Samara’s POV “Ano hong ginagawa ninyong lahat dito?” tanong ko habang malakas ang pagkabog ng dibdib ko. Agad namang lumapit sa akin si Melecio para tabanan ang kamay ko. Humarang siya sa harap ko na para bang handa siyang makipagtigasan, huwag lang nila ako’ng tuluyang makuha. “Ate, alam na nila. Nag-message kay Papa ang kaibigan mong si Jana,” sabi ni Ryder na nadismaya rin ang mukha dahil sa pagsiwalat ng sikreto ko. “Kaya ako napapunta na rin dito ay dahil tinawagan din nila ako para sunduin ka na,” sabi pa nito. “Totoo ba na nasa iyo ang kumot na pinasa sa akin ni Jana?” tanong sa akin ni Sir Sam. Mahinahon ang boses nito. Kalmado siya na para bang pinapahiwatig niya na walang sapilitan na mangyayari. “Wala po. Edited lang po ‘yun. Hindi sa akin ang kumot na ‘yun. Nagkamali lang