Chapter 38

2421 Words

Samara’s POV Paalis na kami sa bahay nang biglang sumulpot ang matandang babae na nagtitinda ng mani malapit sa kabilang branch ng milktea shop ni Melecio. Ito ‘yung nagsasabi sa akin na namumukhaan niya kung sino ang bumasag sa mga salamin ng shop ni Melecio. Hinihingal ito nang lumapit sa amin. “Jusko, mabuti at nahagilap ko kayo,” sabi nito kaya nagkatinginan kami ni Melecio. “Bakit ho ba? Anong problema, lola?” tanong ko naman. “Ang babaeng nambasag ng salamin doon sa kabilang branch nito ay hina-hunting na rin kasi ako. Siguro ay nalaman niyang hindi naman talaga ako baliw. Balak na ata niya akong isunod doon sa babaeng gusto na rin niyang itago sa malayo,” sabi nito kaya napakunot ang noo namin ni Melecio. Hindi namin maintindihan ang sinasabi niya. “Teka, teka, sino naman ‘yun

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD