Samara’s POV Huminto ang sasakyan ni Jana sa tapat ng isang malaking building. Namangha ako dahil hindi ko inaasahang ganito pala kalaki ang office ni Ced. Bumaba kami sa pinakaharap para makita ko raw ang pinakaharap ng building ni Ced. Ang sabi ni Jana ay narito na ang lahat ng office ng iba’t ibang clothing brand ni Ced kaya mataas at malaki talaga ang building na ito. “Good day po, Ma’am Jana,” bati ng guard sa kaniya nang makapasok na kami sa loob. Tinanguan niya lang ito. Ang daming staff doon ang bumati sa kaniya habang papasok na kami. Pati nga ako ay binabati nila. Inaakala siguro nila na mataas na tao ako kaya panay ang yuko nila sa akin. First time kong maranasan ‘yun kaya natutuwa ako. Dati, pangarap kong makapagtrabaho sa mga ganitong bonggang kompanya. Hindi ko inaakalan