Samara’s POV Naghiwalay kami ni Melecio pagdating namin sa mall. Inutusan ko siyang bumili ng mga pagkain na dadalhin namin bukas, tapos nagpunta naman ako dito sa camping shop para bumili ng mga gamit na kailangan namin. May listahan ako kaya alam ko na kung ano ang mga dapat bilhin. Ako ang nakaisip ng camping na ito kaya ako rin ang dapat na gumastos. Ngayon ko gagastusin ang mga perang nakuha ko noon kay Jordyn noong inuutusan pa niya akong maging spy kay Melecio. Nakakatawang isipin na ang perang bigay niya sa akin ang gagamitin ko ngayon para magsaya kami ni Melecio para bukas. Bumili ako ng isang malaking tent na kasya ang dalawang tao, bumili rin ako ng dalawang sleeping bags at dalawang sleeping pillow. Dalawa lang talaga ang binili ko para wala kaming dantayan. Nang sa ganoon