Melecio’s POV Maraming salamat naman at ayos na ang isang branch ng milktea shop ko. Two days na lang ay lilipat na roon sina Danica, Mckellar at Piolo. Baka doon ko na muna rin ilagay si Castro habang wala pang kapalit kay Sanya. Busy pa kasi Samara. Hindi pa siya makapagsagot sa mga nag-a-apply sa shop namin. Nakasakay na ako sa tricycle at pauwi na sa bahay. Sinilip ko lang saglit ang shop dahil ngayon na natapos ang huling kinabit na mga lamesa at upuan sa loob ng shop. Para sa akin, mas maganda-ganda ang bagong shop ko na ‘yun. Isa pa, malaki-laki at kasya ang fifthy pirasong tao sa loob. Aircon naman na din doon kaya sakaling magtagal sila sa pila ay hindi sila maiinip dahil malamig naman. “Diyan lang po sa tabi,” sabi ko sa tricycle driver. Naisip ko na kailangan ko na rin ng sas