Melecio’s POV Habang nag-iinuman na kaming lahat ay nakikita ko naman na talagang namang enjoy silang lahat. Deserve nila ang ganitong kasiyahang dahil alam kong ilang araw na silang pagod sa pagtatrabaho. Sa tingin ko ay dapat ginagawa na namin ito at least dalawang beses sa isang buwan para nare-relax naman kaming lahat. Alam kong kaunti pa lang kami sa ngayon at balang-araw ay dadami kapag dumami na rin ang branch na milktea-han ko. May tama na rin ako ng alak dahil hindi ko na namamalayan na maya’t maya ay nayayakap ko na si Samara dahil sa mga kuwentuhan nila na nakatatawa. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing matutuwa ako ay nayayakap ko na siya. Hindi ko na rin naalis sa kaniya ang pag-akbay ko sa balikat niya. Mabuti na lang at okay lang sa kaniya ‘yun. Mabuti na lang at hindi siya