Chapter 4

1129 Words
Umiling ako at dinampot na lamang ang bote ng brandy sa aking paanan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng mansyon ngunit bumungad na sa'kin ang ilang basyo ng alak na para bang surpresa ito sa aking pagdating. Saglit kong ipinikit ang aking mga mata at pinakiramdaman ang lamig ng hangin na dumadampi sa aking balat. Mukhang napa-aga yata ang pag-uwi niya at hindi na nagawang pigilan ang labis na emosyong nararamdaman. Ginawa na naman nitong sandigan ang alak sa kanyang mga problema. Bilang huwad nitong asawa, wala dapat akong maramdamang awa kay Alfred dahil kailangan kong panatilihing walang anumang namamagitan sa aming dalawa hanggang matapos ang serbisyo ko dito. Ayon nga sa nilagay nito sa kontrata, no strings attached. Ngunit bilang isang babae, hindi ko siya maaring pabayaan na matulog sa sala na para bang hindi ako nakikitira sa mansyong pagmamay-ari nito. He looks totally wasted. Kabaliktaran ito ng imaheng ipinapakita niya sa loob ng kompanya at sa mga taong nakakakilala dito. Matapang at walang kinakatakutan, iyon ang gustong ipakita sa lahat ni Alfred ngunit ang totoo'y puno ng hinanakit at galit ang kanyang puso. He's a great pretender, I can't deny that. Hindi halatang nasasaktan ito at puno ng frustrations sa buhay dahil mukhang naging natural ang kanyang kasungitan at magaspang na ugali. Bumalik ako sa kanyang tabi hawak ang isang basang bimpo at makapal na kumot. Ayokong magising si Alfred kaya ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang mapanatiling tahimik at maingat ang bawat galaw ko. "Ano na naman bang problema, Alfred?" mahina kong sambit nang nakahiga na ito sa sofa. Hawak ko na ngayon ang kanyang kamay at maingat itong pinupunasan ng taas baba. Masyado pa namang sensitive ang ilong ko sa amoy ng alak kung kaya't nalalanghap ko talaga ang asim nito. "I love you..." Biglang huminto ang aking mundo nang marinig ang malambing na boses ni Alfred. Nakangiti ang labi nito at medyo maaliwalas ng tingnan ang kanyang mukha, marahil nasa kalagitnaan na ito ng isang masayang panaginip. Ipinagpatuloy ko ang aking ginagawa at pinagsikapang huwag ng tumama ang aking mga mata sa gwapo niyang mukha. Ayokong umasa na para sa'kin ang sinabi niyang iyon. Imposibleng sa loob ng tatlong buwan ay mahulog ang loob nito sa isang tulad ko. Ayokong maniwala dahil ayoko ring masaktan. Kailangan mo kasing asahan na kapag umasa ka, kakambal nito ang sakit at matinding disappointment. "I'll be a good lover to you..." Mabilis na kumabog ang aking dibdib nang biglang niyapos ni Alfred ang aking braso. Sinubukan kong silipin ang mukha nito pero nanatili siyang nakapikit. Nagpakawala lamang ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ayokong sumama sa mga panaginip mo, Alfred dahil alam kong masasaktan lamang ako sa tuwing magigising ako sa katotohanang hindi totoo ang lahat. I was amused when Alfred pinned me against the wall and suddenly claimed my lips. I moaned in pleasure, wrapped my hands around his nape as I stared directly into his eyes. Sa bawat halik niya sa'kin kakaibang sensasyon ang hatid nito sa aking katawan. Para bang ginigising nito ang apoy na nagtatago sa aking pagkatao. Hindi ko mapigilang huwag maluha, ganito ba ang pakiramdam nang may totoong nagmamahal sa'yo? Iyong feeling na dumating na ang taong makakasama mo habambuhay sa hirap o ginahawa? Ang tagal kong pinangarap na dumating ang oras na ito, laman ng bawat panalangin ko na sana magkaroon na ng tunay na pag-ibig sa pagitan naming dalawa. At mukhang sinagot na ng Diyos ang aking hiling. "I love you so much, Bless. I know, I am the happiest man on Earth because I was able to marry you." He smiled at me. Para akong mababaliw nang sinapo nito ang magkabila kong dibdib habang hinahalikan ang aking leeg. Ramdam ko ang init ng hininga nito sa aking balat, it makes me want to welcome him more. I let out a moan when he dragged me to our king size bed. Hinayaan kong umarko ang aking katawan sa bawat haplos nito at kumawala ang hindi mabilang na singhap sa aking labi dahil sa sobrang sarap. Nagising na lamang ako dala nang tumatamang liwanag sa aking mga mata. I let my hand roam to search for his warmth, but got nothing. Babangon na sana ako mula sa kama nang marinig ko ang pamilyar nitong boses. "Damn! Sa tingin mo ba totoong minamahal ko ang babaeng iyon? I'm a good liar, I will not fall into my own trap. Ang swerte naman yata niya kung sakaling magising na lamang ako at maisip na totohanin ang pagsasama namin. She's just a commodity, I'm just using her." Kaagad kong naramdaman na uminit ang sulok ng aking mata. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa sakit ng sinabi nito. Pinigilan ko ang luha ko nang marinig na bumukas ang pinto. Pumasok si Alfred dala ang isang tray na naglalaman ng breakfast in bed. Lalo lamang akong nasaktan nang makita ang huwad nitong ngiti at pekeng kinang sa kanyang mga mata. Kinuha ko na lamang ang bread knife sa kanyang harapan. Akmang sasaktan ko na ang aking sarili nang makarinig kami ng isang malakas na sigaw. Habol ang hininga at tagaktak ang pawis nang magising ako mula sa isang masamang panaginip. Naramdaman ko kaagad ang kirot at pangangalay sa aking palad, pinagmasdan ko ang dugong namuo rito, totoo nga palang nasugatan ako. Hindi ko lang siguro napansin kagabi habang naglilinis ako ng mga nagkalat na bote sa sahig kasama na rito ang mga nabasag ni Alfred. Pinilit ko ang aking sariling bumangon at magtungo sa palikuran upang hugasan ang aking kamay. Sinubukan kong linisin ito ng mabuti hanggang napagpasiyahan kong maligo na lamang. Gusto kong pakalmahin ang aking puso sa pamamagitan ng maligamgam na tubig mula sa shower, hindi kasi mawala sa isip ko ang panaginip na 'yon. Masyado itong makatotohanan kaya hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga daliri ko. Mabigat ang dibdib na lumabas ako mula sa aking kwarto at nagtungo sa sala. Kahit alam kong hindi naman totoo ang napanaginipan ko, nalulungkot pa rin ako. Sana pwede kong iwasan ang aking asawa kahit ngayong weekend lang para kumalma ang puso ko. "What happened to you? You look like a mess!" Napatingala ako at nakita ang imahe ni Alfred sa aking harapan. Kunot ang noo nito, magulo ang buhok at halatang kagigising lamang. Hindi lang naman ako ang mukhang basahan, dalawa kami dahil nakakasulasok pa rin ang amoy ng alak sa kanyang katawan. Kung tutuusin, mas malala pa siya sa'kin. "Good morning, Alfred." Sinubukan kong batiin siya bago naglakad papuntang sala. Napatingala na lamang ako sa puting ceiling bago malalim na bumuntong-hininga. Mabuti nalang at nagawa kong pigilan ang sariling huwag manginig sa harapan nito. Ayoko nang alalahanin ang malambing nitong boses habang nagsasabi ng 'I love you' kagabi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD