Samara’s POV Sinag ng araw mula sa nakabukas ng bintana ang gumising sa akin. Pagdilat ng aking mga mata ay nakangiting mukha ni Melecio ang bumungad sa akin. “Good morning, prankster queen!” bati niya sa akin habang nakasuot ito ng apron kaya agad akong natawa. Hindi pa rin siya maka-move on sa pagpa-prank namin sa kaniya kagabi. “Good morning,” sagot ko at saka ko siya kinunutan ng noo. “Bakit nakasuot ka ng ganiyan? Nagluluto ka ba?” tanong ko pa. Bumangon na ako at saka naghikat ng katawan. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag kumpletong eight hours ang tulog. “May ginawa kasi ako. Malalaman mo lang ‘yun kapag bumaba ka na,” sabi niya habang tinutulungan na akong magligpit ng pinagtulugan namin. Tinitiklop niya ang kumot habang ako naman ay inaayos ang mga sapin ng unan. “Mauna