Samara’s POV Dumaan pa ako sa Sip Me Baby One More Time bago ako tuluyang nagpasundo sa driver ni Jana. Ang sabi kasi nito ay kung sakaling magdala ako ng food ay milktea at burger na lang ni Melecio ay ayos na sa kaniya, kaya ayon na lang ang dinala ko. Pagdating ko sa bahay nila ay napanganga na naman ako. Ang laki at ang taas ng mansyon nila. Dati, sa mga palabas lang ako nakakakita ng ganito. Ito ang pangalawang mansyon na napuntahan ko sa talambuhay ko. Sa tuwing makakakita ako ng ganito ay palagi kong tinatanong sa sarili ko kung kailan kaya ako magkakaroon ng ganito? Pagpasok ko sa loob ay binati ako ng mga maids nila. Niyukuan pa nila ako para galangin. Siguro ay dahil sa suot ko kaya sila ganoon sa akin. Akala siguro ng mga ito ay mayaman akong kaibigan ni Jana. Kung ganoon ay