Samara’s POV Isang linggo na ang nakakalipas simula nang malaman kong isa akong Ortega. Napakiusapan ko na rin si Ryder na sa amin lang muna ang nalamang kapatid niya ako. Ginalang naman niya ang desisyon ko. Simula nang malaman niyang magkapatid kami ay panay ang gala niya sa akin. Maka-makalawa ay pinupuntahan niya ako para ikain sa labas at para na rin makapag-bonding kami. Nang malaman niyang magkapatid kami ay lalo siyang naging sweet sa akin. Sa tuwing magkikita kami ay hindi puwedeng wala siyang dalang regalo. “Hala, wala na naman si nanay. Ano ba ‘yan, pagod ka na nga sa trabaho, paghahanapin ka pa sa gabi. Naiinis na talaga ako sa kaniya,” iritadong sabi ni Sanya nang hindi niya makita ang nanay niya. “Kababa ko lang din kaya hindi ko alam na wala na pala ito sa bahay,” sabi k