakit ganiyan mo na lang ako tawagin? M-May nagawa ba akong mali? W-Wala naman ata akong natatandaan na pinaggalitan natin kagabi, ah?” Umiwas siya nang tingin sa akin. Nakita kong may namumuo ng luha sa mga mata niya. Pinipilit niyang hindi iyon tumuloy para maging cool pa rin siya sa harap ko.
“Melecio, let’s break up,” walang gana niyang sabi at saka tumingin nang seryoso sa akin. Hindi agad ako nagre-act. Naghintay muna akong bawiin niya iyon. Minsan kasi ay kapag may topak siya ay pinagti-trip-an niya talaga ako. Pero ang ngayon ay iba. Parang seryoso, kaya hindi ko napigilang maluha sa harap niya.
“Totoo ba ito, babe?” Mahinahon pa rin ako. Pinipilit kong isipin na joke lang lahat. Naghihintay pa rin ako na sabihin niyang joke lang, pero wala. Mukhang totoo na talaga. “I’m so, sorry, Melecio. Ayoko mang gawin ito, pero mukhang tama ang mga parents ko. Hindi tayo ang nababagay sa isa’t isa. Wala ka pa ring magandang trabaho hanggang ngayon. Hindi pa rin kita kayang iharap sa parents ko. Ayaw mo rin naman hindi ba? Gusto kitang iharap o ilaban, pero ikaw itong ayaw humarap sa kanila. Natatakot ka. Bakit kasi matatakot kung kaya naman kitang ipaglaban? Wala akong pake kung walang-wala ka ngayon. Pero, ngayon, gusto ko nang sumuko dahil puro ikaw ang sinisisi ng parents ko dahil sa pag-uwi ko palagi ng umaga sa bahay namin. Puro ikaw ang nilalait at sinisisi nila. Natatakot ako isang araw na baka kapag may nangyaring masama sa akin at wala ka naman kinalaman ay ikaw pa rin ang sisihin nila. Aaminin ko na sa ‘yo na naaawa na ako sa ‘yo kapag nilalait ka ng mga magulang ko. I love you so much, Melecio, kaya nasasaktan din ako kapag ginaganoon ka nila. Ako ang mas nadudurog. Kaya naman naisip kong putulin na ang relasyon natin para matigil na rin sila. Sa ayaw at sa gusto mo, makikipaghiwalay na ako sa iyo, Melecio. Thank you sa lahat-lahat ng effort mo sa akin. Thank you sa sobra-sobrang pagmamahal mo sa akin. I’m really, really, sorry, Melecio. Alam kong mababaw masyado ang dahilan ko, pero ayoko na talagang laitin ka ng mga magulang ko. Ayoko nang ginaganoon ka. Bahala na kung anong mangyari. Magalit ka na kung magagalit sa akin. Kung gusto man kitang balikan in the future, huwag mo akong tanggapin. Parusa mo iyon sa akin. Iyon ang gawin mo para magantihan mo ako.”
Hindi na ako nakapagsalita. Pinakinggan ko na lang siya nang pinakinggan habang panay ang pagtulo ng mga luha ko. “Paalam, Melecio,” sabi pa niya at saka ito tumakbo papasok sa loob ng kotse niya. Hindi ko na magawang habulin siya. Hindi ko na kaya. Nang malaman ko ang dahilan niya ay nawalan na rin ako ng confidence. Ilang taon din siyang nag-abang sa ikakaangat ko sa buhay. Ilang taon din siyang nag-suggest sa mga work na dapat kong pasukan, pero hindi niya kasi alam na hindi ako pumapasa. Hindi ko kasi kaya. Hindi kaya ng utak ko. Hindi rin kaya ng bulsa ko. Marami akong hindi sinasabi sa kaniya. Hindi ako matanggap-tanggap sa mga trabahong pang-professional. Hindi ko masabi sa kaniya iyon dahil natatakot akong sukuan niya ako. Pero nangyari na iyon ngayon kaya sobrang sakit ng loob ko. Lumabas na rin sa bibig niya na hanggang ngayon ay wala pa rin akong napapatunayan. Nag-aabang talaga siya. Kumbaga, parang nagtitiis na lang din siya sa akin. Tinitignan siguro niya kung may mangyayari ba sa akin, pero wala. Hanggang ngayon, crew pa rin ako sa isang maliit ng restaurant.
Naramdaman ko na lang na bigla akong niyakap ni Dormin. Nakapang-doctor na itong uniform at mukhang papasok na sa trabaho. Narinig niya siguro ang lahat kaya naawa siya sa akin. Doon na ako humagulgol. Para akong bata na inagawan ng lollipop.
Ito ang araw na pinakanakakalungkot na nangyari sa akin. Mag-isa na lang ulit ako ngayon. Talaga ngang wala kang silbi sa mundong ito kapag wala ka ring maipagmamalaki sa kanila.